The Book Of Enchantment-Chapter 5-Ang Bagong Kaibigan

48 4 0
                                    

Matapos nang duelo nina Zandra at Ederick, nagdesisyon na kaming tatlo na umuwi sa bahay ni Zandra. Naisip ni Zandra na sa bahay nalang niya muna matulog si Ederick. Lalo na at gumagabi na at malayo pa ang kaniyang uuwian.

Kumain na kami ng aming hapunan at agad ring nagtungo sa pagtulog.

(Kinabukasan)

"Mabuti pa gisingin mo na siya para makaalis na tayo." "Oo na, oo na sandali lang!"

Usapan na aking nadirinig bago bumukas ang pinto. "Lei! Bumangon ka na riyan upang makaalis tayo ng maaga. Malayo-layo kasi ang ating pupuntahan."

A-ano? Aalis tayo? Pero saan tayo pupunta? "Kadami-dami mo namang tanong. Bumangon kanadyan ipapaliwanag ko nalang saiyo mamaya.

Tumayo na ako. Kumuha ako ng isang basong tubig at pinangmumog ko sa aking bibig. Syempre,wala namang toothbrush at toothpaste dito.

"Ang kupad mo naman kumilos." Pasigaw na sabi sa akin ni Ederick. Eh anong magagawa ko? Ang bagal nyo akong ginising eh. "Baket? Kailangan ba sa bawat pag-alis natin gigisingin ka?"

"Ano ba! Hindi bakayo titigil sa walang kwenta niyong pagaaway?" Mabuti pa magsimula na tayong maglakad imbes na magtalo kayo sa walang kwentang bagay!" Galit na sigaw samin ni Zandra.

Hindi ko na nagawang umimik. Ganoon rin naman si Ederick. Mas pinili naming sundin nalang su Zandra kaysa magalit siya.

Saan ba tayo pupunta? Tanong ko sa kanilang dalawa. "Pupunta tayo sa bayan. Mamimili tayo ng pagkain. Naubos na kasi ang istack natin sa bahay."
Nakangiting sagot sa akin ni Zandra.

Pagkatapos ng halos 3 oras. Nakarating nakami sa bukana nang bayan. Maraming tao ang nakita ko doon. Mga nagtitinda, mga mamimili, mga batang naglalaro at iba pa.

Nakamamangha ang lugar na pinuntahan namin. Parang ang bayan lamang din namin sa aking probinsya. Tinanong ko si Zandra kung ano ang pangalan ng bayan na ito.

"Ito ang bayan ng Kayas." Ang sagot niya.

Mayroon bang pinagmulan ang pangalan ng bayan ito?

"Oo, ang kayas ay nanggaling sa salitang Kayaz dito sa mundong to. Ang Kayaz ay ang bayan na pinagmumulan ng malalakas na mandirigma. At ang tawag sa pinakamalakas na grupo ng mga mandirigma ay Kayaz. Doon nanggaling ang pangalan ng bayang ito." Mahinnhing paliwanag sa akin ni Zandra.

Nagpatuloy kaming tatlo sa paglalakad. Hanggang sa marating namin ang pinakagitna nang bayan kung saan itnitinda ang mga sariwang gulay, isda, mga karne ng hayop, at marami pang iba.

"Tatlong supot nga po ng gulay, isang kilong isda, at dalawang kilong karne." Ani ni Zandra.

"Mukhang may magaganap na espesyal na handaan sa inyo at ang daming ninyong binili ha. Ang lahat ng yan ay 5 pilak lamang."

Inabot ni Zandra ang bayan sa tindera. Muli kaming naglakad. Ang sabi ni Ederick kailangan niyang bumili ng bagong espada. Gumagamit siya ng espada? Ngunit may kapangyarihan naman siya.

"Andito na tayo. Maghintay lamang kayo diyan sa labas." Utos niya samin.

Nanatili kaming nakatayo sa labas. Hanggang sa:

Biglang sumigaw si Zandra. Ang pinamili natin! Nakita ko ang hangin na lumipad sa aking mukha. Ang mga panindang nadaan ay tumalsik kahit saan. Kasing bilis ng kidlat ang takbo nito. Napansin ko rin ang isang guhit sa kaniyang binti na isang ibon. Hindi malinaw ang kulay nito ngunit mukha itong kulay dilaw at kahel.

"Kailangan nating mahanap iyon. Magnanakaw ang taong iyon. Kinuha niya ang pinamili natin. Tiyak na magagalit si Ederick kapag na laman niya ito. Pinaghirap niya kasi ang 5 pilak na pinambili natin."

Nagdesisyon kaming maghiwalay upang mas mabilis naming mahanap ang magnanakaw.
Ang sabi ni Zandra magkita nalang daw kami ulit sa tindahan ng mga sandata.

Nilibot ko ng nilibot ang buong bayan. Hanggang sa nakita ko ang isang lalaki. May bitbit siyang mga supot na katulad nang samin sinundan ko siya. Hanggang sa makita ko na ibibenta niya rin ito sa isang tindera.

Hoy ikaw! Ikaw na lalaking nakasuot ng sumbrero. Tumingin ito sa akin.

"Sino kaba? Anong kailangan mo sakin?" Ang tanong niya sa akin.

Ako lang naman ang pinagnakawan mo! Mabuti pa ibalik mo nayan sa akin.

"Kung hindi? Anong gagawin mo? May kaya kabang gawin? Di ba wala naman?" Panunusok niya sa akin.

Oo! Kaya kong patumbahin ang isang katulad mo!

Matapos kong sambitin ang mga linyang iyon. Napansin kong gumagalaw ako ng kay bilis! Hinahatak ako ng lalaking ito!

Ngunit saan niya ako dadalin?

"Ipakita mo sakin ang kayang mong gawin!" Utos nito sa akin.

Wala akong ibang ginawa kundi titigan siya. Hindi ako kumibo.

"Wala kaba talagang gagawin? Gusto mong ako na ang mauna. Kung ganonpagbibigyan kita!" Mga salitang narinig ko bago kumulog. Nakita ko ang matatalim na kidlat.

Ang isang kidlat ay pumunta sa akin. Iniwasan ko lang ito. Napansin ko na ang iba pang kidlat ay papalapit nasa akin. Pumikit ako. Na para bang hinihintay kamatayan ko. Gumalaw ang katawan ko. Na para bang isang dahon na nagsasayaw sa taniman ng palay.

Pagkamulagat ko nakita ko ang lalaki na nasa harap ko. Sinulit ko ang pagkakataong iyon. Binukas ko ang palad ko at parang sinutok nang pasampal sa kaniya. Tumilapon siya at nawalan nang malay.

Agad ko naring kinuha ang mga supot na aming pinamili. Aalis nasana ako ngunit narinig kong nagsalita ang lalaking nakalaban ko.

"Ako si Kristopoer Clemente, Kris nalang. Gustong ko sumama sa paglalakbay niyo. Ako ang itinakda mula sa angkan ng Clemente. Ang angkan ng mga kidlat. Sana ay pumayag kayo sa aking hiling."

Mukhang tama ang hula ko. Unang kita ko palang sa binti niya. Nakita ko na ang ibong kulay dilaw na nakaguhit sa kaniyang binti.

Pumayag ako dahil isa siya sa mga hinahanap namin. Sumama siya sa akin na bumalik sa tindahan ng mga espada.

"Lei! Andyan kana pala! Ang akala namin nawala kana. Sino yang kasama mo? Siya ba yung nagnakaw sa atin." Ang salubong ni Zandra sa akin.

Oo siya nga. Ngunit wag kayong magalala. Isa siya sa hinahanap natin.

Matapos kong sambitin ang mga linyang iyon. Ipinakita niya ang guhit na nasa kaniyang binti.

"Ako nga pala si Kristoper Clemente, Kris nalang. Ako ay katulad rin ninyo. Ako ang itinakda mula sa angkan ng Clemente. Angkan ng mga kidlat." Ang pakilala niya.

Matapos kilalanin nina Zandra at Ederick si Kris. Nagsimula na kaming apat na maglakad. Habang maglalakad kami sa isang makulimlim na hapon. Tinanong namin siya nang kung ano ano.

Nakarating narin kawi sa bahay ni Zandra. Nagpapahinga kaming tatlo nina Ederick at Kris. Habang si Zandra naman ay nagluluto.

Masaya kaming naghapunan. Lalo na at 5 nalamang ang kailangan naming hanapin.

Matapos naming kumain. Dinala kona si Kris sa aming kwarto. Napagdesisyonan kasi namin na dun nalang siya matulog sa kwartong tinutulugan ko.

***

Nuxxx. Umabot kana sa ika-5 yugto ng kwentong ito. Sana hanggang sa dulo ng kwentong ito ay nakasubay-bay ka parin!

Narito na ang ating QOTC(Question of this Chapter)

QOTC:

Sino ba talaga si Kris? Makatutulong ba siya sa paglalakbay ni Lei sa mundong Mheilfrim?

Sino sino pa kaya ang 5 pang natitirang mga itinakda?

Kailan kaya makakabalik si Lei at ang mga bago niyang kaibigan sa mundong pinanggalingan niya?

Hanggang sa susunod na Chapter!
Happy Reading!

Next Chapter-Ang Masamang Panaginip

The Book Of EnchantmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon