"Ano ang ninanais ninyong gawin sa akin?!"
"Bitawan niyo ako! Wag nyo akong hawakan!"
Pamimiglas ng isang tao."Esta-piskun-Wasqeu-Dure-Obi-Zakqui-Nubsi"
Mga salitang nagmumula sa isang nakakatakot na boses."Ahhh,Hahh! Tulong! Ano ba talaga ang nais ninyo! Isa lamang akong hamak na taong naninirahan sa bundok ng Kisve!" Patuloy na pamimiglas niya.
"Ikaw ang kailangan ng aming pinuno! Tumahimik kanalang mang diyan" Boses ng isang kawal.
"Tigilan nyo na ito! Siguradong gagantihan kayo ng kapangyarihan ng puno ng kapaaaa~.
"Waaaaahhhh! Tamaa naaaaaaaa!"《》
"Lei? Lei! Gumising kaaaa!" Ang sigaw ni Kris.Kris? Sa-salamat sa paggising mo sakin. Ano ba ang nangyayari? Ang tanong ko sakanya.
"Siguro'y ikaw ay binabangungot. Narinig ko nalang ang biglaan mong pagsigaw sa takot. Tungkol saan ba ang masamang panaginip mo na ito"
Nakita ko ang isang lalaki. Sa aking palagay, nahuli siya ng mga kawal. Ngunit ang mukhang ang mga kawal na humuli sa kaniya ay masasama.
May isang pang tao ang nakatayo sa harap ng bihag. May nakakatakot itong prisensya. Nakasuot ng magagarang kulay pula't itim na kasuotan. Mayroon rin syang malamig,walang buhay at nakakatakot na boses. Sinabi ng isang kawal na ito raw ang kanilang pinuno.
May binanggit syang mga salitang hindi pamilyar sa akin. Hindi kona matandaan ito. At satingin ko na isa itong mahika na ginagamit niya sa bihag.
Bakas sa mukha ng bihag nila ang sakit na kaniyang na darama habang sinasambit ang mga engkantasyon na nagmumula sa kanilang pinuno.Pagkatapos non, may nabanggit ang bihag tungkol sa kapangyarihan ng isang puno. Ngunit hindi niya natapos ang kaniyang mga salitang sinasambit dahil sa napasigaw siya sa sakit.
Iyon siguro ang epekto ng mahika na ginamit ng pinuno ng mga kawal. At doon natapos ang masamang panaginip na iyon.
"Mabuti pa, halina't tayo ay magtungo na sa kusina upang kumain at sabihin kila Zandra ang masamang panaginip mo na iyan Lei."
Ngunit sa tingin ko ay mas makabubuti nalamang kung huwag muna natin itong sabihin sa kanila. Lalo na't kailangan muna nating magbigay atensyon sa paghahanap sa mga natitira pang mga itinakda. Ang tugon ko sa kaniya.
"Kung sa tingin mo iyun ang mas makabubuti. Ngunit kapag naulit pa ang mga masasamang panaginip mong ito ay sasabihin na natin ito sa kanila." Wika ni Kris.
Tama ka. Ngunit sa ngayon ay kumain na muna tayo ng ating agahan. At wag mong kakalimutang na hindi natin sasabihin sa kanila ang panaginip na ito. Halika na at humayo na tayo.
At nagtungo na nga kami sa kusina.
"Kamusta ang pagtulog ninyo? Lalo na ikaw Kris ayos lang ba ang unang gabi mo rito sa aking bahay? Pagtatanong ni Zandra.
"Oo! Sa totoo lang. Ang lakas ngang humilik ni Lei eh." Biro ni Kris.
Hay nako. Ano bayan, ang aga aga ako nanaman ang napagdidiskitahan sa mga biruan.
Nagtawanan sila sa harap ng pagkain. Sana mabulunan sila. Pabulong kong sabi kasabay ng mahinang tawa.
"Lei, wag kang mapipikon ah. Baka mamaya ay umalis ka nalang ng bigla." Panunukso naman ni Ederick.
Ako? Mapipikon? Baka lagas lagas na ang mga buhok ninyo at kulot na ang mga balat ay diparin ako mapipikon sa mga biro ninyo.
At nagpatuloy ang masayang tawanan kasama ng masarap na kainan sa kagandahan ng umaga.
BINABASA MO ANG
The Book Of Enchantment
FantasyAng librong ito ang bumago sa aking buhay Simpleng librong isinulat ng mga espanyol At isinalin sa ingles at tagalog Napakaraming bagay ang matututunan ko Samahan nyo akong lakbayin ang Mheilfrim Read and enjoy!