The Book of Enchantment-Chapter 3-Ang Agila

39 5 2
                                    

Pagkatanggal ko ng damit ay nagulat ako sa nakita ko. May nakita ako sa aking braso na ngayon ko lang nakita. Wala akong natatandaan na may gantong nakakabit sa aking braso. Hindi kaya ito ang...

Ito ang simbolo ng aking birtud. Kung ang simbolo ng birtud ni Zandra ay ang isdang nagliliwanag ang pakaasul,ang napunta naman sa akin ay isang agila.
Mabuti pa ay tapusin ko na ang aking paliligo at sabihin ito kay Zandra.

Umahon narin ako sa ilog. Pagkayari kong nagpunas at nagpalit ng kasaotan ay agad narin akong nagtungo sa tirahan ni Zandra.

Binuksan ko ang pintuan ng bahay. Di ko nakita rito si Zandra, kaya hinanap ko rin agad siya. Matapos kong halughugin ang halos lahat sulok ng bahay, naisip ko ang kwarto ni niya.

Binuksan ko nang dahan-dahan ang pinto ng kwarto. Nakita ko narin si Zandra, ngunit may kasama siyang isang lalaki. Narinig ko ang usapan nila.

"Zandra,mukang nauubos na ang oras natin. Kailangan na nating halughugin ang buong mheilfrim para hanapin ang 7 iba pang itinakda at magrerepresenta ng kanikanilang mga angkan." Wika ng lalaking kausap ni Zandra

"Paano naman natin sila mahahanap. Ang laki-laki ng mheilfrim atsaka di natin alam kung sino-sino sila." Ang sagot ni Zandra.

"Ah basta, gawan nalang natin ng paraan iyon. Basta ngayon ang isipin muna natin ay kung pano natin mahahanap ang prinsesang nakasaad na tutulungan natin para iligtas ang mheifim. Hanapin muna natin siya bago ang 7 iba pa." Galit na sagot niya.

"Mabuti pa aalis nako, mag-pokus kamuna sa patuloy na pagsasaliksik. Sige ha! Sa susunod nalang, paalam!" Wika ng lalaki bago ito umalis.

Kailangan ko ng umalis baka mahuli panila ko. Nagtago ako sa likod pintuan ng kwartong tinutulugan ko. Sinilip ko ang lalaki bago ito umalis nakita ko na mayroon siyang simbolo ng birtud. Sigurado akong iyun yon, at ang sakanya ay...

Tama! Isang ahas nga ang nasa pisngi niya. Lumabas narin ako ng kwarto pagkaalis niya.

Ahh-ehh Zandra pwede ba kitang kausapin?

"Ahh sige oo naman, ano ba iyon? Sagot niya sakin.

Habang ako ay naliligo kanina doon sa ilog ay may nakita ako isang guhit. Yung parang saiyo.

"Parang sakin?"

Oo! Kaso ngalang ang nakalagay sa aking braso ay isang agila. Sa tingin mo, isa bako doon sa 9 na taong itinadhana na irepresenta ang kani kanilang angkan na nagtataglay ng simbolo ng birtud?

"Satingin ko ganun nga, pero kung hindi mo masasamain pwede kobang tignan ang nasa braso mo para maging sigurado?"

Oo,sige tignan mo para makumpirma natin kung katulad mo ako.

"Hmmm, mukang pulido ang pagkakagawa. Di nabubura at mukang natural." Ang sabi ni Zandra habang mabusising kinakalikot ang nasa braso ko.

Ano sa tingin mo Zandra? Masasabi mo bang katulad mo ako?

"Teka, katulad? Nanggaling kadin ba sa mundo bg earth?" Ang tanong niya sakin, bakas sa mukha niya na seryoso siya at nanghihingi ng sagot.

"Sinabi ko na nga ba na nanggaling karin sa Earth, at isa ka sa 7 hinahanap namin ni Ederick."

Ederick? Siya sigurado ang lalaki kausap ni Zandra kanina. Bulong ko sa sarili.

Ibig sabihin ba nito ito pati si Ederick ay nanggaling rin sa Earth at isa sa 9 na itinakda ng birtud ng puno ng kapalaran?

"Pa-paano mong nalaman ang birtud ng puno ng kapalaran kung ngayon mo lamang nalaman na isa ka sa 9 na itinakda?" Tanong sa akin ni Zandra.

Nung mga panahong wala pa ako rito, nanaginip ako ng kung ano ano. Nakakarinig ako ng di pamilyar na boses at nakikita ang mheilfrim sa aking panaginip.

"Mukang isa ka talaga samin. Ganyan rin ang nangyari sa akin at kay Ederick. Dapat na magsanay tayong tatlo habang hinihintay at hinaganap ang mga natitirang itinakda." Ang sabi niya sakin na tila siya ay nasasabik na sa pagsasanay.

"Pero bago kailangan mo munang makilala si Ederick at ganun rin siya sayo. Bukas ay babalik siya rito. Mabuti pa, ipagluluto muna kita para makapagpahinga tayo at makapaghanda para bukas." Binanggit niya ang mga salitang iyon bago magtungo sa kusina.

Natapos narin siyang magluto. Pinagsaluhan naming dalawa ang niluto niya. "Napaka sarap naman nito" ang sabi ko sa kanya na sibayan ko ng isang matamis na ngiti. Habang kumakain ay di ko maiwasang mapatitig sa kaniya. Parang hinatak ako ng mapupungaw niyang mata para titigan siya.

"Ang sarap talaga! Matutulog nanaman ako busog sa hapunan at sa muka mong kay ganda." Pag puri ko sa kaniya na nasundan ng mga salitang di ko alam na lalabas sa aking mga labi.

"Anong sabi mo?" Tanong niya sa akin.

Ahh-ehh ang sabi ko ay matulog ka ng mahimbing at magpahinga para bukas. Sagot ko sa kaniya at sinamahan ng isang ngiti.

"Ganon ba? Matulog ka rin ng mahimbing para bukas." Magandang gabi!

Sige, ganon rin saiyo. Pamamaalam ko bago magtungo sa aking tinutulugan.

Nakahiga na ako sa aking tulugan. Ngunit hindi parin ako makatulog. Gising na gising parin ang aking diwa. Kaya naisip ko na lumabas muna at magpahangin, parang pampantok narin dahil nga di ako makatulog.

Lumabas ako ng bahay ni Zandra. Naisipan ko na akyatin ang bubong ng bahay. Inakyot ang bubong na gawa sa kahoy. Nahiga ako rito, dahi di naman ito mainit dahil gabi na nga rin. Pinag masdan ko ang kalangitan, tanaw ko ang kalangitan na walang kaulap ulap. Makikita rin dito ang mga kumukuti kutitap na mga bituin.

Napabulong ako sa aking sarili. Ganto rin pala dito sa mheilfrim no. Ano na kaya ang nangyayari sa tunay na mundo? Bakit pakiramdam ko na unti unti na akong nasasanay dito? Siguro, pakiramdan ko komportable nako rito.

Habang pinagmamasdan ang kalangitan, patagal ng patagal na nakadama na ako ng antok. Agad na rin akong bumaba dahil baka mawala ang antok ko at natulog narin.

***

Yahoo! Natapos mo na ang ika 3 parte o chapter nabg storya na ito. Narito na ang QOTC

QOTC(Question Of This Chapter)

Ano kaya ang matutulong ni Ederick sa paglalakbay ni Lei?

Ano kaya ang kapangyarihang tinataglay ni Lei?

Sino sino pa kaya ang kukumpleto sa 9 na itinakda?

Stay tuned sa mga chapter ng The Book Of Enchantment!

Happy reading!

Next Chapter:
Chapter 4-Ang Matigas na Depensa ng Lupa

The Book Of EnchantmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon