Chapter 8: Happy Day

24 2 0
                                    


ALY's POV

Nakatingin lang ako sa kisame habang dinadama tong lambot ng kama ko. Tuwing gabi ko kasi inaalala yung mga nangyari sa akin sa isang araw. Nasanay ako na ganito palagi yung ginagawa. Nagmumuni muni ganoon isip isip. Ewan ko ba bakit ganito ako tapos makakatulog nalang ako.

Sobrang nagenjoy ako sa araw na ito. Matagal narin kasi nung huli kong punta sa amusement park. Naranasan ko ulit sumakay sa mga ganoong klaseng rides. Idagdag pa na kasama ko sina Jessie. Bagong karanasan nanaman kasama sila.

Masasabi kong isa sila sa mga taong masarap kasama. Kayang sakyan mga trip mo sa buhay. Sabi nga diba walang basagan ng trip. Kaya masasabi kong komportable ako kapag kasama sila. Ilang araw narin nung nakilala ko sila.

Alam niyo naman na tahimik akong tao. Di masyadong nagsasalita. Siguro dahil takot akong mareject kung sakali mang ibahagi ko ang mga gusto kong sabihin. Baka ma misinterpret nila ako. Bukod sa home schooled ako simula noong highschool, wala akong masyadong kaibigan.Pero, simula nung nakilala ko sila, unti-unti akong nagiging maluwang. Natututo akong makihalubilo sa iba, sabihin yung mga gusto ko nang walang pagaalinlangan. Siguro tama lang yung desisyon ko na pumasok na talaga sa isang eskwelahan. Gusto kong sumubok ng bago. Gusto kong mas makilala pa yung mga nasa paligid ko. Kaya siguro, kahit nagaadjust, alam ko na para rin to sa ikabubuti ko.

Di tulad noong mga panahon na homeschooled ako, nasa bahay lang madalang pang lumabas labas . Maliban nalang kung nandiyan si kuya kasi magkasundo kami noon eh sa maraming bagay. Mahal na mahal ko yung kuya kong iyon kahit minsan may sumpong.

Sighs*

Masaya pero nakakapagod ang araw na ito.Di ko parin makalimutan yung nangyari kanina. Ako lang ba o parang ayaw sa akin ni Max? Parang ilag kasi siya sa akin pero hinahayaan ko nalang.

Naalala ko nanaman yung sinabi sa akin ni kuya tungkol kay Max. Oo, pansin ko na may pagkamasungit siya. Pero sapat na ba iyon para husgahan ang isang taong di mo pa naman lubos na kilala? Lalo pa't naririnig lang naman iyon ni kuya. Masamang manghusga ng tao. Ayokong manghusga kasi paano kung ako ang nasa sitwasyon niya? Diba ang sakit na pinaguusap usapan ka ng mga tao na wala namang nalalaman tungkol sa buong ikaw. Kaya nangako ako na kilalanin muna ng maigi si Max baka naman ganoong talaga siya kaya iintindihin ko nalang.

Naniniwala ako na mabait si Max. Mayroong nakita si Lucas sa kanya kaya minahal niya toh maaring iilan lamang ang nakakakita noon pero hindi ako makikibilang sa kanila. alam ko na may rason sa inasta niya. Umaasa ako na magiging malapit kami. Sino ba ako para manghusga?

Makikita mo sa mata ni Lucas yung pagmamahal niya kay Max. Ang swerte nga nila sa isa't isa eh.  Ganoon din naman sina Wil at Jessie ang sweet. Kahit may strong awra si Jessie, pagdating naman sa mga kaibigan niya, di mo akalaing may ganoon pala siyang side. Yung maalagain, maaalahanin, mabait, cute at iba pa. Lalo na pagdating kay Wil. Ship ko talaga iyong dalawang iyon.

Ito namang sina Mike at Sophie, sila yung mga barkadang laging nagpapatawa at nagpapagaan ng atmosphere sa inyong magkakaibigan. Natatawa parin ako kapag naalala ko yung mga bangayan nila. Sweet para sa akin kabang nagbabangayan sila ewan ko ba. Pakiramdam ko may tinatago silang feelings para sa isa't isa ayaw lang aminin. Halata naman eh.

Atsaka kaibigan ko narin si lucas. Di na ako naiilang sa kanya at ganoon rin siya sa akin. Yung nararamdaman ko sa kanya nasisiguro ko na paghanga lang at sana hanggang doon nalang iyon.

Panibagong araw nanaman bukas...ano kayang mangyayari sa akin?

Naramdaman ko na yung antok kaya bumangon ako at nagdasal tapos natulog na...




Kinabukasan

Magandang umaga! Linggo ngayon kaya naghahanda ako para magsimba. Nakasanayan na namin to ng pamilya ko na sa tuwing Linggo, nagsisimba kami. Naglalaan kami ng oras para sa araw na to.

Melancholy In Love Where stories live. Discover now