Chapter 9: New classmate

21 2 0
                                    


Aly POV

Takbo lakad ngayon ang ginagawa ko kasi Nagmamadali na ako dahil late na ako! naku!! monday pa naman may flag ceremony baka masarahan ako ng gate!

Opo ganyan sa school namin kapag nalate ka especially tuwing Monday, wala na, di kana makakapasok! Ayaw ko namang mangyari iyon sa akin!

Eh pano ba naman kasi napuyat ako sa kakabasa ko ng mga paborito kong mga storya. Eh kasi naman diba alam niyo ba yung feeling na ang ganda ng binabasa mo at gusto mo nang malaman kung anong susunod na mangyari at hindi mo na namamalayan na oras na pala gets niyo ba o ako lang???

Kasalanan to ni authornim eh tapos bitin pa hindi ko na tuloy alam kung anong susunod na mangyayari kay Xam. Hindi tuloy ako mapakali. Ayan basa pa more Aly!

A/N: yess guys follow niyo po si alyxx_sapphire  sa wattpad do support her sa first story niya na "ANG MGA ATE KONG MAGAGANDA" actually kaibigan po namin siya and kasama po namin siya na nagsusulat sa storyang ito. Thank you guysss. Ngayon back to the story hehehe.

Finally nakababa na ako ng jeep at nakikita ko na ang gate ng school. Tumatakbo ako nang may bumangga sa akin.

"Aray!!" Sabi ko.

Tumingala ako sa kaniya at nagulat ako na si Lucas pala.

"Uyy Aly sorry ahh bakit ka ba kasi tumatakbo monday na monday eh." Sabi ni Lucas

"Yun na nga eh tumatakbo ako kasi monday."

Mukhang naguluhan siya sa sinabi ko.

"Teka teka wag mong sabihin na nakalimutan mo?"

" nakalimutan ang alin?"

" ano ka ba may flag ceremony tayo bawal tayo malate masasarahan tayo ng gate!"

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. Hindi na siya nagsalita po at hinila ako papunta sa gate at nakita namin si manong na sinasarado na ang gate.

" Sandali kuya!" Sigaw naming dalawa.

Napatigil si manong sa sigaw namin.

" ano ba naman kayong mga bata kayo buti nalang at hindi ko pa tuluyang nasara ito kung hindi naku malalagot kayo sa principal. Sa susunod wag nang papalate ah Sige pasok na." Sabi ni manong

" salamat po. "

Naglalakad na kami sa classroom at buti nalang may mga estudyante pa sa labas.

" buti nalang at nakita kita kung hindi nalate na ako salamat." Sabi ni Lucas.

" hahaha makakalimutin ka na pala ahh." Sabi ko na natatawa.

" may iniisip lang ako."

" nagaway na nananan ba kayo ni Max?"

" No. We're fine actually magkikita kami mamaya."

" Umm.. that's good"

Nagkaroon ng katahimikan sa aming dalawa ng may narinig kaming mga babaeng naguusap.

" tignan mo yung babae na yun. Kay bago bago akala mo kung sinong makalapit kay Lucas. Tss" sabi nung babaeng makapal ang lipstick

" oo nga, alam naman niyang may girlfriend na si Lucas diba tapos sama sama pa siya sa kaniya!" Sabi naman nung isang kasama niya.

" huh! If i know gusto niya lang talagang agawin si Lucas kay Max. Di hamak na mas maganda naman si Max kesa sa kaniya at di hamak na mas mabait. Hay naku alis na nga tayo dito."

Rinig na rinig ko lahat ng sinabi nila sa akin alam kong hindi totoo pero bakit ang sakit? Sabi ng karamihan "truth hurts" pero hindi kaya. Nasasaktan ka lang kasi parang tinatapakan nila ang pagkatao mo at sino ba ang may gustong masira ang reputasyon niya dahil lang sa mga maling impormasyon na yun.

Melancholy In Love Where stories live. Discover now