Chapter 50 Proposal

22 0 0
                                    






QUENA'S POV

"PLEASE come with me, Ma'am" saad pa nung waiter tsaka ako piniringan sa mata.

"Kuya, san mo ko dadalhin?" kabadong tanong ko pa. Naramdaman ko na lang na nasa labas na pala kami dahil naaapakan ko ang buhangin.

[Now playing: Ikaw at Ako - Moira Dela Torre and Jason Marvin]

Sabi nila balang araw
darating. Ang iyong
tanging hinihiling.

"I met her since 2013. Akala ko hindi ko sya magugustuhan dahil lahat ng tipo ko sa babae wala sa kanya. But one day, narealize ko na, mahal ko na sya at mas minahal ko na sya nang higit sa inaakala ko" familiar sakin yung boses na yun ah?

At nung dumating
ang aking panalangin
ay hindi, na maikubli.

"Nang makilala ko sya nagkaroon ng kulay ang mundo ko, kaya kapag nawala sya di ko na alam kung ano pang silbi ng buhay ko.." boses ni Kurt?

Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko na di mapaliwanag. Wala, bigla nalang bumilis.

Maya maya tinanggal na nung waiter yung blindfold sa mata ko kaya agad kong nakita si Kurt na nasa harap ko. Agad din akong napaluha.

"Akala ko hindi ka makakapunta...".naluluhang sabi ko pa.

"Pwede ba yon? Special 'to para sakin at satin. Happy sixth anniversary babe" ngiting sabi nya pa tsaka hinawakan ang kamay ko.

Inalalayan naman nya akong maglakad. Habang patagal ng patagal mas lalo akong kinakabahan at mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.

Sa lahat ng naganap sa buhay namin ito ang kakaiba sa lahat.

"Simula nung makilala kita, wala na akong ibang hiniling pa kundi ang...makasama ka araw-araw..."

"Nasisiguro ko na ikaw at ikaw na ang babaeng makakasama ko habambuhay"

Ang pag asang nahanap
ko sayong mga mata at
ang takot kung sakali
mang ika'y mawawala.

"Hindi ko na patatagalin 'to. Sisiguraduhin ko rin na magiging memorable to for us. November 9, 2019. Save the date for QueKurt"

Napakaraming tao ang nasa paligid namin pero feeling ko kami lang dalawa ni Kurt ang nasa beach kaya di ko mapigilang maluha.

"Quena Gonzales..." banggit nya pa sa pangalan ko tsaka ako inalalayan maglakad ulit.

"I promise to be yours forever, if you promise to be mine forever. So...."

Agad syang gumilid at nakita ko na nga ang nakasulat dun sa may buhangin. Parang nag slow motion naman ang lahat.

At ngayon nandyan kana
di mapaliwanag, ang
nadarama.

"Will you marry me?" ngiting tanong nya pa.

Mas lalo naman akong napaiyak. Hindi ko inaasahan na aabot kami sa ganito. Halo halo ang nararamdaman ko, saya, kilig.

"Yes....." iyak ko pang sagot habang tumatango kaya naghiyawan ang mga taong nasa palagid namin."I will marry you"

Kita ko sa mga mukha ni Kurt ang saya kaya mas lalo akong napangiti. Agad naman syang tumayo tsaka nilagay yung singsing sa daliri ko at  niyakap ako ng mahigpit.

"I love you..." bulong nya pa sa tenga ko.

"I love you too..."

Kumalas naman sya sa pagkakayakap sakin tsaka ako tinitigan sa mata. "Hindi na ako makapag intay na gumising sa umaga at sabihing "Good morning, wife" aniya pa saka ako hinalikan sa noo.

-----------

"KANINA MO PA TINITIGNAN YAN" rinig ko pang sabi ni Kurt tsaka ako napatingin sa kanya.

"Ganda kasi ng design eh" ngiting sagot ko tsaka tinignan ulit yung singsing.

Silver sya at kahit simple lang ang ganda parin tignan dahil mukhang elegante.

"Di ko ineexpect na ngayon ka magpo-propose kasi kanina lang pinaguusapan namin yan ni Mama" natatawang saad ko.

"Naisip ko na rin since sixth anniversary na natin. Nag decide ako na baka ito na yung tamang oras para alukin ka ng kasal. Sigurado na kasi ako sayo"

"Biruin mo, babe. 1 month before 2020 but I'm still inlove with the person I met this 2013" tinitigan naman nya ako bigla."...and that's you"

Napayuko nalang ako dahil feeling ko namumula na naman ang pisngi ko.

"Oh baket?" natatawang tanong nya pa tsaka ako tumungo.

"Wala...excited na kasi ako. Dati, naiingit lang ako sa ibang kinakasal kasi iniisip ko kung anong feeling nun pero ngayon. Mararanasan ko na rin at dun...kasama kita" hindi ko naman mpaigilan maluha.

"Diba nga sabi ko sayo ako ang makakasama mo sa altar. At ikaw ang magiging asawa ko. Quena Gonzales- Carbonel? Bagay hahaha"

I chuckled.

"Siguradong matutuwa ang tropa pang nalaman nila yon" tuwang sabi ko pa.

"Alam na namin kaagad!!" agad naman akong napalingon sa likod ko at nakita ko na nga ang buong tropa!!

"Oy--anong ginagawa nyo dito?" di makapaniwalang tanong ko saka tumayo.

"Humingi rin kasi ng tulong samin si Kurt at kasama nyang kaming nag prepare na 'to" paliwanag pa ni Justin.

"Yah and mas nauna pa kaming nalaman 'to keysa sayo" si Ella.

"Kayo ah..." saka ako tumingin kay Kurt.

"Ano? May inuman bang magaganap?" tanong pa nitong si Steven.

"Takaw mo talaga sa alak!" singhal pa sa kanya ni Ella.

"Baket? Eh nasa sistema ko na yung paginom ng alak. Tsaka alam ko naman na kapag nalasing ako, e aalagan mo ko diba?" biro pa nitong si Steven.

Kumunot naman ang noo ni Ella."Kapal nito!"

"Oh arat na! Tamang tama may hinanda kaming isang backet ng san mig" si Prince saka nagpaunang lumabas ng restaurant.

--------

NAKARATING na nga kami sa may isang resthouse. Kilala kasi ni Kurt yung may ari nito kaya libre lang kami.

"Sa wakas, ikakasal na rin kayo. Una palang, ramdam ko na kayo na talaga sa huli" si Prince.

"We're happy to the both of you, guys" si Justin naman kaya napangiti kami ni Kurt.

"Kami kasi yung gumagawa ng sarili naming tadhana" sagot pa ni Kurt tsaka ako sinulyupan.

"Sanaol!!" sigaw pa ni Steven kaya nagsitawanan kami.

Sobrang saya ko dahil nga sa natanggap na rin kami ng mama ni Kurt. Ayos na ang lahat, at ngayon nag propose na sakin si Kurt. Kaya wala na akong mahihiling pa, feeling ko ako na ang pinaka maswerteng tao sa buong mundo.

"Guys, si Caris!" si Justin tsaka pinakita samin yung phone nya.

"Hi Guys!" bati pa ni Caris samin na kumakaway pa. "By the way, congrats sa inyo Kurt and Quena. Sa wakas ikakasal na rin kayo!" masayang sabi pa ni Caris.

"Thank you, sissy" ngiting sabi ko."Kumusta na nga pala yang si Baby Angelo?"

"Ito okay naman, 1 month na nga lang lalabas na 'tong si baby eh"

"Excited na rin kaming makita yang si baby angelo" excited pang sabi ni Mikay."Double celebration!"

"Hahaha. Sige na guys, baba ko na 'to. Bawal kasi akong mapuyat, sayang nga wala ako dyan pero enjoy kayo. Bye!"

"Bye!" sabi naman namin.


The Lovers SquadWhere stories live. Discover now