Chapter 51 Love Rain

11 0 0
                                    




PRINCE POV

"GANDA ng latest book mo ah" puri pa ng katrabaho kong si Xian.

Napangiti naman ako."Salamat"

"Sino bang inspirasyon mo ha?" nanunuksong tanong nya pa."Love story yan eh"

"Tss, wala loko 'to. Naisip ko lang na gumawa nun para maiba naman"

Sa totoo lang si Mikay talaga ang inspirasyon ko sa paggawa nun. Sino ba pa? Sya lang naman ang minahal ko ng ganito. Totoong love story namin ang sinulat ko na pinamagatang 'Love Rain'.

"Sama ka ba samin" biglang sabi nya.

"San?"

"Sa Restau-bar, dun kakain tsaka iinom. Ano?"

Napatango nalang ako."Sige"

--------

PAGPUNTA namin sa restau-bar ang daming naring tao kahit masyado pang maaga. Sikat kasi 'tong restobar sa lugar namin.

"Dun nalang tayo" aniya pa saka kami umupo dun sa may couch.

"Ano order nyo guys?" tanong pa ni Chris.

"Sisig nalang sakin, sayo dre?" baling sakin ni Xian.

"Ganun na din" tipid kong sagot. Di ko alam kung bakit ang tamlay ko kapag sila yung kasama ko pero pag sila Steven yung kasama ko, nagiging abnormal ako.

Oo nga noh, ilang weeks na rin kaming di nagkikita.

"Oh inom muna tayo habang inaantay natin yung order natin" si Chris tsaka nilagay yung isang bucket na san mig sa lamesa.

"Dami nyan ah" natatawang sabi ko.

"Ganun talaga hahaha" si Xian.

Nilibot ko naman yung buong paligid ng restobar pero may isang tao ang nakaagaw ng atensyon ko.

Tabi lang sya ng table namin, may kasama syang lalake. Silang dalawa lang ang magkasama.

Nang mga oras na yun nakaramdama ako ng selos. Baket sila magkasama?

Mukhang seryoso ang pinaguusapan nila. Sinadya ko namang ilapit ng kaunti yung upuan ko para marinig ko ang pinaguusapan nila.

"Actually, kasalanan ko naman talaga kung bakit kami naghiwalay" rinig ko pang sabi ni Mikay. "Palagi akong busy sa work kaya di ko na sya nabibigyan ng oras. Dumating sa point na...muntik na akong hindi nakapunta sa anniversary namin pero...nahuli na rin ako..." parang dinamba naman ang dibdib ko.

"Mag po-propose sana sya sakin kaya lang nahuli ako. Napagod na rin siguro sya kaya nagawa nya ng iwan ako" bahagya naman akong natigilan.

Parang naalala ko na naman yung araw na ako mismo ang nakipaghiwalay sa kanya habang sya nagmamakaawa sakin. Ang sakit!

"Nasaktan ko siya, at nasasaktan din ako. Hanggang ngayon kasi andito parin yung sakit"

"Pero enough na ba yun para iwan ka nya?" tanong pa nung bwisit na Denver na yon. Ewan ko kung baket ako naiinis dun.

"Nagawa nya lang siguro yun para di na kami mahirapan, para di na kami masaktan."

"Ilang taon na rin yun. Okay na sakin, pero hindi ko matanggap na...." rinig ko pa ang impit na iyak nya kaya parang tinutusok ang puso ko.

Muntik na rin akong napaluha pero nagawa ko pa ring makinig sa pinaguusapan nila.

"...hindi ko matanggap na ganun lang kadali para sa kanya na iwan ako. Na kalimutan ako. Kasi ako? Araw-araw akong umiiyak nagbabakasali na babalikan nya ako kasi...."

The Lovers SquadWhere stories live. Discover now