Chapter 52 Love Rain

13 0 0
                                    






MIKAY'S POV

NARAMDAMAN ko nalang ang paglapat ng labi niya sa labi ko kaya natigilan ako. Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha ko kaya napapikit ako at ninamnam ang bawat hangod ng labi nya na lumapat sakin.

Mas lalo pang lumalim yun at lumaban nalang ako sa halik na yon dahil wala naman akong pagsisisihan.

Parang bumalik yung mga masasayang memories namin noon. Yung saya, kilig, yung sakit na hinding hindi ko makakalimutan.

"Luv! Wag mo naman akong takbuhan!" malambing pang sabi nitong lalakeng to saka ako niyakap ng patalikod.

"Dun kana sa mga chicks mo!" inis kong sabi tsaka sya inirapan.

"Uyy! Nagseselos ang luv ko hahaha!"

"Anong nagseselos? Hindi kaya"

"Suss! Luv, kahit may mga chicks pa ang umaligid sakin, ikawb lang ang love ko" ngiting sabi nya pa saka ako hinalikan sa pisngi.

"Tsk, dyan kana nga" aniya ko sabay ales.

"Huy Luv! Wag mo kong iwan hahaha kinikilig ka noh!"

"Tse!"

"I love you Mikay!! I love you!!"

Kusang kumalas ang mga labi namin at sabay kaming naghabol ng hininga. Napatitig pa kami sa isa't isa at nakita ko sa mga mata nya ang namumuong luha.

Agad naman akong tumayo."Aalis na ako" mahinang sambit ko saka akmang aales.

"Mikay." napatigil naman ako nang tawagin nya ako."Mikay... I'm sorry.."

Bigla naman bumuhos ang malakas na ulan kaya alam kong parehas kaming basa na. Dahan dahan naman akong lumingon sa kanya at nakatayo na rin sya.

"I'm sorry kung iniwan kita. Pinagsisisihan ko na yung ginawa ko, alam kong nagkamali ako at ang tanga tanga ko dahil pinakawalan pa kita. Mahal na mahal kita, Mikay. Mula noon hanggang ngayon, ikaw lang"

"Baket kailangan mo pang guluhin yung isip ko, ha?" seryosong tanong ko sa kanya kaya bahagya syang natigilan.

"Mikay..." akmang lalapitan nya ako pero umiwas ako sa kanya.

"Bakit?" tanong ko ulit.

"Mikay, I'm so sorry--"

"Tigilan mo ko sa kakasorry mo! Lintek na sorry na yan! Sa 'twing sinasaktan mo ko palaging sorry nalang ang kapalit ending magiging marupok na naman ako. Diba ginusto mo naman 'to? Kasi mas mabuti nalang na 'maghiwalay nalang tayo para walang sagabal sa trabaho natin' di,ba?"

"Mikay..."

"Pero narealize ko na wag ka na lang mag sorry kasi kasalanan ko naman kung bakit tayo naghiwalay. Kasi masyado akong busy at nawawalan ako ng time sayo" sarkastiko ko pang sambit.

"Narealize ko din na tama nga si Denver na 'enough na ba yon para iwan mo ako?' at napaisip ako na oo nga 'noh? Enough na ba yun?" napatigil pa ako saka sunod sunod ang paghikbi ko."Hindi ko rin matanggap na ganun lang kadali sayo na iwan ako. Na hindi mo man lang ako binigyan ng isa pang pagkakataon na tulad ng ginawa ko sayo noon. You know what, you're so fvcking unfair!"

"Do you think ganun lang din sakin kadaling iwan ka? Ang hirap din, Mikay. Araw araw akong nagsisisi dahil sa katangahang ginawa ko--"

"Tanga ka talaga!" pagputol ka."Tanga ka na nga gago ka pa!" mariin kong sabi.

"Ang tanga mo kasi pagtapos mo kong ipagtabuyan saka mo lang narealize na mali ka! Ang gago mo kasi gago ka talaga!"

"Mikay...anong dapat kong gawin para mapatawad mo ako? Alam ko namang mahal mo pa ako eh" makaawa nya pang tanong at nakita ko sa mga mata nya ang pagtulo ng luha nya.

"Oo mahal pa rin kita. Mahal na mahal. I'm stupidly inlove with you...Pero kahit gustong gusto kitang patawarin hindi ko magawa kasi sa 'twing nakikita kita. Bumabalik na naman yung sakit na pinaranas mo sakin" iyak ko pa.

Napabuntong hininga nalang ako saka  pilit na ngumiti."Malakas ako sa paningin ng lahat pero pagdating sayo, mahina ako...nanghihina ako"

"Mikay, I'm sorry..." aniya saka ako niyakap at hinayaan ko lang yun dahil hindi ko na mapigilang mapaiyak ulit. "I'm sorry..."

Nang kumalas kami sa pagkakayakap sa isa't isa ay nagtama ang tingin namin. Kita ko sa mukha nya ang lungkot, pagsisisi.

Naramdaman ko nalang ang paghaplos nya sa pisngi ko kaya mas lalo akong napaluha."Mahal ma mahal kita, Mikay. Mahal na mahal"

Napayuko nalang ako at pilit na ngumiti."I'm sorry Prince. I'm sorry sa mga pagkukulang ko sayo. Alam mo kahit sinaktan mo ako, hindi pa rin kita kayang alisin sa buhay ko. Sa puso ko."

"I love you..."

Pero imbis na sagutin ko sayo napangiti nalang ako.

Bigla naman nya akong niyakap ng mahigpit.

---------

NAGISING nalang ako na nasa kwarto na ako. Bumangon naman ako saka pumunta ng banyo. Naligo na rin ako dahil pupunta ang tropa sa coffee shop. Sabado ngayon kaya lahat kami day off.

Pagtapos kong maligo napatingin ako sa kama ko nang biglang mag ring ang phone ko. Tinignan ko naman 'to at parang may kung ano sa tiyan ko nang makita ko ang pangalan ni Prince.

Bakit ko 'to nararamdaman?

Napalunok pa ako bago ko yun sinagot."Hello."

["Pupunta ka sa coffee shop?"]

"O-oo. Maya maya"

["Sabay na tayo"]

Anu raw?

"Huh?"

*ding dong*

Lumabas naman ako ng kwarto ko nang may nag bell.

*ding dong*

"Saglit lang!" sigaw ko."Sino ba 'to at ang aga aga na---"

Bahagya akong natigilan kung sino yung nasa pinto. Bumilis na naman yung tibok ng puso ko.

"Prince..."

"Good morning" ngiting bati nya.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Diba sabi ko sayo sabay na tayong pumunta sa coffee shop." sambit nya saka pumasok sa loob."May dala akong frappe."

Lumingon naman ako sa kanya saka lumapit habang binubuksan yung ensaymada.

"Bakit mo pa ako dinalhan nyan?" tanong ko.

"Wala lang. Gusto ko lang, masama?"

"Hindi mo naman responsibilidad na gawin yan e---"

"But I want." pagputol nya."Gusto kong bumawi sayo. Gusto kong magkabalikan tayo."

At ayan na naman. Bumibilis na naman yung tibok ng puso ko.

"Hindi ko pa kaya Prince."

"Edi maghihintay ako. I'll do anything to make you fall inlove with me, again." ngiting sabi nya saka hinaplos haplos yung pisngi ko."Tara na, kumain na tayo."

Napangiti nalang ako saka sumunod sa kanya.

"Mahal na mahal kita, Mikay."

'Mahal na mahal din kita'

Sa ngayon sa kin muna yun. Hindi pa ako handang bumalik tayo sa dati.

Sana makapahintay ka.






The Lovers SquadWhere stories live. Discover now