Chapter 49 Proposal

20 0 0
                                    




QUENA'S POV

Sobrang saya ko ngayon, alam nyo kung baket? Dahil sa wakas natanggap na rin ako ng Mommy ni Kurt. Akala ko talaga hindi na mangyayari yun, akala ko forever na syang ganun sakin pero dininig ni God yung pray ko kaya ngayon masaya ako, at....

6th Anniversary na namin ni Kurt!

Biruin nyo umabot kami ng ganun katagal?! Ha! Ang saya ko talaga.

"Yan ba ang regalo mo kay Kurt, anak?" tanong pa ni Mama habang binabalot ko yung gift ko kay Kurt.

"Oo, Ma. Kay Kurt nga po, anniversary po kasi namin ngayon" sagot ko pa.

"Hay! Anim na taon na pala kayong nagsasama. Umabot kayo ng ganun? Dapat pala mag pakasal na rin kayo"

O___O

Ano raw?

"Kasal?" tanong ko kaagad.

"Oo. Kasal. Eh tutal matagal na rin kayo ni Kurt, dapat magpakasal na kayo at ah gusto ko ng magka apo"

O__O

Apo naman ngayon?

"Ma, wala pa sa isip namin yun ni Kurt, yang kasal na yan. Masyado kasi syang busy kaya di na rin kami nagkikita"

"Hay..sayang naman. O sya, magluluto na lang ako. Ano oras kaba aales?"

"Mamaya pa pong 6:30"

"Ah.."

---------

PINK dress?

*tingin sa salamin*

Hindi bagay.

White dress?

*tingin sa salamin*

Masyado ako mukhang anghel.

Red dress?

*tingin ulit*

Commom na eh.

Black dress?

*tingin ulit*

"Perfect!"

Yay! Ito na lang susuotin ko

Napansin ko naman yung bracelet sa mesa na binigay sakin ni Kurt nung pumunta kami ng Baguio.

Kinuha ko naman 'to tsaka sinuot."Hindi mo ko binigo, Kurt. Tinupad mo na babalik ka" ngiting saad ko pa sa sarili ko.





MIKAY'S POV

"SAN mo gustong kumain?" tanong pa ni Denver habang nililigpit ko yung mga paper works ko.

"Kahit san na lang"

"Ah. Sa Restobar?"

"Kahit san"

"Okay, tara"

Kinuha ko na nga yung bag ko tsaka sumunod na sa kanya sa paglabas.

Habang tumatagal ay mas nagiging close pa kami ni Denver. Mabait sya at makulit na tao, sya yung tipo ng kaibigan na hindi nauubusan ng mga jokes kaya masaya ako kapag kasama sya.

"Mikay..."

"Hm?"

"Pwedeng favor?"

Napatingin naman ako sa kanya."Ano yun?"

"Si Yna"

Yna, isa sa mga katrabaho namin.

"Anong meron kay Yna?"

The Lovers SquadWhere stories live. Discover now