Prologue

25 0 0
                                    

DITO NA LANG.

Tatlong salita na gusto ko munang gawin sa ngayon.

Dito na lang.

Dito ko na lang ibubuhos ang pagmamahal na dapat ay pinaparamdam ko sa'yo.
Matagal ko na din namang pinaparamdam kaso wala talaga eh.
Wala lang naman sa'yo ang lahat ng pagpaparamdam ko kase hindi naman ako ang mahal mo.
Kaya makukuntento na lang dito.

Kung sakali man dumating ang araw na mabasa mo ito, siguro masaya ka na.

Ako? Hindi ko alam.
Kase ngayon ko lang napagtanto na ang lakas pala ng apoy na nararamdaman ko para sa'yo.

Kaya isusulat ko na lang dito.
Para balang araw, makita mo kung gaano ka kaimportante sa buhay ko.

#ALLforJ

Vote and comment, mga kapitans!
See you sa first chapter!! 🖤

Almost Love Letters for J (Epistolary)Where stories live. Discover now