Letter #4: I'm Sorry

20 1 0
                                    

January 5, 20**
20:48

Love,

Namomroblema ka na naman. Nag-iisip ka na naman. Alam ko umiiyak ka na naman ngayon, diba?

Sorry. Hindi ako magaling mag-comfort, hindi din naman ako nakakatulong sa'yo, hindi din naman kase ako 'yung kailangan mo, 'yung hinahanap mo, hindi naman kase ako 'yung nakikita mo, hindi ako worth it i-take ng risk, hindi naman ako mahalaga sa'yo, kase hindi naman ako ang mahal mo, at alam ko kahit kailan hindi.

Sorry kung kailangan mo pang problemahin ang pagiging ganito ko. Ewan. Siguro nga ang bilis at ang dali ko lang iwanan kase napakalala ko kung mag-isip.

Laging may trust issues, laging may tanong, laging may doubts, laging may nasasabi, hindi mapakali ang bibig sa kakadada, hindi matigil ang mata sa kaka-obserba, hindi maubos ang mga iniisip na kung anu-ano.

Sorry kase ito lang ako. I always have questions sa worth ko kase I always expect from people na alam ko naman kahit kailan hindi 'yun makikita sa'kin.

I know, I know. Naririndi ka na sa kakadada ko ng ganito sa'yo, na lahat na lang may nasasabi ako, lahat na lang may komento ako, may doubts.

Wala kase akong assurance eh. Wala ka namang sinasabi.

Pero okay lang, naiintindihan ko naman.

Bini-base ko na lang sa actions mo. Pero mas nararamdaman ko naman na sinsero ka kapag sa actions na or baka nag-iimagine lang ako kase grabe 'yung pagmamahal ko sa'yo?

Alam ko pagod ka na, napapagod ka. Sorry J ha? Takot na takot kase akong mawala ka. Sanay na sanay na ako sa'yo eh.

Sorry, ako naman talaga 'yung may problema kase mahal na mahal kita. Hindi ko maalis 'yung nararamdaman ko na 'to para sa'yo. Sorry kase kung sa tingin mo pini-pressure kita.

Hindi naman sa ganun.

Okay lang kahit wala kang sagot sa "i love you" ko, okay lang kahit wala kang sabihin, okay lang din naman sa'kin kung 'di mo masuklian 'tong pagmamahal ko eh, hindi naman kita pipilitin, kase baka 'yun pa ang maging dahilan na mawala ka sa'kin.

Sorry if I made you feel guilty everytime nakikita mo'kong umiiyak kase alam mong ikaw ang dahilan nito. Pero 'wag na 'wag mong iisipin na pain at tears lang ang naibibigay mo sa'kin.

Ang ironic nga lang kase ikaw na nga 'yung nagpapasaya sa'kin ikaw din 'yung nagiging dahilan na nagiging weak ako.

You are my strength, J. At the same time, you are my weakness.

I am sorry for being inconsiderate sa nararamdaman mo. Lagi na lang ako.

Sorry kase sarili ko lang ang iniisip ko, hindi ko inisip na nasasaktan ka din. Sorry kase dinala kita sa sitwasyon na 'to. Sorry kase lagi na lang ganito 'yung pinag-aawayan natin.

Alam kong hindi enough ang sorry ko but I really wanted you to know na takot lang akong mawala ka.

Kahit madalas 'yung tampuhan, barahan at 'di natin pagkakaintindihan I rather choose it kesa hindi.

I rather fight with you than go find someone new.

Wala ka namang katulad eh.

Sorry kase nagseselos ako sa mga kaibigan mo, even talking with them kase ino-overthink ko na kahit ang hirap gamitin ng phone mo, nag-e-effort ka talagang replyan sila.

Ganun ka ka-friendly sa lahat.

Ang bait mo sa kanila to the point na lahat sila nahuhulog na sa charm mo. You're not a player but a flirt.

Sorry kung ganitong bagay eh pinapalaki ko. Alam ko kapag nabasa mo 'to, sasabihin mo lang na "Hahay."

Alam ko kapag ganun na reaksyon mo, pagod ka na.

Sorry J ha, kung namimisinterpret ko man lahat ng ginagawa mo na hindi naman pala ganun talaga ang intensyon mo.

Sa totoo lang, nu'ng gabing ki-nonfront mo ako sa nakita mo sa phone ko, I realized na mas may natututunan pala ako sa'yo kesa ikaw sa'kin. On point lahat ng sinabi mo nu'n.

Sa t'wing kasama kita mas nakikilala kita at mas pinapakilala mo sarili mo and that, I appreciate you more.

Hindi ko alam kung saan pa tutungo itong sulat ko na ito sa'yo.

Dapat nga ang punto ko lang dito ay kung paano kumirot ang puso ko kanina nu'ng sinabi mo na katext mo ako at the same time ka-chat mo 'yung isang kaibigan natin-- na minsan mo ding naamin na nagkagusto ka sa kanya.

Bakit ganun? Ang lagi kong tanong,

"Bakit ang dali mong magkagusto sa kanila? Samantalang sa'kin hirap na hirap ka? Bakit hirap na hirap ka akong makita?"

Oo, alam ko, pangit ako.
Hindi naman ako nakahigit sa ganda ng mga nakarelasyon mo.
Hindi ako sexy tulad nila.
Hindi din ako mabait.
Hindi din naman katalinuhan pero may alam naman.

Pero mahal na mahal ka ng imperfect na 'to.

Sorry if kailangan dumating sa punto na 'to.

Sorry kase nasasaktan ako sa t'wing nababalewala mo ang mga ginagawa ko na alam kong hindi ko masasabi sa'yo kase wala naman akong karapatan na mag-demand.

Sorry hindi na mauulit.

Pero kahit palagi akong umiiyak pagdating sa'yo, hindi pa rin kita susukuan. Pipiliin pa rin kita lalo na sa panahong hindi mo makilala ang sarili mo.

Hindi pa rin ako bibitaw sa'yo. Hindi pa rin ako hihinto.

Liban na lang kung ikaw na mismo ang magtaboy sa'kin palayo sa'yo at sabihin mong hindi mo na ako kailangan sa buhay mo.

- Chen.

Almost Love Letters for J (Epistolary)Where stories live. Discover now