Letter #2: Insecurities

17 1 0
                                    

December 29, 20**

J,


AGGGGHHHHH!!!!! Nakakainis kaaaa!!! Alam mo ba ‘yun? Kase ang hilig-hilig mo akong saktan. Alam mo naman eh! Alam mo naman na gustong-gusto kita, na mahal na mahal kita.

Tanga na nga eh, pero paano mo natitiis na balewalain lang ‘yun? Paano mo natitiis na hindi makita ‘yun? Paano mo natitiis ang lahat ng pagpapakita ko ng mabuti sa’yo samantalang ang dali lang para sa’yo ‘pag ibang tao na?

Naisip ko tuloy baka nga mahirap talaga ako mahalin, baka nga hindi naman talaga ako importante sa’yo.

Naiinis din ako sa sarili ko kase kahit paulit-ulit mo na akong pakitaan ng pag balewala, bumabalik pa rin ako sa’yo.

Ang unfair, bakit ganun? Siguro ipinanganak lang ako para masaktan ng paulit-ulit.

Hindi sana ako sasama ngayon sa reunion naming magba-batch kase gusto ko suportahan ka sa laro mo, gusto ko hanggang igawad sa’yo ang pagiging MVP nandyan ako, nakangiti lang sa’yo tas kukuhanan kita ng litrato, gusto kong andyan ako sa tagumpay mo kahit hindi naman ako kasama dito.

Pero pinili ko munang mawalay sa’yo kahit mahirap sa sitwasyon ko. Oh diba? Ang OA lang. Kahit alam ko namang hindi mo mapapansin ang pagkawala ko.

Sabi ko sa’yo na i-update mo ako kapag natapos na ‘yung last championship game para makabalik ako at makuhanan ka ng litrato pero maya-maya sabi mo, tapos na.

Hindi ko alam kung nagtampo ka dahil hindi ako nakapunta o baka naman imagination ko lang ‘yun kase mukha namang masaya ka.

Siyempre, MVP ‘yan eh. MVP ka eh, basketball ‘yan. Pangarap mo ‘yan, ako kaibigan lang naman.

Hanggang sa nakauwi ka sa bahay. Nanghina ako kase wala ako sa success mo na ‘yan pero ipinagsawalang-bahala ko na lang.

Marami naman alak dito, lulunurin ko na lang sarili ko sa San Mig Pale Pilsen kesa kakaisip kung kailan ako magkakaroon ng halaga sa’yo.

I’ve been vocal to you about my feelings pero wala lang din naman so naisip ko dadaanin ko na lang ba sa biro ang lahat ng banat at patama ko sa’yo? Pero ako naman kase ‘yung tipo ng tao na hindi naglalaro. Seryoso ako.

Takas lang ako sa mental minsan, tinotoyo madalas, tinotopak pero solid ako magmahal. Ang kaso nga lang ako lang naman ang laging nagmamahal. Tangina!

Sa panahon ngayon, kung sino pa ‘yung nagseseryoso siya pa ginagago.

Tinadtad kita ng text kanina, hindi ko alam kung nasa tama pa ba ‘yung mga pinagta-type ko, kung naiintindihan mo ba, bahala na si Batman tutal katulong ko naman ang alak sa panahon na ‘to.

Ang letse lang! Ang ganda pa ng bungad mong balita sa’kin. Ang jersey number mo.

“Yun na daw ‘yung jersey number ko. Sabi ng management. Kase sakto lang din naman sa’kin. Hayaan mo na.”

Tang*na!!! Hayaan na lang? Paano naman ako? Oo nga’t wala lang ako pero kahit minsan naman sana i-consider mo ‘yung nararamdaman ko.

Kahit eto lang. Sobrang sakit eh. Sobra.

Hindi mo naman kase talaga ako nakikita eh, kailan ba?

‘Yan tuloy ikaw pa ‘yung nabuntungan ko ng drunk text ko. Pero ano pa nga bang bago? As usual, taken for granted na naman.

Tang*na!!! Kailan ba ako magigising sa katangahan sa’yo?? Oo, alam ko lahat naman yata ng babae may insecurities sa sarili, maging lalaki din.

Alam mo kung bakit gustong-gusto kong lubayan mo na ‘yang numero na ‘yan? Kase hindi lang naman trademark sa’yo yan, hindi lang ‘yun. Takte!!! Monthsary niyo ‘yan eh. Tanda mo?

Sus! Bakit mo naman makakalimutan diba? Mundo mo yun eh.

Pasensya na kung eto na naman ako.

Ang lala kung magselos, ang lala kong ma-insecure, ang lala kong mag-overthink, oo na, ang lala ko, kase ganito ako kalala kung magmahal kaya nga siguro walang tumatagal.

Kase ang toxic ko. HAHAHA!!!! Ayan na naman, nagse-self pity na naman ako. Nagiging mahina na naman ako pagdating sa’yo. Ang bilis ko na namang maiyak.

Ano ba??!! Palitan mo na kase ‘yung jersey number mo kahit wala naman akong karapatang magreklamo.

‘Yung birthday mo na lang or kahit ano, marami namang numbers diba? 1-100. Please naman, ‘wag lang ‘yan.

Kase sa totoo lang, sa tuwing okay lang sa’yo ‘yan, sa t’wing pinipili mong ‘yan pa rin, sa t’wing hinahayaan mo lang na ganyan, mas lalo kong naiisip na hindi ka pa rin makalaya sa kanya, hindi mo pa rin siya kayang bitawan, hindi mo pa rin siya kayang mawala sa buhay mo nang basta-basta lang, mahal mo pa rin hanggang ngayon.

Laki ng espasyo niya sa’yo eh, hindi ko mapantayan.

Isa lang naman ‘yung kaya kong higitan, ‘yung pagmamahal ko sa’yo.

Kaya kahit ngayon lang sana, ‘wag na ‘yan. Hindi lang masakit sa mata, pati din sa puso. Hustisya naman.

Pero sige, kailangan ko ‘tong panindigan, ginusto kita eh.

'Wag kang mag-alala, J.

Titiisin ko pa rin kahit ang hirap-hirap na, susugal pa rin ako kahit talo na, mamahalin pa rin kita kahit ang sakit-sakit na. Iiyak lang naman ako eh, masasanay siguro hanggang sa mawala na lang ‘tong nararamdaman ko para sa’yo.

Sige lang, take your time. Hindi kita iistorbohin, hindi kita guguluhin.

Kaya ‘pag dumating ang araw na pinili mo ulit ‘yan, sabihin mo na lang para makagawa na din ako ng paraan para kalimutan ka, para hindi ka na mahalin pa.

Sige, itutulog ko na lang ‘to baka bukas mawala na ‘yung sakit. Sana nga lang talaga.

Almost Love Letters for J (Epistolary)Where stories live. Discover now