Letter #3: Fault for Falling

19 1 0
                                    

January 4, 20**

Hello, love.

Uy, ang busy mo. Andito ako oh. Hehe, sabagay kailan mo ba ako nakita?

Double meaning ‘yun, baka ‘di mo na-gets.

Sorry, I know this is my fault for falling. Sorry ha. Kailangan ko na lang panindigan ‘to, ginusto kita eh.

Pero bakit ganun? I don’t have the right, I know. Pero alam mo may nakapagsabi sa’kin na may karapatan naman daw magselos o magtampo ang isang tao kahit walang sila kase may nararamdaman na siya eh.

Kaya siguro ganito ako pagdating sa’yo- ah, hindi ganito talaga ako pagdating sa’yo.

When it comes to you, J, I become more dependent and at the same time independent, I become more weak and at the same time, brave.

I don't know if it's a good thing pero for me, you are both a blessing and a lesson.

Ipinagdadamot kita kahit alam ko naman na ako lang ang masasaktan sa huli.

Ipinagdadamot kita sa kabila ng paniniwala na baka magkaroon tayo ng happy ending.

Ang natural lang kase. It felt so real. 'Yung pakiramdam na 'yung oras at uniberso nagkaroon ng usapan.

'Yung tipo na alam nila na mahuhulog ako at hayaan ang sarili ko na masaktan ulit.

Ipinagdadamot kita at ganu'n ka din sa'kin pero hindi ibig sabihin na pareho tayo ng nararamdaman.

Iyon ang problema, J.
Wala akong ideya.
Kahit isang clue man lang.

Walang chance na malaman kung bawat actions at sinasabi mo ba ay totoo.

Matagal naman na tayong magkakilala, J eh. 20** pa at natandaan ko pang iniwasan ko ang nararamdaman kong ito sa'yo noon pero hindi ko aakalain na kahit konting conversation lang natin ay mahuhulog pa ako lalo.

Pero lagi din akong napapaisip kung sinasabi o ginagawa mo din kaya sa ibang babae ang mga bagay na ginagawa at sinasabi mo sa'kin.

Sinusubukan mo din kayang gawin ang lahat para magkagusto sila sa'yo or ako lang 'tong tangang nahulog sa'yo?

Pero kahit ganoon, hinayaan ko pa din ang sarili kong mahulog.

Hulog na hulog pa rin ako sa kabila ng mga tanong sa isip ko na madalas nagpapagulo sa'kin.

Hanggang sa nagkakaroon na ako ng pakiramdam na baka ang annoying ko na-- o baka naman ikaw 'yun-- you just suddenly stopped trying.

Hanggang sa mawalan ng punto ang lahat. Bakit? Bakit kailangang sa'yo pa? Kahit alam ko namang hindi magiging ako? Siguro nga, kasalanan ko.

It's my fault for falling. Sino ba ako para magreklamo kung madalas-- o minsan naging masaya naman ako?

Sino ako para mag-demand ng mga sagot galing sa'yo kahit sa likod ng utak ko, alam ko meron naman talagang iba.

Meron naman talagang mas mahalaga.

Meron naman talagang isang tao na mas iniingatan mo, na mas pinaglalaanan mo ng oras at panahon.

May isang tao na hindi naibibigay ang atensyon na madali kong naibibigay sa'yo.

I still allowed myself to miss you, J and I let myself fall even more for you.


- Chen.

Almost Love Letters for J (Epistolary)Where stories live. Discover now