THOMAS
We're having a get together with my former DLSU teammates. Catch up with them lang since after college eh di na kami magkakasama sa isang team but we still have communications."Paps masyado ka naman yatang focused dyan sa phone mo. Let's socialize naman!" sabi sakin ni Jeron nang tumabi sya sakin at inakbayan pa ako.
"Gago. I'm just checking some post sa IG" I said and poke his arm.
Napansin ko na bigla siyang naging uneasy. "Ah eh bro tara dun kila kuya Almond. Kanina ka pa hinahanap." Kinuha niya ang phone ko at inaya ako papunta kila kuya Almond na kasalukuyang nagiinuman.
"Shot na Thom! Ikaw na lang di tumatagay" bigay sakin ni kuya Almond ng shot glass. Medyo tipsy na rin sya, siguro eh naparami na.
"Pass muna tayo dyan bro. Malayo pa biyahe ko mamaya. Remember Taguig pa uwi ko" pagtanggi ko.
"Nakooo Thomas Christopher kilala kita! Kahit makailangang inom ka pa eh nakakauwi ka pa rin sa inyo kaya wag ako okay?" Lasing na nga ang kalbo kaya pagbigyan na dahil hindi naman ako titigilan neto.
"Isa lang ah" at ininom ko na ang alak na inabot nya.
"Grabe yung F2 no. Pa-Korea Korea lang." Aljun said out of nowhere. Nakahawak kasi sya sa phone nya.
"Hoy Kirell nagpaalam ka ba sa jowa mo? Baka mamaya hanapin ka nun samin ha" tanong ni Andrei kay Kib.
"Oo naman bro. Eh ikaw ba nagpaalam na sa Tintin mo?" balik naman ni Kib kay Andrei. At ang kuya nyong Andrei eh namula. May gusto nga pala to kay Tin Tiamzon pero di makaamin, torpe kasi. Mana mana lang.
"A-anong paalam? Bakit ako magpapaalam?" he stuttered.
Habang busy sila sa pagkukwentuhan ay hindi ko maiwasang isipin siya. How is she doing there? For sure enjoy na enjoy siya kasi that's one of her dreams, ang makarating sa Korea. Naalala ko dati lagi nyang sinasabi sakin na one day she'll go there and there she is, nasa Korea ngayon. I can't stop myself from smiling.
"Lalim di ko ma-dig" pagsingit ni Jeron.
"Wala kang recieve eh"
"Volleyball player ako?" ay ang taray ng koya Jeron nyo. "Ano ba kasing iniisip mo? Or more like SINO" he added emphasizing the word 'sino'.
Hindi ako sumagot at naglakad papunta sa balcony ng hotel. Ang lamig ng hangin at ang sarap pagmasdan ng mga city lights. For sure she'll enjoy this if she's here.
"Si Ara pa rin ba?" sinundan pala ako ni Jeron.
"It's always her. And always be her. Never magbabago yun" sagot ko habang nakatingin sa kawalan.
"Mahal mo talaga no"
"Higit pa sa akala mo. Naging mabagal kasi ako, naging tanga kaya ayun nawala sakin yung taong pinakamamahal ko." A tear escaped from my eyes.
"Bro hindi man kita mapipilit but I think you must move on. Matagal na yung sa inyo, matagal na yun tapos para sa kanya kaya you need to move on and be happy for her"
"Pare hindi ko kaya. I will not love anybody if not her. Para sakin siya yung babaeng gusto kong makasama forever." Hindi ko na mapigilan ang pag-iyak ko.
"Pano kung masaya na siya sa iba?"
Napatingin ako sa kanya na nakakunoot ang noo.
"I think you need to see this" he gave back my phone. "Open your IG" he said so I did.
Pagbukas ko ng IG ay nadurog ang puso ko. I think Jeron's right, she's now happy with someone else and that's not me.
cindyaamutan Mine.
vsgalang Yours only @cindyaamutan ❤Ang sakit.
She used to say those words to me but hindi na ngayon.
Is this the sign that I have to set her free? That I need to let her go?
Tumakbo ako papuntang rooftop ng hotel at sinundan naman ako ni Jeron
"Bro" Jeron said in concern voice.
"Ang sakit pare. Hindi ba naging sapat yung pagmamahal na ibinigay ko sa kanya? O masyado akong sumombra? Pare I gave everything to her. She's my everything pero nawala lahat ng yun. I lost her and I lost myself too. I want her to be my first and my last pero wala na siya sakin ngayon. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang at umabot kami sa ganito. I gave everything that she deserves."
"Bro siguro hindi lang yun yung right time para sa inyong dalawa. Maybe the both of you needs to learn a lesson in life. Maybe that's only a test for the both of you. Hindi man ngayon but someday." He said
"No. Everything was right when she's still mine"
"If everything was right, bakit kayo naghiwalay? Thomas wake up!"
"Wahhhhh!!!!! Fuck this feelings! Damn Victonara why I can't let you fucking go?!" I shouted. Wala akong pake kung sino man ang makarinig.
"You need to be happy for her! That's her choice. Kung mahal mo talaga siya you must be happy kung ano man ang piliin niya!"
Napaluhod na lang ako dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.
Masakit ma-injure pero mas masakit masampal ng katotohanan.
All my life, all I did is to love Ara with all my might. I loved her more than myself. Kahit hindi na siya sakin I never stopped loving her. I never stopped waiting na baka one day she'll come back to me. Ganun ko siya kamahal. I'm willing to do everything to prove that I really love her.
When I say everything, I mean EVERYTHING.
@iamthomastorres: If letting you go can make you even happier then now you're free.
@iamthomastorres: I loved you. I love you. And I will never stop loving you until the day I die. I'll wait for you my love. ❤
@iamthomastorres: If happy is her. I'm happy for you.