Letting Go and Acceptance

83 0 0
                                    

ARA

Kasabay ng pagpatak ng luha ay ang buhos ng ulan na tila nakikiayon sa aking nararamdaman. Hindi malaman kung saan ba nagkamali at bakit umabot sa ganito. Pinipilit isipin kung ano ang nangyari sa pag-ibig na dating kaysaya ngunit ngayon ay siya na lang ang masaya sa piling ng iba habang ako ay nagdudusa sa sakit na dulot niya.

Mapapatulala sa isang tabi, pinagmamasdan ang mga tubig na pumapatak sa salamin na binta. Pilit nililimot ang mga sakit na kanyang dulot ngunit hindi magawa dahil kasabay ng paglimot sa sakit ay ang masasayang ala-ala na binuno sa maikling panahon. Gustuhin mang limutin ngunit mayroong pumipigil. Tanga na kung tanga ngunit kahit anong gawin ay siya pa rin ang tinitibok ng pusong pilit binubuo na kanyang sinira.

Unti-unting pinupulot ang mga piraso ng pusong nabasag sa isang pangyayaring hindi inaasahan. Kumapit sa mga pangakong 'walang hanggan' at 'ako lang' ngunit hindi napanindigan. Ngayon ay nasa iba na ang taong nagsabi no'n, kanyang binibigkas sa kaniyang bago ang mga katagang sakin pinarinig noon. Dati'y masayang pinakikinggan ang kanyang pangako ngunit ngayon ay parang nababasag ang puso kapag naririnig ang mga katagang iyon. Tila isang bangungot na pilit nililimot ngunit patuloy pa ring binubulong sa akin. "Move on", sinasabi nila ngunit kahit anong aking gawin ay 'di pa rin makausad. Aabante ng isa ngunit hihilahin nanaman pabalik sayo.

Sabi mo tayo hanggang dulo ngunit naiwan ako sa gitna at ikaw ay humanap ng sariling dulo. Nahanap mo ang dulo, dulo nating dalawa. Ako'y iyong hinila sa dulong iyon at iniwan na parang laruan, tinapon na parang isang bagay na 'di na mapapakinabangan. Masakit mang isipin ngunit ikaw ay bumitaw na, bumitaw sating dalawa at naiwan akong kumakapit mag-isa.

Ikaw ay nagpatuloy at ako naman ay hindi na alam kung paano magpapatuloy. Paano nga ba? Paano nga ba ako tutuloy kung wala na ang gusto ko makasamang magpatuloy? Hanggang dito nalang ba ako? Hanggang dito nalang ba ang tayo at mababaon nalang sa limot ang lahat ng ating pinagsamahan?

Lahat ng saya ay may kaakibat na kalungkutan ngunit bakit ganon? Puro lungkot nalang at hindi ko makita ang saya? Siguro ay dinala mo iyon kasabay ng iyong paglisan. Bitbit mo ang aking saya noong ikaw ay lumisan sa piling ko at ang tangi lamang naiwan ay ang lungkot at sakit ng kahapon at patuloy pa rin hanggang ngayon.

Siguro nga ay hindi ikaw ang nakalaan sa akin pero sana ay iyong tandaan na minahal kita ng totoo at walang pagaalinlangan. Marami mang dumating, ngunit ikaw ay may lugar na dito sa aking puso. Isang espesyal na lugar kung saan ikaw lang ang nandodoon. Umibig ka man ng iba ay ayos lang basta alam ko na ikaw ay masaya sa piling niya. Pipiliin ko ang ikasasaya mo dahil iyon ang kasiyahan ko. Huwag kang mag-alala, lilipas din to. Marahil masakit man sa umpisa ngunit alam kong may dahilan ito sa dulo. Makakahanap rin ako ng hihilom sa aking puso at magbabalik ng saya na kinuha mo. Salamat sa mga ala-alang hindi malilimutan, salamat sa lahat. Narating na natin ang ating dulo at ito na iyon. Paalam.

-VSG ♥

Sinara ko ang aking kwaderno at itinago sa aking bag. Pinagmasdan ko ang pagbuhos ng ulan mula sa aking bintana. Oo, aaminin ko naging tanga ako sa kanya kasi hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako na babalikan niya ako. Mahirap tanggapin na binasura lang niya ang pagmamahalan namin sa loob ng halos 6 na taon.

ThomAra - One ShotsWhere stories live. Discover now