Chapter 23 Gravity's Fall

12 0 0
                                    

Jin

Matapos naming kumain ay dinala naman kami sa isang kwarto upang magpakilala ang bawat isa.

Unang nagpakilala ang babaeng puti ang buhok.

"Ang aking ngalan ay Ava Ainsworth. At may kakayahan akong mahirap ipaliwanag kaya naman ipapakita ko na lamang sa inyo."

Agad ay iniangat nito ang kamay nito tyaka nag umpisa ng ibigkas ang incantation nito.

"Light illuminate and protect me. Light shield".

Mula sa harap nito ay lumabas ang isang malaking kulay puting kalasag na nababalot ng liwanag.

May laki rin itong sapat upang salagan ang isang tao kaya naman napaka ganda ng kakayahan nito sa depensa.

At dahil tatlo lang naman kaming naroon ay ako na ang sumunod na nagpakilala.

"Ako nga pala si Jin Asclepius at may kakayahan akong manggamot".

"Ikaw pala ang nababalitang nagkaroon ng kaparehong kakayahan sa Special Class Master " bati sakin ng Inspector dahilan upang makaramdam ako ng hiya dito at tanging tungo lang ang naging tugon ko dito.

Sunod ay bumaling na ang Inspector kay Andrew at habang nakatutok ang tingin namin dito ay hindi manlang ito gumalaw.

"Hoy bata, anong dahilan at bakit hindi ka pa nagpapakilala? "Inis na sabi ng Inspector dito.

"Ayoko" tila inis din na sabi ni Andrew dito.

"Anong sabi mo?" Ulit ng Inspector.

"Ang sabi ko ay ayoko. Wala akong dahilan upang hindi magpakilala at wala din akong dahilan upang magpakilala.

Tila nag ngingitngit na sa galit ang Inspector kay Andrew ngunit pinigilan nito ang sarili nito. "Ano ang maaari kong gawin upang sumunod ka sa akin". Pilit na ngiti ng Inspector kay Andrew.

"Duelo gusto kong makalaban kita sa isang duelo Inspector".

Nag taas ang mga kilay ng Inspector sa narinig. "Masyado ka pang baguhan bata. Wag masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo dahil mapapahiya ka lang".

" Hindi mo na ko kailangan pang sabihan Inpector. Mag umpisa nalang tayo".

"Gravity Clutch" agad na binigkas ni Andrew ang incantation nito. Agad na lumabas ang hindi nakikitang mga kamay upang hawakan ang Inspector.

Agad namang nakaiwas ang Inspector sa atakeng iyon ni Andrew. Kumuha ang Inspector ng isang kutsilyo sa isa sa mga bulsa nito at agad na ibinato kay Andrew.

Pinahinto naman iyon ni Andrew gamit ang Gravity wall. Matapos non ay ginamit nito ang mga hindi nakikitang mga kamay upang ibalik sa Inspector ang Kutsilyo nito.

Muli ay madali iniwasan ng Inspector ang atake ni Andrew at tumigil ito sa kinatatayuan nito at hinintay ang susunod na pag-atake ni Andrew.

Tila naiinis na si Andrew dahil hindi manlang nito matamaan ng mga atake ang Inspector kaya naman ibinigkas nito ang incantation nito sa pag lipad na Control Gravity. "Fly" at dahil nakita ko na yun noong nakaraan ay tila nabasa ko na ang susunod na gagawin nito. Agad na tumakbo ako palapit kay Ava at agad na inutusan ito na gamitin ang kakahayan nito. Kahit na nagtataka ay agad na sumunod nalang ito at lumabas na nga ang kulay puting kalasag na nababalot ng liwanag.

"Gravity Stomp"

Bigla ay may malakas na puwersa na kumalabog sa lupa upang mayanig ang loob ng kwarto at masira ang lupa na kinatatayuan nito.

Matapos noon ay nanatiling nakapirmi sa kinatatayuan nito ang Inspector habang ipinangharang nito ang mga kamay sa mga maliliit na bato na tumalsik dito.

Dahan-dahan namang bumaba sa pagkakalipad niya si Andrew habang nakangisi dahil natamaan na nito ng atake ang Inspector.

"Sa tingin tama na ang pangbatang laro. Tatapusin ko na to." Diretsong sabi ng Inspector.

Agad ay may kinuha ito sa Bulsa nito tyaka ibinato sa lupa. Nabalot naman ng usok ang buong paligid. Matapos non ay nawala na sa kinatatayuan nito ang Inspector. At na-estatwa nalang sa pagkakatayo nito si Andrew nang mapansing may nakatutok ng kutsilyo sa leeg niya dahil nakatayo na sa likod nito ang Inspector.

Napakabilis ng pangyayari. Kahit si Chan gamit ang kakaibang bilis nito ay hindi ko maisip na magagawa ang ganon dahil masyadong malayo ang pagitan ng kinatatayuan ng Inspector at ni Andrew.

Tyaka palang nagsalita muli ang Inspector nang mga oras na yun. " makikinig ka na ba sa akin?" Tila malumanay ngunit matigas na sabi nito. At tanging pagtungo nalang ang naging sagot ni Andrew sa mga oras na yun.

The Ancients the Awakening: Battle of The GiftedWhere stories live. Discover now