Chapter 15 Choosing Day (2)

22 2 0
                                    

  Chan

Matagal din kaming naghintay lahat hanggang sa muling bumukas ang pinto at iniluwa noon si Tia na punong-puno ng galos at gula-gulanit ang ibang parte ng damit. May mga maliliit din itong mga sugat at halatado ang panghihina ng katawan nito ngunit hindi rin maikakaila ang ngiti sa mga labi nito bilang patunay na nakapasa ito sa pagsusulit.  Mula sa harap ay biglang nagsalita si Sayah. "Labing tatlong minuto at tatlumpung segundo. Nakatutuwa at unang mag-aaral palang ay nakapasa na agad. umaasa kaming lahat na marami pa sa inyo ang makakapasa upang maka akyat sa ikalawang palapag. Ngayon ay tatawagin ko na ang ikalawang susubok sa pagsusulit. 

Arvi Roswald 

Napakuyom ang mga palad ko ng marinig ko ang pangalan na yun.  Hanggang ngayon ay hindi parin maalis sa isip ko ang kakaibang lakas nito na hindi maikakailang gift o kakayahan niya rin. Sa totoo lang ay hindi na nakakagulat kung papasa din ito katulad ng kakambal nito na si Tia. Tyaka ako napatingin sa gawi ni Mara na nasa hulihan din ng pila tulad ko. Ano kaya ang nasa loob ng isip nito ngayon lalo na ang taong nakalaban nito ay nakapasa na sa pagsusulit.  

Habang kinakain ng sobrang pag-iisip ang utak ko ay biglang may malakas na kumalampag at nagulat nalang ako nang mapatingin ako sa pinto ng pagsusulit at nakabukas na iyon . Iniluwa noon si Arvi na halos walang galos sa katawan at nakangiting hawak-hawak pa ang isang espada na nakuha nito sa loob.  "Sampung minuto at labing pitong segundo." Malakas na sabi ni Sayah tyaka mabilis na sinenyasan ang mga tauhan nito na alalayan si Arvi papunta sa pinagdalhan kay Tia pagkatapos nito. 

Ang ikatlong tinawag ay isang babaeng nagngangalang Ava Ainsworth. Hindi katulad nila Tia at Arvi ay mabagal at tila hindi sigurado sa sarili si Ava.  at nang makalapit na ito sa pinto ay kailangan pa itong alalayan ng isang tauhan ng palasyo upang pumasok. Hindi man maitatangi ngunit parang halos lahat ng tao ngayon ay kinabahan para kay Ava. Lumipas ang unang sampung minuto at nakampante naman ang lahat dahil malaki na ang tyansa na makapasa kapag umabot ka ng sampung minuto sa loob. at hindi nga nagtagal ay bumukas na ang pinto. 

Ngunit hindi tulad ng inaasahan ay taong nababalot ng itim ang lumabas mula doon. Sunod ay tumawag ito ng mga tauhan ng hari tyaka inilabas ang walang malay na si Ava. napatayo ang Master healer tyaka tinignan ang pulso at leeg nito. sunod ay sinenyasan na nito ang mga tauhan nito na dalhin sa pagamutan si Ava. 

"Nakakalungkot man isipin ngunit katulad ng nakita ninyong lahat ay hindi nakapasa si Ava sa pagsusulit, Ngunit huwag tayong mabahala mga mag-aaral. Dahil lagi namang naka antabay ang mga tauhan ng palasyo. Lalo na at narito sa harap natin ang Master Healer. Ngayon ay tatawagin ko na ang ikaapat na sasabak sa ating pagsusulit.  

"Troy Stanford" 

Pagkatawag palang sa pangalan nito ay Agad-agad nang lumakad papaunta sa pinto si Troy. Hindi na rin ito kailangan pang alalayan katulad ni Ava at dire-diretso na itong pumasok upang harapin ang pagsusulit. Hindi naman nagtagal at nakapasa na rin si Troy sa loob ng Labing isa at apat na pung  segundo. Ikalimang tinawag si Andrew Warclaw. ang batang lalaking nakalaban ng grupo ni Troy pati namin nina Mara at Jin. Higit pa sa inaasahan ng lahat ang naging resulta ng bilis ng pagkatapos ni Andrew sa pagsusulit nang maipasa nito ang pagsusulit sa loob lang ng Walong minuto at dalawampung segundo. 

" Napakagaling Andrew. Ikaw na yata ang nag-iisang nakapasa sa pagsusulit ng hindi umabot ng sampung minuto sa loob ng isang tao. Binabati ka namin. Punong-puno ng kasiyahan ang tono ni Sayah habang binabati si Andrew. 

Ikaanim na tinawag ay si Amy Kendall. Nakapasa ito sa loob ng Labing limang minuto. Ikapito si Oliver at katulad ni Amy ay nakapasa din sa loob ng Labing limang minuto. Siyam pa ang pawang mga nakapasa habang pito naman ang mga bumagsak pa. 

Maya-maya ay tinawag ang ika- dalawang pu't apat na Gifted na sasabak sa pagsusulit. 

Mara Amon

The Ancients the Awakening: Battle of The GiftedWhere stories live. Discover now