Chapter 28 Abandoned

6 0 0
                                    

  Rhian

Matapos ang huling panggugulo sa akin ng grupo ni Brad ay bigla nalang itong huminto. Hindi sa hinahanap ko ang panggugulo nito sa akin pero nabahala lang ako dahil naisip ko na kung hindi ako ang pinupuntirya nito ay maaaring taong malapit naman sakin ang pagbalingan nito.

Agad na inalam ko iyon sa dalawa kong nakababatang kapatid at nabunutan ako ng tinik sa dibdib ng malaman na hindi sila ang bagong napag-interesan na guluhin ng Brad.

Sunod ay hinanap ko naman ang nakababatang kapatid ni Chan dahil maaaring ito naman ang pinagbalingan ni Brad at muli ay nakahinga ako ng maluwag ng malaman na hindi rin ito ang bagong ginugulo ni Brad.

Ulila na si Mara kaya wala akong aalalahanin na kapatid nito samantalang bunso naman si Jin kaya siguradong hindi guguluhin ni Brad ang taong mas matanda sa kanya. Lalo na at mayaman din ang pamilya nila Jin.

Matapos kong makumpirma na wala na sa pamilya ko, kaibigan at kakilala ang taong napagbalingan ng grupo ni Brad ay naisip ko na wag nang isipin pang muli iyon at magpatuloy nalang sa mapayapa kong buhay ngayon.

Alam ko na magmumukha akong masamang tao pero hindi na ko makikialam kung sino man yung tao na bagong pinag-i-intiresan ni Brad.

Yan ang mga katagang umiikot sa utak ko habang naglalakad sa masikip na eskinita malapit sa bahay na tinitirhan namin kinagabihan.

Napahinto ako ng makarinig ako ng tunog na tila ba umiiyak.

Sinundan ko ang pinanggagalingan ng tunog at noon ay nakita ko ang isang grupo ng taong kilalang-kilala ko.

Nakapalibot ito sa isang bata na hindi ko makumpirma kung sino. Agad na pumasok sa isip ko ang isa sa mga nakababata kong kapatid kaya naman agad na lumapit ako sa Grupo ng Brad at napahinto ako sa harap ng mga ito.

"Tingnan mo nga naman oh. Anong ginagawa mo dito ha Rhian?"

"Kayo ang dapat tanungin ko niyan. Anong ginagawa niyo dito at sino yang batang pinagtutulungan niyo."

" Ah ito ba? Wag kang mag alala, isa lang tong palaboy na may lakas ng loob na gantihan ako kanina. Kaya ayan napasama tuloy siya" at tumawa ng nakakaloko si Brad matapos ang mga katagang sinabi nito.

Tila nabunutan ako ng tinik sa dibdib ng makumpirma na hindi isa sa mga nakababatang kapatid ko ang batang napagbalingan ni Brad pero hindi ko mapigilan ang hindi maawa dito dahil Puno ng pasa ang mukha at katawan nito at hindi na rin ito halos makadilat dahil namamaga na ang dalawang Mata nito.

"Ti-tingin ko napagbayaran niya naman na ang naging atraso niya sayo, hindi ba dapat iwanan niyo na siya?"

Muli ay tumawa ng nakakaloko si Brad. "Paano mo naman nasabi? Bakit gusto ko bang pumalit sa kanya?

Napakuyom ang mga palad ko sa mga oras na yon, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, magpapakabayani ba ko at ibabaling ko sakin ang atensyon nito? O iiwan ko nalang ito at hahayaan nalang kung ano man ang mangyari dito?

Bigla ay pumasok sa isip ko na maaaring may mga nag-iikot pa na mga kawal at maaari pa akong humingi ng tulong.

Hindi na ako sumagot sa tanong ni Brad at dahan-dahan akong tumalikod at nag-umpisa ng lumakad palayo. Habang iniisip ko kung saan nga ba may pinakamalapit na lugar kung saan maaaring matagpuan ang isa sa mga kawal. Hindi ko napigilan ang hindi habulin ng tingin ang nakaka-awang anyo ng bata habang nakahiga ito sa lupa .

Tuluyan ko na sanang isasagawa ang planong naisip ko at binilisan ko na din ang bawat hakbang ko upang agad na makahanap ng kawal ngunit napahinto ako ng mapansing biglang tumayo ang bata tyaka Ito umamba ng suntok gamit ang natitira nitong lakas.

Ngunit tinawanan lang ito ni Brad at sinalag nito ang paparating na suntok.

Napabuntong hininga nalang ako at akmang tatalikod na ng marinig ko ang malakas na sigaw ni Brad.

Doon ko napansin na kagat-kagat na pala ng bata ang kamay nito na ginamit nito sa pangsalag.

Ngunit lalo akong nagulat ng makita ang malaking tipak ng bato sa isang kamay ni  Brad at hindi na ko nakagalaw ng makita ang paghampas noon sa ulo ng Bata.

Tila naging estatwa ang katawan ko habang nakikita ang unti-unting pagbagsak sa lupa ng katawan ng bata.

Tumagas ang masaganang mga dugo sa ulo nito at nakita ko kung paanong unti-unting nawala ang buhay sa mga mata nito.

The Ancients the Awakening: Battle of The GiftedWhere stories live. Discover now