Chapter 2 The Fight

44 3 0
                                    

Rhian.

Matapos ang parada ay mabilis ding nagsi-alisan ang mga tao. kaya naman nagka-ayaan narin kaming apat na umuwi.

Habang naglalakad kami ay hindi namin napigilan ang hindi magkibuan.

Medyo naging sentro rin kami ng atensyon kanina noong mapahinto sa harap namin at tila mapatulala ang Master healer nang makita kami sa hindi ko malaman dahilan.

Napabuntong hininga ako.  Ano nga kaya ang dahilan? tanong ko sa sarili ko.

 Nabalik ako sa reyalidad ng biglang napahinto sina Chan , Jin at Mara sa harap ko.

" Kanina pa kami dito naghihintay Chan. Bakit ang tagal mo ha?" Ang makalas na sigaw ni Brad na nakaharang sa eskinitang dadaanan namin.

"Bakit Naghahanap ka nanaman ba ng sakit ng katawan at gusto mong mabugbog?" Ang ganting sagot ni Chan

'Oo Gustong-Gusto ko nang bubugin kang lintek ka." at pagkasigaw na pagkasigaw nito ay sumenyas na biglang may mga lumabas na tao sa likod nito. "Let's go boys." at patakbong sumugod na ang mga ito.

Mabilis na inilagan ni Chan ang mga suntok ni Brad pati na nang mga kasama nito. Nakipagbuno naman si Jin sa iba pa. Nagkatinginan naman kami ni Mara. at tila alam na namin ang dapat gawin.

Agad na sumugod ako at inipit sa leeg ang isa. samantalang sinipa naman ni Mara ang kaharap nito. Lumipas ang ilang minuto ng laban at si brad nalang ang natirang nakatayo.

"Ano? Gusto mo pa bang magpatuloy?" Si Chan.

Nanghihinang napatingin nalang si Brad sa mga bagsak ng kasama nito. tyaka ito napakuyom ng palad.

"Magpatuloy?" At sino naman nagsabing susuko ako?" at pagkasabi nito non ay bigla itong bumunot ng baril sa tagiliran nito.

"Hoy akala ko ba patas ka- Hindi na naituloy ni Chan ang sasabihin ng biglang paputukin ng Brad ang hawak nitong baril.

Ngunit hindi pa man lumalabas ang bala sa baril ni Brad ay biglang naglaho si Chan sa kinatatayuan nito.

Nagulat nalang kami ng biglang hawak-na ni Chan ang baril ni Brad. Ngunit imbes na magulat din si Brad ay tumawa pa ito. "ahhahaahahha. Sabi ko na nga ba. May gift ka. nakita nyo yun di ba? at tumingin ito sa mga taong nakiki-usyoso na nakakita. "Paalam Chan. Ako na uli ang maghahari dito. wahahahaahhaah.

The Ancients the Awakening: Battle of The GiftedWhere stories live. Discover now