Chapter 2

41 1 0
                                    

CHAPTER 2

I don't know what got into me bakit ako sumunod sa kanya sa coffee shop malapit sa building namin. Pagpasok namin ng coffee shop, I can smell the fresh roasted coffee. Hmmm, just what I need.

"What's your order?" he said to me while checking on the menu.

"Ako na." sabi ko na pumipila din sa counter.

"No, it's gonna be my treat from now on." sabi nya habang tiningnan ako.

So there will be more of this huh? Haynako kung di ko lang kailangan yung trabaho ko. Kaya lang ok na ako sa work ko eh, I am stable. Or Am I?

"Okay. Well, I'll just get capuccino, hot. Salamat." sabi ko at pumuwesto na sa isa sa mga tables.

I looked at him while he is waiting to be served. I cannot believe after 6 long years here we are again. It is still so clear to me the day that I fell inlove with him.
--

"Good morning." he was walking towards me, I am sitting sa usual tambayan namin, the blue benches under the mango tree. Wednesday ngayon, naka departmental Tshirt kami. But he was wearing our school uniform.

"Oh, bakit ka naka uniform?" sabi ko habang hinahalungkat ko yung mga print outs ko sa research paper namin. Ako na din yung gumawa nung kanya.

"Nakalimutan ko nga eh. Nakabihis na ako tsaka ko lang naalala Wednesday nga pala ngayon. Hahaha. Teka, ba't sobrang busy mo?" tumatawa sya. Ewan ko pero naiirita ako sa tawa nya.

"Syempre, chine-check ko if ok na lahat 'to. Hindi ako masyadong nakatulog kagabi kasi tinapos ko na rin yung sa'yo para ok na tayo." sabi ko habang nilalagay ko sa sliding folder yung research paper nya.

" Walang tayo Liv. Hahaha. Pero kung gusto mo..." he said laughing out loud.

Dun ko nalaman, in an awkward way na may nararamdaman ako sa kanya.
--

He is coming towards me, grinning. Hindi ko alam pero somehow masaya ako na nagkita kami ulit. Pilit ko man na ibaon sa limot ang nangyari noon, kung hindi pa panahon para kalimutan ito gagawa talaga ang tadhana na babalik ito at ipapaalala sa iyo ang nakaraan.

"We'll just wait for a couple of minutes. I ordered a cake, too. I don't know, but is blueberry cheesecake still your favorite? I got you one." he said while putting the cake in front of me.

"Okay. Salamat." naalala nya pa pala yung favorite ko.

---

4th year na kami nun, bigla syang sumikat. Naging basketball varsity sya.

"Liv, may practice ako ng basketball mamaya, pakidala naman ng mga gamit ko oh." he handed me his laptop and his things.

"Arrrgggh. Ang dami ko nang dala Lukas! Hindi mo ako yaya ha! Bakit ba kasi palaging ako. Ang dami kong dala." reklamo ko sa kanya.

He got his things including mine, tsaka lumakad papuntang benches.

"Saan kaba tatambay? Dito lang please para makita kita habang nagpapractice ako, nadidistract kasi ako. Kaya ikaw na lang yung titingnan ko." Sabi nya sakin while walking towards the benches.

Bakit ba kasi palagi syang ganito? Palagi syang sweet sa akin, assumera na man kasi ako. Kaya ako nasasaktan. Kaya lalo akong nahuhulog sa kanya, I know it's just a friendly gesture para sa kanya, pero para sa akin iba kasi eh. Kasi nga inlove ako sa kanya.

"Ok sige na nga, dito na lang. Ilagay mo na lang dyan yung gamit mo, heto yung jersey mo, yung tshirt ilagay mo na lang dyan ako na magliligpit." sabi ko sa kanya while turning on my laptop. I need to finish the chapter 4 of our thesis.

My Lost LoveWhere stories live. Discover now