Chapter 1

61 1 0
                                    


It has been 11 years that I am missing you, 11 years that I haven't seen you personally. I miss you so bad. My bestfriend, my love.

2005, that's the year we first met, first year highschool. Naninibago ako sa paligid ko. Wala akong kakilala. Wala akong kaibigan. Yung mga kaibigan ko kasi sa ibang school ng-aaral. Almost all of my classmates came from the same school so they know each other, I on the other hand lived in a rural baranggay far from the city so wala akong kilala and they tagged me as taga bundok, because malayo naman talaga yung bahay namin sa city. Pero dahil pala kaibigan ako at bubbly yung personality ko marami akong naging kaibigan, that includes you. The first time I talked to you iba yung nararamdam ko, ang talino mo. Ang galing mong mag salita like you really know what you were saying at matalino ka naman talaga kasi nasa pilot section ka nga eh. Hindi tayo classmates nun kasi nasa section 2 lang ako, pero magkatabi lang yung classrooms natin. Every lunch palagi tayong magkakasabay kasi iilan lang tayong nag lulunch in sa school kasi yung bahay nyo nasa kabilang bayan pa kaya sa school na din kayo nag lulunch. During those times hindi ko namalayan na crush na pala kita.

Bigla akong naalimpungatan nang naisip kita, nanaginip na naman ako sa'yo. Ilang beses na to ah. Tumayo ako, it's already 6:30 in the morning, I need to get ready before 8am, mabuting na lang at malapit lang dito ang opisina ko.

Ilang araw na lang 2020 na, pero naalala pa rin kita. You left a big mark in my heart. Marami akong naging kaibigan, marami akong naging kakilala pero espesyal ka. Marahil dahil marami tayong naging pinagsamahan. We had those little moments in the library, in the corridor, in the classroom, during lunch break.

Tapos na akong maligo, pero iniisip parin kita, that dream was surreal, it kept me hanging, anong sasabihin ko pag nagkita tayo? Mag sosorry ba ako sa nagawa ko? Marahil hindi, kasi alam ko yayakapin mo ako. Sana miss mo rin ako.

Ang traffic ha? Holidays kasi at mag babagong taon na, busy ang mga taong mag Christmas shopping. Namiss ko tuloy sa bahay. Namiss ko yung simoy ng hangin sa probinsya. Namiss ko yung pamilya ko. Ilang taon na rin akong ngpapasko at nagbabagong taon rito sa Maynila, ang dami kasing tambak na trabaho kapag ganitong holidays. I am working as an editor sa isang sikat na magazine sa Pilipinas.

May nagtext sa akin, hindi ko muna binasa kasi wala ako sa mood mg cellphone, mamaya na kung nasa loob na ako. Sumakay na ako sa elevator, maraming bagong mukha ang nakikita ko. Bumukas ang pinto sa 3rd floor kung saan nka park ang mga sasakyan ng mga bosses, may pumasok na naka executive attire, hindi ko sya makita kasi nasa likod ako.

Unti unti na nang bumaba ang mga tao, nasa 16th floor kasi yung opisina ko at karamihan ng mga empleyado ay hanggang 14th at 15th floor lang. Kaming mga editors at head of departments ay nasa 16th floor pataas.

Parang pamilyar sa akin yung kasabay ko sa elevator, yung nka excutive attire. Hindi ko na lang pinansin kasi malamang hindi ko iyon kilala.

Nasa 16th floor na kami, una syang bumaba. Hindi na sya lumingon at dumiretso na sa opisina ni Mr. Cortez, ng retire na kasi si Mr. Cortez kaya sya siguro yung pumalit sa kanya. Pumunta na ako sa opisina ko.

Nakakapagod magtrabaho kapag ganitong holiday season. While I am waiting for my computer to start up kinuha ko na yung cellphone ko para basahin kung sino yung ngtext.

Unknown Number: Hello. Good morning.

Sino 'to? Hindi naka register yung phone number. Wala akong panahon sa mga ganito. Hindi ko na lang pinansin. Maya maya may nag text ulit.

Unknown Number: Hi. Coffee?

Hindi ko na napigilan at nag reply na ako.

Me: Hello, sorry wala kasi akong time sa mga ganito. Kung kilala mo ako at kilala kita pwedeng magpakilala ka. Busy kasi ako. Pasensya na.

Unknown Number: I'll go to your office.

Me: Ha?

Maya maya may kumakatok na sa pinto ng office ko.

"Pasok!" sabi ko, hindi ko naman ini expect na sya yung taong ng tetext sa akin.

"Hi, good morning." Nakangiti nyang bati sa akin.

"Luke?" sabi ko na may pagtataka.

"Yes, hi Olivia. I am the new head of the department." sabi nya habang umuupo sa harap ng table ko.

Still confused, I managed to smile. Ilang taon ko na kasing pinapangarap yung posisyon na iyon. Pero bakit sya ang boss ko eh hindi naman nya hilig ang publication?

"Hindi ka ba natutuwa na nakita mo ako? I haven't seen you in a while." Nakangiti pa rin sya.

"Of course, I am happy." I smiled awkwardly.

Lukas Gabriel Santiago, we were highschool classmates before, yes same school ng bestfriend ko. Isang taon lang kami naging classmates, 2nd year. Pero nag start yung friendship namin when we were in college. Isang school lang kami at dahil kami lang ang magkakilala naging automatic close kaagad kami hanggang nakakilala sya ng group of friends nya at group of friends ko, at dahin iisang course lang kami, palagi kaming magkasama.
We became each other's strength. Hindi ko alam mahuhulog din pala ang loob ko sa kanya.
Pero hinding hindi ko makakalimutan yung ginawa nya sa akin nung huling taon namin sa college.

"Olivia? Are you still mad at me? Ang tagal na nun, nag sorry na ako. Akala ko ba ok na tayo?" Sinabi habang unti unti akong nilalapitan.

"Yes, we are okay. Ang dami ko lang talagang gagawin. Sorry talaga." Humarap na ako sa computer ko.

Tumalikod na sya at naglakad patungo sa pinto.


"You know you are really brushing me off, I know you so well." He said without looking back.

Lumabas na siya.

I am in the verge of breaking down, pero nasa office ako at marami akong tatapusin kaya kinikimkim ko na lang ang sama ng loob ko. Ayokong ipakita sa kanya na affected pa rin ako, kahit alam ko sa loob ko may sakit pa rin ang ginawa nya noon.

Second year college kami noon.

"Santiago! Ang aga mo yata?" tanong ko habang papalapit ako sa kanya, nakaupo sya sa bench habang nag cecellphone.

"Wala, gusto ko lang maaga ako, baka pagalitan na naman ako." nakayuko pa rin sya habang may ka text.

Umupo ako sa tabi nya.

"Luke, sino bang katext mo?" tumingin ako sa kanya.

"Luke? Hahaha, ngayon ko lang narinig na tinawag mo ako ulit sa pangalan ko ah." nakatawa nyang sabi sa akin.

I looked at him. There is something in him that give me butterflies every time I looked into his eyes.

"Ah, wala. Ang tagal nila no? Nagugutom na ako." Sabi ko nang hindi sya tinitingnan.


I slowly drifted from my swivel chair, sumasakit ang ulo ko. Lunchtime na pala. Wala akong ganang kumain, gusto kong mapag-isa. Nanahimik na ang puso ko, pero bakit ganito? Hays. Ayoko. Ayokong umasa. Wala akong panahong masaktan, muli.

I have to go down sa cafeteria, I need to drink coffee. Sana hindi ko sya makita. Paglabas ko ng office, sakto rin na natapos yung meeting nila. Dali dali akong pumasok uli, I cannot deal with him right now. Unti unting nawala ang ang mga boses and mga yapak. Wala na akong naririnig, binuksan ko ang pinto, saktong bumungad naman sya kaya sumubsob ako sa dibdib nya.

"Ano ba?! Ano bang ginagawa mo dito?" hindi ko alam kung bakit ako nagagalit.

"Sorry, gusto ko lang namang yayain kang mag lunch. I don't know why are you so mad at me." malumanay nyang sinabi habang inaalayan niya akong tumayo ng maayos.

"Sorry, nagulat lang ako. Ahm, busog pa ako. I'll just go down and get some coffee." I said without looking at him.

He looked at me and said, "good I'll go with you, I need some caffeine too." habang nauuna na sa paglalakad. Wala akong nagawa kundi sumunod na lang sa kanya.

My Lost LoveWhere stories live. Discover now