Chapter 4

32 0 0
                                    

All in all, masaya yung weekend ko. Hindi kami natuloy sa Tagaytay kasi hindi ako pumayag. I cannot believe we're here again, trying to give this something a chance, see if it'll grow.

"I have to go Liv, I'll call when I get home. Ang sarap mo nang mg luto, dati pancit canton lang yung niluluto mo o di kaya lugaw. Ngayon may pa adobo ka na ha?" He said habang kinukuha yung backpack tsaka yung susi nya sa lamesa sa sala.

I smiled while looking at him.

"Syempre. Pag tumatanda kana, marami ka nang natututunan." Sabi ko habang nililigpit ko yung mga pinagkainan namin.

Lumapit sya sa 'kin. He kissed my forehead. Pumikit ako. Ang sarap sa pakiramdam. Ang saya. Nakakagaan ng damdamin. Pero hindi ko alam kung hanggang kelan to. Natatakot ako.

"I have to go. Bye. I'll call you." He said waving.

Hinatid ko sya sa pinto, "ingat ka." I smiled.

Nghugas na ako ng mga plato. Takot ako, pero masaya. Hindi ko alam kung pagbibigyan ko ang puso ko. Ang tagal na panahon nitong galit, may sama ng loob at may pangamba na hindi na ito kayanin ang sakit.

Dati sabi ko sarili ko, okay lang masaktan, okay lang umiyak. Pero magmamahal pa rin ako. Hindi ako matatakot magmahal ulit. Pero sinong niloloko ko? Natawa ako sarili ko. Ang tapang ko pala dati.

Pagkatapos kong maghugas ay humiga ako sa sofa habang nanonood ng TV.

My phone rang.

Luke calling...

"Hi, nakarating kana?" I asked him

"Yes, kararating ko lang, ano ginagawa mo?" I smiled sa tanong nya.

"Luke, hindi na tayo 16 years old, para sa mga ganyang tanong. Hahaha." I laughed.

"I just wanna know what you're doing that's all." He said.

"Fine, I'm watching TV. I'm heading to bed in a few. Ikaw ano gawa mo?" I laughed.

"Why are you laughing? I'm being serious. Oh, by the way what do you usually do on Sundays? You said mag gogrocery ka? Pero hindi tayo natuloy kanina." Sabi niya.

"Yeah, coz you're here. I could not go out na may bisita ako noh?" I said rolling my eyes.

He sighed, "we'll go tomorrow. I need some supplies, too. But can we also go shopping? I really need some clothes." I can see him smiling behind the phone.

Mukhang mapapagastos ako nito ah. Pwede namang samahan ko lang sya, hindi lang ako mamimili nang para sa akin. Pero, I doubt. Bahala na nga.

"Alright. Maliligo na muna ako. I'll text you. Bye." Tumayo na ako papuntang kwarto.

"Okay, bye." I hang up.

I really need a hot shower to think straight. Hindi ako makapag isip ng tama kung nandyan sya. Ano ba to?

Bigla ko na namang naisip si Charles. Why? Why does he keep on popping on thoughts? Sa mga ganitong sitwasyon ko pa talaga sya naiisip. Should I find him? Should I contact him. For the past 10 years, hindi ko na sya nakikita. I hope okay sya.

--
"Olivia! Olivia!" May sumisigaw sa pangalan ko.

Lumingon ako. I smiled.

"Charles, bakit?" I said habang lumalapit sa kanya.

"May dala ako para sa yo. Para sa lunch natin. Nagluto kasi si mama ko kasi may bisita kami, pinagdala nya ako." Sabi nya sakin habang binibigay sa akin yung lunch bag nya.

"Hala, thank you. Halika na. Gusto ko sa may Grotto namn tayo, mainit na dun sa dating tambayan natin eh." Sabi ko, habang nauuna na ako sa paglalakad papuntang grotto.

Mas maganda kasi dun sa Grotto kasi malamig dahil may koi fishpond at maraming puno.

"Isama natin sila Chris at Jom. Mukhang marami tong dala mo." Sabi ko sa kanya.

"Huwag na, binigyan ko na sila kanina. Tayo na lang. May sasabihin ako sa'yo eh." Yumuko sya.

Kinabahan ako, ano kayang sasabihin nya?

"Ano?" Biglang lingon ko sa kanya. Malapit na kmi sa grotto.

"Kumain muna tayo" sabi nya habang nilalapag yung mga pagkain sa maliit na lamesang semento. 

"Ang sarap nito ah. Sabihin mo sa Mama mo, salamat." Sabi ko sa kanya habang umiinom ng tubig.

"Ano nga pala yung sasabihin mo?" I looked at him

He looked away, "my mama told me, we'll be going to Cebu this summer, and they're planning to transfer me there next school year."

I know he's nervous, hindi sya ng eenglish kung kalmado sya. Ng eenglish lang sya kung galit sya, malungkot, or nenerbyos.

"What? Oh eh anong sabi mo?" I asked, holding my tears.

"Wala naman akong magagawa eh." He held ny hand. "Ayokong sumama."

"Okay lang yun, para sayo naman yun eh. Magkikita pa rin naman tayo. Uuwi pa rin naman kayo dito diba?" I tried to smile, but a tear already fell.

"Don't cry. I'll cry if you cry." I know he's holding back his tears.

--
Nag ring yung telepono ko, nagulat ko.

I was 12 back then, I already felt something for him.

Pagtapos kong maligo, I checked my phone. Luke called and he texted me as well.

Luke: Love?

Love??? Wrong send ba sya? Fvck. I knew it.

He called, "Love?"

God! Why is his voice so deep? And sexy?

"Sorry, wrong number." I answered sarcastically.

"Liv, what's wrong?" So alam nya na ako to?

"See? Liv, ang tawag mo sa akin? Sino si love?" I pouted

"Oyyy. I wanna call you love, kasi nga mahal kita. Akala mo may iba akong love? Ngseselos ka ba?" He laughed.

I hang up. Gosh! Why am I so stupid. Pero aaminin ko, kinilig ako dun.

My Lost LoveWhere stories live. Discover now