Alyssa POV
Andito pa rin kami sa condo ni Kuya Sue. Dito na kami matutulog at mga tinatamad na kaming umuwi, alam nyo yung feeling na ganun hahaha
Nagbobrowse lang ako ng ig dahil walang magawa. Wait. As in wait. Ano to? Napaupo ako ng maayos ng wala sa oras. Anong nakita ko? Pinakatitigan ko talaga ng maiigi at baka mali lang pagkakakita ko. Pero nakailang tingin at basa na ko pero ganun pa rin. Anong nakita ko? Picture lang naman ni Loren at Ara, close pala sila? Mukha ngang close sila ang lapit sa isa't isa e. Ang dami agad likes at comment. Inisa isa ko yung comment. Oh pati si kim may comment.
@FajardoKimmy: ayiiie ang sweet naman @VictonAra @BabyGeorge bagay talaga. Kelan kasal? 😂
Napakunot naman ang noo ko sa nabasa ko. Kasal? Anong kasal pinagsasabi nito? Si Ara at Loren? Hindi ko gets? Joke ba to? Sabagay si kim naman e malako yun. Tsk tatawagan ko nga, may alam to e.
Calling Kimmy....
"Hello Kim"
"Oh Aly. Sup? Bakit?"
"Kim dumating na ba si Ara?"
"Oo, dumating na, kahapon lang? Bakit? Oh my gosh wag mong sabihing? Hala ka Valdez isusumbong kita kay Denden" oa talaga to kahit kailan
"Loko. Di yun ganun. Batok you want?" gigil na sabi ko
"Hahaha di ba? Kala ko e. Oh bakit nga?" etong si kimmy minsan nakakainis din talaga ang tawa e
"Nakita ko yung post nya sa ig. Sino yung girl na kasama nya?"
"Ah si George ba? Hmmm wait paano ko ba sasabihin. Teka nga, hindi mo kilala si George?" gulat na gulat naman to
"Kilala. Si Loren yun diba? Yun pakilala samin e. Gulat ka naman masyado. Oa ha?" masarap talaga tong asarin hahaha
"Si Loren nga! Bukod dun!"
"Oh kalma. Galit na galit? Gusto manaket? Hahaha joke"
"Valdez ha. Umayos ka. Si loren nga, bukod nga dun? Di mo talaga sya kilala?" ano bang pinaglalaban neto
"Ha? Ano bamg pinagsasabi mo?"
"Geez Alyssa Valdez. Si George ba talaga nagkaamnesia o ikaw? Paanong hindi mo kilala si Baby George?" Nailayo ko pa sa tenga ko yung phone, makasigaw naman e
"Baby George? Diretsuhin mo na nga!"
"Tsk. Si Baby George. Yung pinsan ni Yeye. Yung batang Snow White. Yung bata sa Germany. Yun si George! Oh ano? Tanda mo na?" Natigilan naman ako sa narinig ko
"Hello Aly?"
Natulala na lang ako habang inaalala ang mga nangyari.
"Hello Valdez. Hello"
Pinatay ko na yung tawag. I dunno how will I react after knowing that. Tsaka ko na poproblemahin ang galit ni Kimmy, ayaw nun na binababaan ko sya ng call, parang jowa ko ah.
Napahawak na lang ako sa batok ko. Di ko na alam ang iisipin ko.
Sya si Baby George? Bakit nga ba hindi ko agad napansin? Maputi sya. Halatang may lahi. Tsk.

BINABASA MO ANG
The Successor (ON HOLD)
RandomIt is not an ordinary story. Lets join the journey of great volleyball players of our country when they met the most unexpecting person they will encounter. Its a girl to girl love. Pure fiction. Including the great volleybelles of the generation. N...