"Bakit barbie ang ireregalo ko?"
Nakabusangot na tanong niya sa mga kaibigan.Nasa mall kasi sila para mamili nang ireregalo sa kaarawan ng anak ni Jhane.
At dahil free ang dalawa niyang kaibigan na si Jameela at Jamae, niyaya niya ang mga itong samahan siya.
Hindi kasi niya alam kung ano ang gusto nang inaanak niya dahil dalawang taon rin siya sa Paris.
Ayaw nya naman magregalo nang damit dahil tiyak na punong puno na ang cabinet nito ng mga damit.
Pag pera naman ang binigay niya, kukunin lang iyon ni Jhane.
Ipangpapaload nanaman ng bruha."Why not?"
Tanong ni Jamae na busy sa kakapindot ng cellphone nito.
Kanina pa kasi nagtetext ang asawa nito.Storbo talaga ang doktor na yun.
"Oo nga. Ang cute nga ni Barbie e."
Segunda naman ni Jameela.
Palibhasa favorite nito si Barbie."Oo nga cute, pero maagang lalandi ang anak ni Jhane pagyan ang ibinigay ko."
Her two friends look at her with disbelief.
"Ano nanamang kalokohan ang naiisip mo at sinabi mo yan." - Jameela.Tinuro niya ang estante na punong puno ng mga Disney characters.
"Well, nung bata ako, lagi akong nanunuod ng Disney channel.""Oh anong connect?"
Ani Jameela na mukhang nasa mode magsalita."Naisip ko lang ung mga story ng mga bida. Mga 1, 2, 3 sila."
"Huh?"
Anas ng mga ito.Kinuha niya ang isang box na naglalaman ng Cinderella Doll."
"Kasi diba, etong si Cinderella, Kung kasya talaga sa kanya ang sapatos niya , e bat nalaglag ? Isa lang talaga ibig sabihin nun, Malandi talaga siya ! Ilalaglag ang sapatos para habulhabulin siya. Ang harot harot!"
Inis na sabi niya bago dinampot ang mermaid doll.
"Tapos itong si Little Mermaid na gusto magkalegs para makabukaka at mainlove sa kanya ang kanyang Prince charming!at hindi lang yan!"
Itinuro niya ang ibang Disney Characters.
"Pati yung Si Sleeping Beauty na patulog tulog para lang mahalikan . Si snow white na kunwari patay para lang gapangin.
See, hindi nyo ba nahahalata ? Puro kalandian ang tinuturo ng mga fairytales. Kaya hindi ko bibigyan yang inaanak ko nang mga disney characters."
Seryosong sabi niya sa mga kaibigan na nakatanga lang sa kanya.
Maging ang busy na kakacellphone na si Jamae ay namamanghang nakatingin na sakanya."What? May mali ba sa si--ouch!"
Napahiyaw siya sa sobrang sakit nang kurutin siya ni Jameela sa tagiliran."Ang bitter mo! Oh sige, bigyan mo nalang sya nang Dora. Tutal, educational ang tinuturo nun at hindi kalandian gaya ng sinasabi mo."
Napaismid siya habang hinahaplos haplos ang nasaktang tagiliran.
"Ay, hindi, hindi. Ayoko si Dora. Isa pa yang batang yan, kunwari dala dala niya lagi ang bag niya akala mo talaga papasok sa school e gagala lang din naman pala. Kung saan saan na kakarating at ang nakakainis pa. Tanong ng tanong kung nasaan ang isang bagay e nasa likod lang naman niya. Ang tamad tamad lumingon! Di na lang maghanap! Jusko!
Kaya di ko bibigyan ng dora ang inaanak ko. Baka lumaking bida bidang tamad.""Ay ewan ko sayong baliw ka!" - inis na sabi Jameela tsaka sila tinalikuran.
"Malala na ang topak ng kaibigan natin." - rinig niyang bulong ni Jamae sa mukhang nabadtrip nakaibigan.
![](https://img.wattpad.com/cover/137082799-288-k144772.jpg)
BINABASA MO ANG
#6 TFL: LIVING WITH MR. SONGWRITER (BUDZ & DRAKE) WATTYS 2020
RomantikIm crazy But he still love me. Ang haba ng hair ko. #sobrangGanda