CHAPTER 6 - Date

484 20 1
                                    

"Oh.. bat ang sagwa nyang suot mo budz?"

Puna ni carmela dahilan upang napahinto siya sa paglalagay ng lipstick.

nakasimangot na hinarap niya ito.
"Masagwa na ba ang balot na balot na dress?"

grabe ah. matino na nga itong suot ko eh. white dress na hanggang tuhod ang haba. ang neckline naman ay sabrina style para maemphasis yung yummy neck ko.

"haha. joke lang. nakakapanibago lang kasi. di ka naman nag aayos nang ganyan two years ago." - kumento ni Jamae habanh kumakain ng popcorn.

Nasa bahay kasi ang mga ito dahil sinabi niya ito na may date siya ngayon.

At ang mga bruha.
Magmadaling pumunta sa bahay upang i check daw kuno ang itsura at pananamit niya.

Hello.
Im a designer.

"Oo nga. mukhang may ipinalit ka na kay Daniel mo ah."- salve

Nakasimangot na binitiwan niya ang lipstick tsaka iritang humarap sa mga ito.

Mukhang lovelife niya ang gustong i check ng mga kaibigan hindi ang pananamit niya.
"Correction. daniel ni kath nu."

Nakataas ang kilay na bumango si Kathleen mula sa pagkakahiga sa napakaganda niyang kama.
"Wew.. naka move-on na talaga?"

Sarkastikong tumawa siya.
mukhang nang iinis nanaman ang mga ito sa buhay niyang napakacolorful.

matagal na siyang nakamove-on. ayaw lang talagang maniwala ng mga kaibigan niyang magaganda katulad ko.

at wala kayong pake kung maganda ako. kung gusto nyo magpabelo rin kau.

anyway balik tayo..

mukhang magkakabalikan na si daniel at Kath at masaya siya para sa dalawa.
Oo naging tanga siya dati pero natutunan na niyang mahalin ang sarili kaya alam na niya ang limit sa love.

oh.. ansabe?! mga magaganda lang nakakaalam nun.

"Girls. utang na loob. tama na. nagsisimula na ako humanap ng lovelife kaya tigilan nyo na yang daniel daniel na yan dahil wala akong balak maging kabit."

nagulat siya nang magpalakpakan ang mga ito sabay tayo.

napalinga linga siya

wala namang kalapati.

"Nasan ang kalapati?" naguguluhang tanong niya sa mga ito.

"Baliw.
Nag evolved ka rin sa wakas."- ani carmela na tiwala tuwang tuwa.

"Finally graduated ka na sa katangahan." - Jamae.

"At last. magiging normal ka na din." -Sheena.

"Normal ako." Nakabusangot na sabi ko sa mga kaibigan na inirapan lang siya.

"Wew? bat di kami na inform?" -jameela.

inirapan nalang rin niya ang mga ito saka ipinag patuloy ang pag lalagay ng lipstick.

Baka malate pa siya sa date nya.

hhmmm..

tamis ah.

"Sarap Budz?" tumatawang tanong ni Jane.

napangiti nalang siya.

Siya kasi yung tipo ng tao na tumitikim ng lipstick.

weird right?

#6 TFL: LIVING WITH MR. SONGWRITER (BUDZ & DRAKE) WATTYS 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon