"Hindi mo ba kami naririnig ha?!" Napapikit nalang ako dahil sobrang lakas ng boses niya.
"Ano ba?! Bingi ka ba talaga o sadyang tanga lang at hindi mo maintindihan ang sinasabi namin? Sumagot ka, bwiset!"
Czar, Zyren, nasaan na ba kayo?
Pauwi na kami ng maala ko na nakalimutan ko 'yung libro ko sa room, activity book 'yon na kailangan naming ipasa bukas. Hindi ko pa tapos kaya wala akong choice kung hindi balikan iyon. Pabalik na ako kina Czar nang may biglang humila sa'kin at dalhin ako sa rooftop.
It was Rhian and her friends-slash-maids
"Oh, bully?" Mula sa isang part ng rooftop ay may nagsalita. Nagmulat ako at nakita ang isang lalaki na nakapamulsa habang nakasandal sa pader
"Shit, what is he doing here?"rinig kong bulong ng isang alalay ni Rhian
"Ah Kuya Ty, of course not. Hindi ako bully ah." Tumawa ito pagkatapos sabihin 'yon ngunit ang lalaki ay nanatiling nakatingin lang samin
"May pinag-usapan lang kami. Right Catherine?" Siniko ako ng isang kasama nila ng hindi kaagad ako sumagot
"Ahm, w-we're...just-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng magsalita muli ang lalaki
"Oh hi, Pres!" Pagkarinig nina Rhian sa sinabi ng mga lalaki ay kaagad na nagtakbuhan ang mga ito. Kahit ako ay nataranta at nagsimula na ring tumakbo.
The Student Council's President, mahilig nga pala itong pumunta sa rooftop ng uwian para icheck kung may mga estudyante pa bang nakatambay roon.
Nang malapit na ako sa pintuan ay hinawakan ng lalaki ang braso ako at hinila palapit sakanya.
"Hey, hey it's just a joke. Look, wala si Pres dito." Tinuro nito ang buong lugar gamit ang hintuturo habang bahagyang tumatawa. Inilibot ko ang paningin at nakitang wala nga doon si President. Tumingin ako sa lalaki at natawa narin.
"Salamat."
"I didn't do anything aside from pulling a prank. Perokung magtatagal pa tayo dito ay hindi na prank 'yon, lagot na talaga kaya tara na." Pinauna ako nito sa paglalakad ng makalabas kami ng building ay nakita ko si Czarina at Zyren na naghihintay.
"Cath! Saan ka ba galing ha? You're not answering your phone!" Bungad sa akin ni Czar na makita nila ako
"Czar. Relax! I'm here na oh. Tigil na. Hingang malalim." I joked.
"Your fault. Anyway, hoy Zyren! Sige na umuwi ka na, hindi na kita kailangan." Baling ni Czar kay Zy at nag-flip hair pa. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maawa kay Zyren
"Tss. Go home your ass."
"Lozano, your mouth" sabi ng gwapong nilalang na nasa tabi ko- huh?
"Sorry Kuya"
Kuya?
"Bleh!" Pang-aasar ni Czar kay Zyren. Sinamaan naman siya ng tingin ng huli.
"You too, Czarina!" Inirapan lang ni Czarina ang lalaki
"Psh. Ba't ba kasi nandito ka?"
"Ah, siya nga pala Czar. Tinulungan ako ni kuya kanina kina Rhian-"
"Rhian? You mean the Ugly Bully?" Tanong ni Czar habang nanlalaki ang mga mata niya.
"Yeah" kinati ko ang batok ko at tumingin sa lalaki pagkatpos ay kay Czar
"At sino na ulit tumulong sa'yo? Siya" Itinuro ni Czar ang lalaki gamit na kaagad naman pinalo paalis ng huli
"Knight in Shining Armor ka na pala ngayon Kuya. Gentleman eh, sana sa lahat ng tao ganyan ka." Parang natatawa na ewan si Czar.
"And what do you mean by that?"
"Magpapa-goto na ba ako?" natatawang sabi ni Zyren
"Manahimik nga kayo."
"Oh anyway. Cath, this is my brother nga pala. I told you about him. Kuya this is Catherine, my friend."
"'Yung nasa States? Eh bakit sabi mo..." Tumingin ulit ako sa lalaki. Siya 'yon? Skwento ni Czar pangit at mataba ang kuya niya. Kaya daw ipinatapon sa States para hindi makita ng mga kakilala nila, kahihiyan daw kasi sa genes nila na napakaganda.
"What did you tell her?" Tanong ng lalalaki kay Czar, nakataas ang kilay nito ay mukhang naiirita na.
Damn. Kahit saang anggulo wala kang makikita na bahid ng kapangitan sa lalaking ito. The guy is just...hot
"Ah ha-ha, wala naman kuya. Tara na Cath" hinila ako ni Czar palayo sa
Kuya...Tyrone huh?

BINABASA MO ANG
Trouvaille
RomanceLove shouldn't be selfish, but often we find it hard to be selfless. An innocent love is pure, but fragile. An extreme love is rare, but destructive. Love gives happiness, contentment and peacefulness. It gives you the best feeling, shows you the be...