Chapter 5
Terry's POV
Wala ako sa sarili ko sa sumunod na araw. Hindi ko parin makalimutan ang nangyari kahapon. Hanggang ngayon ay mabilis parin ang tibok ng puso ko. Hindi man lang pumalya nang kahit isang segundo. Di kaya magkasakit na ako sa puso nito?
Kasalanan ito ni Kuya Tyrone eh. Kapag naaalala ko ang mga ekesena kahapon ay bigla nalang akong mapapangiti. Nakakabaliw ang ganitong pakiramdam.
Ngayong araw ay tila nag-iiwasan sina Evan at Nina. Napakatahimik ni Evan, nakakapanibago pero ayos na 'yon. Kaysa naman sa laging madaldal, ang sarap itapon sa ilog pasig. Hindi sumabay sina Nicole at JC sa amin kumain ng lunch, kung hindi lang boyfriend ni Nina si JC ay iisipin kong nag-date ang dalawang 'yon. Yung dalawa naman ay himalang hindi nagbabangayan ngayon, pero kita ko ang pasulyap-sulyap ni Zyren kay Czar na hindi man lang pinapasadahan ng tingin si Zy.
Seriously, anong meron sakanila at hindi yata ako na-inform. Isang araw palang ang nakalipas pero ibang-iba na ang atmosphere dito.
Natapos ang klase na wala ni isa sakanila ang nag-usap-usap.
"Nina, halika na."
"Wait lang JC, may ibibigay pa ako kay Ma'am Llanares."
"Sige, hintayin kita dito."
Umalis si Nina at kitang-kita ko ang pagsunod ng tingin sakaniya ni Evan.
"Let's go, Isha." Napatingin ako kay Zy nang magsalita siya. Nakatingin siya kay Czar pero nakatingin lang sa harap ang huli habang nakataas ang kamay. Hindi gumalaw si Czar kaya hinila siya ni Zy patayo.
"Ano ba?"
"Anong problema mo, Ayisha?"
"Nothing. I'm fine. I'm just fine." Hinila nito ang braso mula kay Zyren at nauna ng maglakad palabas.
"Una na kami." Tumango ako at binigyan siya ng nagtatanong na tingin. Pinagtaasan lang siya ng kilay ni Zy at umalis na sila. Kinuha ko ang bag ko at nagpaalam na aalis na rin.
"Ingat, Terry."
"Salamat, Nicole."
Hindi pa ako dumiretso ng uwi sa bahay. Tumambay muna ako ulit sa park, sa parehong upuan na inupuan ko ng makita niya ako, at nagbakasakaling makikita ko ulit si Kuya Ty. Pero lumipas ang ilang oras at walang Tyrone na dumating. Paalis na ako ng mapatingin ako sa dalawang taong patawid ng kalsada.
Parang huminto ang oras at wala akong ibang maramdaman kundi ang sakit na bumabalot sa puso ko. Naninikip ang dibdib ko't bumilis ang akin paghinga.
Bakit gano'n? 'Yung saya ko mula kahapon ay naglahong parang bula. Napalitan ito ng sakit. Gusto ko nang lumayo pero napako ang tingin ko sakanila.
Ang saya nilang tignan, parang walang problema sa buhay kung magtawanan at mahahalata mong punong-puno ng pagmamahal ang tinginan nila. Napatingin ako sa magkahawak nilang kamay.
Sana kamay ko ang hawak mo ngayon.
Tumalikod na ako hangga't kaya ko pa. Wala naman akong karapatang magselos diba? In the first place, bestfriend lang naman ako ng kapatid niya. At ang babaeng kasama niya kanina ang tunay niyang mahal. At kahit katiting ay wala akong panama sakaniya. Sa paraan palang ng pagtingin sakaniya ni Kuya Ty ay alam ko na, talo na ako.
Just yours
Nicole's POV
Umalis na sina Terry at kaming tatlo nalang nina Evan at JC ang naiwan.
Love
Hindi ko parin makalimutan 'yon. Sana ako nalang. Ako nalang ang tinatawag niyang gano'n. I should just give up kasi alam kong wala na talagang pag-asa. But my heart is telling me to keep on.
Napatingin ako kay Evan na tulala lang at mukhang malalim ang iniisip. Bakit hindi nalang siya? I also don't understand myself kung bakit hindi ko magawang magustuhan si Evan. Siguro dahil narin sa deep inside myself I know na hindi ako ang totoong gusto niya. His mouth may say so but his eyes can never lie.
Umalis ako ng hindi nagpapaalam at dumiretso sa vendo machine sa tabi ng canteen namin. Umupo ako sa bench sa gilid nito, isinandal ang aking ulo at pumikit.
Ilang minuto din akong nakapikit nang may marinig akong ingay sa gilid ko. Dumilat ako at tumanbad sa aking ang isang in-can na inumin. Tinignan ko ang pinanggalingan nito at nakita ko ang lalaking mahal ko.
"Get it, you look tired." Kinuha ko ito at umupo siya sa tabi ko. Katahimikan ang bumalot sa amin and it's killing me. We don't used to be like this. Dati, hindi kami nauubusan ng usapan.
"H-how are you?" Pambabasag ko sa katahimikan.
"Fine." Dati, pag nagtanong ako halos kasing haba na ng essay ang sagot niya.
"How about... h-her?" Hindi siya sumagot at tumingin lang sa baba. Then he looked at me.
"She's...fine." Katahimikan ang sumunod sa amin. Hindi ako nakatingin ng diretso sakaniya pero nakikita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagkatulala niya.
"Uhmm..." Napatingin siya sa akin ng magsalita ako. "I'm happy for you. For...both of you. Alagaan mo siya." Ngumiti ako kahit na parang napakahirap iangat ang gilid ng mga labi ko. Ngunit hindi ko inaasahan ang reaksiyon niya. He laughed.
He freakin' laugh!
Ang tagal ko nang hindi naririnig ang tawa niya. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o matutuwa.
"Ang seryoso mo naman Lili. Hindi mo man lang ba ako yayakapin? Ang tagal nating hindi nagkita ah." I'm not sure kung seryoso ba siya pero yung ngiti niya parang sinasabi na hindi siya nagbibiro. Ito yung unang beses, unang beses na nagkausap kami ng ganto simula ng... iwasan ko siya. At tinawag pa niya ako sa palayaw niya sa akin. Gosh!
"Lili!" Ang boses niya ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.
"Ah-bakit?"
"Natulala ka? Ayos ka lang ba? Mababakas ang paga-alala sa mukha niya.
"Ahm, ayos lang. Ah, seryoso ka ba?" Napataas siya ng kilay
"Serious about what?" Kinagat ko ang muna ang labi ko bago ako sumagot. Oh gosh Nicole, why are you so nervous?!
"Yung sinabi mo kanina." Nakayuko kong sagot.
"Ang dami kong sinabi kanina, alin doon?"
"Yung...ano... yung sa... hug." Pahina ng pahina ang boses ko. Shit, I can feel my cheeks burning.
"Ano?"
"Yung sa hug!" Natawa na naman siya. Sheez, I'm freakin' sure namumula na ako. Imbes na sumagot siya ay niyakap niya ako. Natigilan ako at hindi nakahuma ng ilang sandali. Ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko.
"I miss you, Lili." I missed you too, Jas. But I'm afraid I can't say it. Not now. Not when you're in a relationship with my bestfriend.
Bumitaw na siya at hinawakan ang dalawa kong balikat.
"Dont avoid me anymore, please." Pagkatapos ay umalis na siya.
Sheez, Jastine Chlide! You're off limits but I won't stop my feelings. I'll always be yours. Just yours. Just, Jastine Chlide's.
BINABASA MO ANG
Trouvaille
RomanceLove shouldn't be selfish, but often we find it hard to be selfless. An innocent love is pure, but fragile. An extreme love is rare, but destructive. Love gives happiness, contentment and peacefulness. It gives you the best feeling, shows you the be...
