[00]: Prologue

106 32 4
                                    

⚠️WARNING⚠️: PLAGIARISM IS A CRIME AND PUNISHABLE BY LAW!





THIS STORY IS A WORK OF FICTION. ANY NAMES, CHARACTER, PLACES, BUSINESS, EVENTS AND INCIDENTS ARE EITHER USED IN FICTITIOUS MANNER OR FROM THE AUTHOR'S IMAGINATION. ANY RESEMBLANCES TO ACTUAL EVENTS, ACTUAL PERSON, LIVING OR DEAD IS PURELY COINCIDENTAL.






I worked and created this story with big hard work so you don't have any right to copy any part of it by any means without MY permission or consent. Please do have conscience and consideration if you're planning to do so. I edited this story so that you could understand the story clearly but please don't expect too much because you may still encounter grammatical errors, wrong spellings, and other errors that may lead to disappointment.



________________________________________________________________________________


Prologue


*Cough*


"Ma? Pa? Ate..." Patuloy ako sa pag-ubo habang nakahilatay yung katawan ko sa sahig. Pinipilit kong imulat yung mga mata ko at makahinga ng maayos.


Kailangan kong makabangon at makaalis dito.


Nakailan akong sumubok bumangon pero hindi ko na kaya. Nawawalan na ako ng enerhiya, saan na kaya siya? Saan na sila?


Kahit alam kong hindi na kaya ng katawan ko, sinusubukan ko paring tumayo pero wala na. Hindi ko alam kung nasaan at kung ayos lang ba sila.


Ang usok ng sunog ay patuloy na pumapasok sa ilong ko, nakaabot na sa mata ko. Sobrang hapdi, kaya ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Hindi ko alam kung mabubuhay pa ako, o makakaalis pa ba ako dito.


"JENNA!" Narinig ko. Maliligtas na ako, sana sila rin. Sa tinding panghihina ay tuluyan na akong nawalan ng malay.


*



Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Walang emosyon na nakapinta sa mukha at nararamdaman na ang aking pagkaputla ng labi pati na ang panghihina ng katawan.


Lumapit sakin ang lalakeng minamahal ko. "Jenna.. Alalang-alala ako sayo. I can't imagine my world without you. Akala ko mawawala ka na." Sabi niya ng may pag-alala sa kanyang boses. Umupo siya sa gilid ko at hinalikan ang aking kamay tapos tinignan niya ako ng puno ng lungkot.


Pinilit kong ngumiti sa kanya para hindi siya masydong mag-alala. Pilit kong ibinuka yung bibig ko para magsalita, "Sila?" Tanong ko.


Ngumiti siya sabay sabing, "'Wag kang mag-alala. Ino-operahan pa sila ngayon, magiging maayos rin sila." Lumapit siya sakin at hinalikan ang aking noo.


*


Days passed by and I still can't believe what happened.


Wala na sila.. Wala na yung malambing kong mama, yung palatawa kong papa.


Ilang araw na akong pinipilit ng kasintahan kong kumain pero wala pa rin akong gana. Sino ba naman yung may gana, pagkatapos kang nawalan ng mga mahal sa buhay?


Patuloy na dumadaloy yung luha sa aking mukha at paulit-ulit niyang hinahagkan yung kamay saka noo ko. Sabi ng doktor sakin na hindi na sila maililigtas dahil sa matagal na kakulangan ng dugo pati hangin sa katawan at hindi iyon kaagad naagapan. Hindi ko inaakala na yun na pala ang huling oras nila.


Mag-isa na lang ako. Wala na akong mga magulang, sobrang miss ko na sila. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata, tama na muna. Panaginip lang to, bukas nandyan pa rin sila.


Niloloko kolang pala yung sarili ko kung ganun, pero kasi hindi ko parin tanggap na wala na silang dalawa. Yung dalawang taong nagpakahirap para mabuhay lang kami, ngayon ay wala na..


*


Kinabukasan ay bumangon ako sa higaan ng makitang wala yung mahal ko. Lumabas ako sa kuwarto at tumingin-tingin. Naglakad-lakad ako ay dinala ako ng mga paa ko sa rooftop.


Nakarinig ako ng mga taong nag-uusap. "Bro, sige na. Konti na lang to ohh, paubos na 'to kaya kailangan pa natin ng pera. Kunin mo na." Pilit ng lalake sa kausap.


"Tol, ayoko na. Wag na muna, nasa ospital tayo ohh. Bababa na ako, kailangan na ako ng mahal ko." Sabi ng isang lalake. Mahal?


Naglakad ako palapit sa kanila at nakita ako ng aking mahal. "Mahal? Totoo ba yan?" I never thought that he will be that kind of person. I just smirked and continued, "Hindi ko na pala kailangan pang magtanong, nakita ko na ang lahat." Nakaawang yung bibig niya at kita sa mukha niya yung pagkagulat. Kinuha ko kaagad yung dextrose sa kamay ko at tumakbo ng mabilis. Narinig ko pa yung pagtawag niya ng pangalan ko at ang pagsunod niya.


Kabado ako nang maabutan niya ako kaya ginamit ko yung hagdan imbes na mag elevator pa ako. Tumakbo ako sa makakaya ko hanggang sa makalabas na ng ospital. Nakita ko yung bestfriend ko sa kabilang daan kaya binalisan ko ang pagtawid nang may tumawag sakin.


Lumingon ako. "MAHAL, NA MAHAL KITA JENNA! 'WAG MO AKONG IWAN!" Sigaw ni Rydyer mula sa labas ng ospital kaya napahinto ako sa gitna ng daan at ang huling nakita ko ay ang maamong niyanh mukha, nang maramdaman ko ang aking pagtalbog dahilan ng pagkabunggo ng truck.


Years later..


End of Prologue


Notice:

Updates depend on my mood..

Sorry, ongoing pa kasi tapos daming ginagawa at sinestress sa school (well, dati yon but you know naa), kaya pagpasensiyahan niyo na po.

Please vote this story if you liked it. You're free to comment whatever you want related to the story. Kung hindi naman po maganda yung icocomment niyo, mas mabuting maging silent reader ka na lang po. Just saying.. Please wait for the upcoming updates and I'll update as soon as I'm finish with another chapter. Thank you!! ❤

When I Remembered Him |VESAGLIMAN SERIES #1| (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon