Chapter 20
RYDYER'S Point of View
Nung nalaman ko ang kakantahin ni Jenna, alam kong kailangan kong sumabay. Theme song naming dalawa 'yan ehh, nalaman na lang naming dalawa na 'yon na pala yung kanta na babagay sa relasyon namin noon. Sana pati ngayon..
Hindi ko kayang bitawan ang mga titig ko sa kanya, tapos napangiti rin ako nung tumitingin rin siya. Sumusulpot ako sa mga parte ni Shawn Mendes, at talagang pinag-aralan ko ang kanta nung nawala na si Jenna sa buhay ko noon. Palagi niya 'tong kinakanta noon habang naglalakad kami pauwi mula sa school.
Hanggang sa natapos ang kanta, hindi pa rin kami bumibitaw sa aming mga titig at naramdaman ko ang paggalaw ng aking mga paa papunta sa kanya. Sa mga ganitong oras, gusto ko siyang hagkan sa sobrang galak na aking nararamdaman. Wala na akong pake-alam sa mga taong tumitingin sa'min, ang nasa isip ko ay tanging si Jenna lang. Marami akong gustong sasabihin sa kanya, itatanong at sabihin na muli ang dalawang salitang kanina ko pang pinipigilang hindi lumabas sa aking mga labi.
How I wish that I could feel her in my arms again.
Rinig ko ang mga palakpak at pagsipol ng mga pinsan ni Aliane, yung iba naman ay winawagayway pa yung kanilang mga kamay. Napapangiti ako sa ginawa namin ni Jenna bago lang, ngayon lang nga ulit kaming kumanta ng sabay. Sobrang nakakagaan sa pakiramdam, parang nawala agad sa utak yung mga plano ko tapos napalitan ito ng pagkasabik na makasama ulit si Jenna. 'Pero huwag Rydyer, kailangan mong pigilan ang sarili mo. Hindi ka pwedeng magmadali, baka kung anong palpak ang mangyayari 'pag hindi ka susunod sa plano mo.'
*
(Now playing "Just The Way You Are" by Bruno Mars)
Pumwesto na si tito Lauro sa harap habang inaayos yung kanyang gitara. Ito pala yung sinasabi ni Aliane tungkol sa mga strings na binili ni tito para sa kanya at kay Jenna, haharanahin niya pala si tita Calissa. Nung naisip ko ulit 'yon, bigla naman akong kinabahan sa gagawin ko mamaya. Nanginginig ang mga kamay at paa ko tapos parang may umiikot sa tiyan ko. Pinagdaanan niyo rin 'yon diba?
Oh, her eyes, her eyes
Make the stars look like they're not shinin'
Her hair, her hair
Falls perfectly without her trying
She's so beautiful and I tell her everyday
Yeah, I know, I know
When I compliment her she won't believe me
And it's so, it's so
Sad to think that she don't see what I see
But every time she asks me, "Do I look okay?"
I say
Tumingin ako kay Jenna, nakikita ko sa mga mata niya yung lungkot. Bakit? Bakit parang tutulo yung kanyang luha?
When I see your face
There's not a thing that I would change
'Cause you're amazing
Just the way you are
BINABASA MO ANG
When I Remembered Him |VESAGLIMAN SERIES #1| (ON-GOING)
RomanceNagkaroon ng sunog sa isang supermarket sa Pampanga. Kilalanin si Jenna, isa siyang ulila sa kanyang mga magulang simula noong tumuntong siya ng high school. Napagdaan niya ang mga hirap sa buhay lalong-lalo na noong tinutukso siya palagi ng kanyang...