Chapter 23
JENNA'S Point of View
Jusko, ako? Mantsansing? As if! Siya nga 'tong bastos ehh! Hinalikan nga niya ako sa pisngi tapos ipinalibot pa yung kamay niya sa bewang ko! Pasalamat siya hindi ko siya masampal! "Hindi kita tsinangsingan! Bastos ka talaga! Ayaw mo kasing huminto ehh!" Sagot ko.
"Uyy.. why so defensive?" Sabi niya habang ngumingiti ng nakakaloko. Parang napaawang yung bibig ko sa sinabi niya. Anak ng tokwa naman, ako pa talaga yung defensive ahh!
"Gago ka talaga." 'Yon na lang ang nasabi ko at nagsimulang humakbang na papalayo sa kanya.
Naramdaman ko ang mga hakbang niya sa likod ko. "Relax! Biro lang! Ikaw naman, hindi ka mabiro.." Sabi niya saka itinaas ulit yung kanyang mga kamay na parang sumusuko.
"Pero alam mo.." Napatingin ako sa kanya, halatang nacu-curious sa sasabihin niya.
"Okay lang naman sa'kin kung tsansingan mo 'ko." Dugtong niya habang pinapagalaw yung kanyang kilay na ngumingiti pa rin ng nakakaloko. Parang pumunta lahat sa mukha ko yung kumukulong dugo na kanina ko pang pinapakalma.
Anak ng tokwa.. okay napipikon na ako ahh. "Gago!! Bastos ka talaga!" Napuno na ako at nanggigil na kaya nagulat na lang ako nung gumalaw yung aking kamay at diretsong napasuntok sa tiyan niya.
"Ahh! Sakit 'yun ahh!" Sabi niyang umuungol sa sakit. Buti nga sa kanya, kanina pa niya akong niloloko. Pero, bakit nandito pa rin ako?
"UGH! Nakakainis!" Reklamo ko habang humahakbang papalayo sa kanya.
"Huy, sandali! Hinahanap mo ba si kuya Jusenio?" Tawag niya. Okay, nakuha na niya yung atensiyon ko, dahilan para huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya.
"Oo, alam mo ba kung saan siya?" Tanong ko.
Tumango siya saka sumagot, "Nasa bar siya, halika na." Jusko, kalokohan. Ayoko nang bumalik dun sa bar noh! Baka kung anong manyakis pang madadaanan ko ulit dun. Parang ayoko nang pagkatiwalaan ang taong 'to.
"Ano ba talaga ang pinapatunayan mo?! Nagmamadali ako ngayon at wala akong oras makinig sa mga punyetang biro mo!" Sigaw ko sa kanya. Tuluyan nang tumulo ang aking mga luha sa mukha at pinagpatuloy ang paglalakad. Ayoko na siyang makita, nakakainis na.
Ni ako nga hindi rin maintindihan ang sarili ko.. siguro dahil 'to sa period ko. "Kailangan ko nang maibigay sa kanya 'to." Bulong ko sa sarili ko habang tinitignan ang maliit na kahon na nasa kamay ko. Gusto ko na lang umupo sa gilid ng dagat at tignan ang mga tala sa langit, sobrang pagod na akong humanap sa lalakeng 'yon.
Habang naglalakad ako, naramdaman ko ang paghawak ng malamig na bagay sa'king kamay. Nagulat ako sa lamig at bilis ng paghila ni Rydyer sa'kin papunta sa lugar na hindi ko alam. Nakaabot kami sa isang tulay, tulay na patungo sa gazebo kung saan may lalaking nakaupo. Hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko but at this time, I don't mind.
BINABASA MO ANG
When I Remembered Him |VESAGLIMAN SERIES #1| (ON-GOING)
RomanceNagkaroon ng sunog sa isang supermarket sa Pampanga. Kilalanin si Jenna, isa siyang ulila sa kanyang mga magulang simula noong tumuntong siya ng high school. Napagdaan niya ang mga hirap sa buhay lalong-lalo na noong tinutukso siya palagi ng kanyang...