Chapter Nine

44.3K 1K 31
                                    


Wyeth McNally -- my biggest frustration. I never thought that I'll ever see her again. At sa dami ng lugar sa mundo, dito pa sa Madrid. I never thought that I'll be able to embrace her again, to feel her skin against mine, I never thought that this thing will happen. Wyeth McNally is that one woman who got away...


Pero ngayon, nandito siya. At masaya ako.

"Good to know that you still remember me." nakangiting sabi niya pagkatapos niyang kumawala mula sa aming pagyayakapan. I was so happy to see her. Hindi ko talaga inaasahan na dito ko pa siya sa Madrid makikita. ang dami-daming lugar dito pa.... bigla tuloy akong napaisip.. baka pagkatapos nito, si Ian na ang makita ko.

"How are you?" marahang tanong ko. Pinisil ko ang kamay niya. Ngumiti siya saka iginiya ako sa bench. Sabay kaming naupo-------- hawak ko pa rin ang kanyang kamay.

"I'm good. What are you doing here. My God I missed you!" muli ay niyakap niya ako. I hugged her back. Masyado akong masaya, bigla ay nakalimutan ko kung bakit ako naroon at kung ano ang dapat kong gawin. I felt so happy, seeing Wyeth on Spain was like having an early Christmas gift from Santa.

Ngiti.. iyon lang ang naisagot ko sa tanong niyang iyon. Hindi ako makapagsalita. para akong na-star struck. Hindi ko rin maintindihan. Dati naman ay hindi ako ganoon sa kanya, pero bakit ngayon, tila wala akong maapuhap sabihin? bakit parang mailap ang mga salitang alam kong kailangan kong sabihin sa kanya?

"What? You're just gonna stare at me?" natatawang sabi niya. "Baka ma-in love ka na naman sa akin niyan..." tatawa-tawang biro niya. I just smiled. I held her hand... pagkatapos ay hinagkan ko iyon.

Wala talaga, bigla ay naumid ang dila ko. Nakalimutan ko na bilang tao ay may kakayahan pala akong mag-isip, magsalita at sumagot ng mga tanong.

"Hoy!" natawa ako. Ngumiti siya.

"Pasensya ka na. Nakalimutan kong magsalita." natatawa ako. umiling siya.

"Hanggang ngayon di ka pa rin nagbabago. So, kamusta ka na?" muling tanong niya.

"I'm good. I'm here for a vacation." pagsisinungaling ko. Sa tingin ko naman kasi ay hindi na kailangan malaman ni Wyeth ang tunay na dahilan ng pagpunta ko rito. Ma maigi na rin na hindi niya alam ang tungkol kay Ian.

"Talaga? Where are you staying?" namimilog ang mga mata niya.

"Vincci Capitol Hotel" muli ay ngumiti ako. Hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti. Wyeth is still very beautiful. mas gumanda pa nga siya ngayon kaysa noong huli ko siyang nakita.

"I'm staying at The Westin Palace. Malapit ka lang pala. How long have you been here?" tanong siya ng tanong, ako naman sumasagot, pero tuwing pagkatapos noon ay natitigilan ako. Hindi ko pa rin maintidihan kung bakit ganito ang nangyayari sa akin? Suguro ay dahil masaya akong makita si Wyeth.

Tama nga ang sabi-sabi, lahat ng EX, may naiiwang puwang sa puso, hindi man iyon espesyal, naiiwan pa rin ang markang iyon. At sa sitwasyon namin ni Wyeth McNally, hindi ko man siya nanging girlfriend noon, itinuturing ko siyang EX.... dahil minahal ko siya at nag-invest ako ng emotion sa kanya.

"I am really happy to see, James." Wyeth said in a very sincere tone. She even cupped my face and gave me a peck on my cheeks. Then after that she looked at me, intently. Para bang natitigilan siya, parang hindi siya makapaniwala...

"Aren't you gonna introduce me to your friend?" nagtatakang tanong niya. Kumunot naman ang noo ko, friend? Sinong friend? Bigla ay nakita ko sa aking isipan ang nakangiting mukha ni Irish. Natigilan ako. I almost forgot baout her. Nagpalinga-linga ako upang hanapin siya pero hindi ko siya nakita. Bigla akong tumayo.

"Where is she?" binalingan ko sio Wyeth McNally. "Hindi mo ba siya napansin?" nagkibit-balikat siya.

"I thought she was standing there." itunuro ni Wyeth ang direksyon na kanina nga ay kinatatayuan ni Irish. Wala na siya roon. Nagtatakang nagpalinga-linga ako.

"Nasaan si Irish?" nag-aalalang tanong ko. Nang bumaling ako kay Wyeth McNally ay nakatayo na siya.

"Maybe she went somewhere or baka nagka-emergency." lumapit siya sa akin at saka ipinalupot ang kamay niya sa braso ko.

"Ang mabuti pa, mag-coffee tayo. I'm sure yo're friend can take care of herself." nakangiting sabi niya, Magaan na magaan ang loob ko ngayong araw na ito, pero hindi ko naman maalis sa isip ko si Irish. I have to find her.

"I have to find Irish." mukha namang nadismaya si Wyeth sa sinabi ko. Napailing siya.

"Is it her first time here?" nagtatakang tanong niya.

"Hindi naman. Dito siya lumaki." napatango siya.

"I see, then I'm right. She can take care of herself. Ngayon mag-coffee na tayo."

"Pero..." bigla ay inilapat niya ang daliri niya sa labi ko.

"No buts, Ja-mes... Ngayon na lang tayo ulit nagkita, tapos uunahin mo pa siya? nakakapagtampo ka naman..." nakangusong sabi niya. Napabuntong hininga ako. I stared at Wyeth for a while. Then I looked back again to that spot where I last saw Irish.

I weighed my options.

Am I gonna look for Irish?

Or Am I gonna have coffee with Wyeth McNally -------- my biggest frustration?

She smiled at me...

"Ano let's go?" nakangiting tanong niya. Somehow, kahit parang gusto ko nga na hanapin si Irish, nanaig naman sa akin ang kagustuhan na makasama ang babaeng ito.

Maybe she's right, Irish can take care of herself...


_________

"Ice cream pa ulit, please.." nginitian ko si Kate, siya aang kaisa-isang pinoy na chambermaid na nagta-trabaho sa hotel ng step father ko. She was a kind, friendly woman. At siya lang ang nakakausap ko ng tagalog sa hotel na iyon.

"Tataba ka niyan, Patricia." nakangiting inabot niya sa akin ang hinihingi ko. Sabik na sabik na kinuha ko iyon mula sa kanya.

"Eh di magjo-jogging ako bukas." huminga ako ng malalim bago ko binuksan ang ice cream ko. Whenever I'm ad, upset or depressed, I eat ice cream. Ice cream is my comfort food.

"Ano bang problema mo?" kunot-noong tanong niya. Isa-isa niyang pinulot ang mga ice cream cups na pinagkainan ko na. "Dito ka pa sa hallway ng fifth floor nagkalat. Ayaw mo na ba sa penthouse? Magagalit si Mr. Gonzalo sa'yo..."

"Magalit siya, isusumbong ko siya kay Papa..." natatawang sabi ko. Nakita kong napailing si Kate sa akin. She sat beside me.

"Los C'mon me dicen qué se equivoca?" humalakhak ako. I stared at Sonia for a while, then I laughed again.

"Really? We've known each other for six years and now you wanna talk to me in Spanish?" nagkibit balikat lamang siya. I sighed.

"Is it about Robi?" muling tanong niya.

"No..." mahinang sagot ko. I looked at my strawberry ice cream. Hindi ako makapaniwala, I'm upset.. pero hindi dahil kay Robi. This was the first time I've ever been upset na hindi si Robi ang dahilan.

"But you know what's funny?" I looked at her. "There's this huge empty hole in my heart and I thought na si Robi lang ang makakapuno noon..." natahimik ako, isinubo ko ang kutsara.

"And? Hindi siya?" umiling ako. I thought about what I saw in the park earlier. Pakiramdam ko kanina may sore eyes ako. Lahat sa paningin ko, red... o baka naman dahil lang iyon sa red coat ni Wyeth McNally?

Wyeth McNally. Hindi ko talaga inaasahan na nag-e-exist pala ang babaeng iyon. Not that I'm being ignorant or something,. it's just that hindi kasi ako makapaniwala sa kwento ni Jaime tungkol sa babaeng minahal niya at minahal rin siya pero hindi naging sila, I know that James cares about Ali so much. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi nagawang ipagpalit ang pagkakaibigan nila ni Ali para lang sa babaeng iyon...

Pero.. may pagkakataon sila. They had a chance to be together. A chance to be happy, but they let it skip away.

Kung ako kasi ang tatanungin, kung magkakaroon lang ako ng pagkakataon na makasama si James sa ganoong paraan, hindi ko na hahayaang mawala iyon.

Ang swerte-swerte talaga ng babaeng mamahalin niya. I mean, I can see the way he cares about Ian. Mahal niya talaga ang babaeng iyon. Sino ba namang taong matino ang pag-iisip na susugod sa isang banyagang bansa at maghahanap ng taong ni hindi mo alam kung nasaan ------------ wala, si James lang at ang dahilan noon ay ang pagmamahal niya para kay Ian.

Napangiwi ako. Medyo masakit. Sa loob ng isang araw, dalawang beses akong nasampal ni James, iyong una, dahil kay Ian, at iyong pangalawa ay dahil kay Wyeth McNally.

He said that if ever Ian declines his love again, he'll end up falling in love with Wyeth again.

Noong una, naisip ko na imposible iyon, lalo na dahil hindi naman niya alam kung nasaan si Wyeth eh..

Pero nang makita ko kung paano nagliwanag ang mukha ni James ng yakapin siya ng Wyeth na iyon, naisip ko na hindi imposible ang mga pangyayaring sinabi niya.

It is possible that if Ian chose Robi, James will be miserable and yet he'll be in love with that McNally girl .

"Life sucks, you know." tumitig ako kay Kate.

"Matagal mo ng alam yan eh..." napangiti ako. napatango, pagkatapos ay sinubo ko muli ang kutsara sa bibig ko.

"Yeah.. especially if you're attracted to Mr. It's Complicated..." kumunot ang noo niya.

"Ano?" bahagya niya akong itinulak. Ngumuso naman ako.

"Wala..." binalingan ko ulit ang ice cream ko. Hindi ko maintindihan kung bakit sa bawat subo ko niyon ay mukha ni James ang nagpa-pop-out sa isipan ko. I sighed. Sana katulad ni James si Robi.... kahit man lang iyong sweetness ni Robi noon, mamana niya.

Pero malabong mangyari iyon. James is his own person. magkaiba sila ni Robi. At kahit kailan ay hindi niya magiging katulad si Robi...

Isa lang naman ang similarity nila, ang pagmamahal na parehas nila nararamdaman para kay Ian.

"Huy, day off mo bukas diba?" muli ay tinitigan ko si Kate.

"Oo, pero mag-we-waitress ako sa isang party sa Anonimatto"

"Party? Anong meron?" nagtatakang tanong ko.

"Rehearsal Dinner."

"Pwede sumama?" napangiti ako. A party, maybe iyon ang kailangan ko. A party do get my mind off of James.

"May invitation ka?" nakangising tanong niya. Napanguso ako. "Hoy! Magtatrabaho ako doon, hindi ako magppasarap!"

"Eh di magtatrabaho din ako..." pangunglit ko.

"Ikaw? Si Patricia Navarro? Daughter of the Luis de Naval del Mundo Santos... Magtatrabaho?" tila hindi makapaniwalang tanong niya. I hate it when people under-estimate my capacity. And I also hate it when poeple are being nice to me only because I'm my Stepfather's daughter.

Iyon rin ang dahilan kung bakit bilang ko sa aking kamay ang mga itinuturing kong kaibigan.

"Sige na, Kate..." hinawakan ko ang braso niya... "Lilibre kita ng Tapas.."

"Ihh! Ikaw lang naman ang mahilig sa Tapas sa ating dalawa." naiinis na sabi niya.

"Sige na..." tumayo siya. kunot na kunot ang noo. "Please?"

"Señorita Katarina! ¿Qué hace usted? ¡Se supone que usted está en el trabajo!" sabay pa kaming napangiwi ni Kate ng marinig namin ang tinig ni Señor Gonzalo. Siya ang maneger ang hotel ni Papa. Kate made a face, then she looked at me. I stood up and faced Señor Gonzalo.

"Es bien, Señor. Gonzalo. Le pedí colgar conmigo un rato." nakangiti ako.

"I see... but you know she has to go back to work, Madame..." I just smiled.

"Oo na babalik na sa trabaho. Abnormal toh..." biglang sabi ko.

"What did you say, ñora?" she asked me.

"I said. you look good. Now, let' go Kate, bago ko masapak yang negrong iyan." natatawang sabi ko. Habang naglalakad kami palayo mula kay Mr. Gonzalo ay siniko ko si Kate.

"Sasama na ako ha?" she looked at me.

"Oo na... basta iyong tapas ko." nagpatiuna na siyang maglakad. Tinungo ko naman ang elevator patungo sa penthouse.

Tahimik na naman ang mundo ko. Naiisip ko na naman si James. Ano na kaya ang ginagawa nila ng McNally girl na iyon?

Nakadama ako ng pagka-irita. Ngayon lang niya nakita ulit ang babaeng iyon pero noong yakapin siya nito, nakalimutan niya bigla na hinahanap namin si Ian. Bigla niya akong nakalimutan.

Bakit ba ganoon iyon? Hindi man lang niya ako nakitang nakatayo doon, nagmumukha na nga akong taanga. Akala ko nga may sine sa harapan ko.

Bwisit na James iyan!

"Nakooo! Kahit minsan si Robi hindi ako pinagpalit dahil sa yakap ng isang babae!" naiinis na sabi ko. Natigilan ako saka natawa. Hindi nga ako pinagpalit ni Robi sa yakap ng isang babae pero iniwan niya ako dahil sa isang babaeng pinangakuan niya ang habambuhay. And that sucks...

Mas gugustuhin ko pang ipagpalit ako sa yakap.... mas mababaw na dahilan pero bakit.....

Bakit parang...

MAS masakit?........

___________

Tulad ng sinabi ni Kate, reheasal dinner nga ang pinagpumilitan kong daluhan. And it was the most boring rehearsal dinner party that I've ever been. Batong-bato na ako, masakit na rin ang panga ko sa kakangiti sa mga taong hindi ko naman kilala.

Alam kong mukha akong tanga, pero ang naisip ko kasi, kailangan kong abalahain ang sarili ko para hindi ko maiisip si James at isang paraan na rin iyon para hindi ako maobliga na sumama sa kanya sa paghahanap kay Ian.

That morning, he called me. I was too pissed to answer his call so I just let the machine answered it. He said that he was worried about me. Kaya pala ni hindi man lang niya ako natawagan noong gabing iyon. Worried daw, ang sabihin niya, masyado siyang naging happy dahil nakasama niya ulit iyong McNally girl.

"Can I interest the lady for a drink?" a strager man asked me. I shook my head then left. Pang-walo na yata ang lalaking iyon ngayong gabi na nag-alok sa akin ng inumin. Tahasan ko naman silang tinatanggihan, unang-una dahil hindi ako interesado, pangalawa at pinakamahalaga, hindi ako nakikipag-date.

"Kaya pala kinilig ka ng sabihin ni James na date iyong kahapon...

Tila nanunukso ang maliit na tinig sa isipan ko. Ipinilig ko ang aking ulo. Ayokong isipin si James. Hindi ko siya iisipin dahil ayoko siyang isipin.

"This is James Maxcardo, my friend form way way back..." hindi man sinasadya ay narinig ng mga tainga ko iyon, bigla ay lumingon ako sa direksyon na pinanggalingan ng tinig. There, I saw the McNally girl weraing a red dress and the most irritating fact is, she's with James.

Bakit? Bakit sa dami ng party sa buong Madrid, Espanya ay dito ko pa sila makikita? Bakit sa tuwing iniiwasan mo ang tao saka mo siya nakikita? Bakit sa tuwing sinusubukan mong kalimutan ang taong iyon ay saka siya balik ng balik sa buhay mo?

Kinamayan ni James ang mga taong --------kung sinoman iyon----- nasa kanyang harapan.

"Glad to meet you, Sir." napangiwi ako. Hindi ko alam kung naramdaman niya ang tingin ko, pero tumingin siya sa aking direksyon, bahagyang kumunot ang noo niya. Agad naman akong natauhan at saka tumalikod na. Nakihalubilo ako sa mga taong nakatayo sa gitna ng silid na iyon, I headed for the door... mabilis ang paglalakad ko. Sana isipin ni James na namalik-mata lamang siya.

I took a deep breathe then I headed for the swing. Ngayon ko lang nalaman na may garden pala ang Anonimmatto. I settled on the swing. Tahimik na naupo ako roon, nag-iisip.

Am I really doing this to myself?

Am I really attracted to James?

Naiisip ko ang mga tanong na iyan ngayon, habang nakatitig ako sa kawalan. This feelings that I have for him, his effect on me, those shiver and electricity that runs down on my spine everytime he holds my hand...

I it just attraction?

O baka naman mas malalim pa roon?

Isang malalim na bagay na kahit alam ko ay ayokong pangalanan...

Dahil natatakot ako...

Natatakot ako dahil katulad lang din siya ni Robi...

Mahal niya rin si Ian...

At sa tingin ko, may feelings pa siya sa McNally girl na iyon.

What am I gonna do?

Am I again trapped in a love square?

My god... I don't wanna be trap...

"And I'd give up forever to touch you..."

Kumunot ang noo ko. Agad kong kinapa ang cellphone sa loob ng purse ko. Hindi naman iyon tumutunog. Pero saan nanggaling ang ringtone?

At kailan pa naging acoustic ang ringtone ko?

"You're the closest to heaven that I'll ever be and I don't wanna go home right now..."

I felt a sudden urge to turn my head around and looked for that person, yes, someone's singing my favorite song..

I slowly turn my head around. There, standing infront of me, holding a guitar, singing... looking at me...

"James?" nanginginig ang tinig ko. He smiled.

"And I don't want the world to see me...'Cause I don't think that they'd understand...When everything's made to be broken...
I just want you to know who I am...

Emotions swirled through me. Bakit niya ba ito ginagawa? bakit ngayon pa kung kailan nalilito ako? Bakit ngayon na sobrang daming tanong sa isipan ko na wala kahit sinong makakasagot?

"Stop..." mahinang sabi ko. He looked at me... then he sighed.

"Sorry for what happened yesterday.. I didn't mean to..." sinserong sabi niya. Muli ay umupo ako sa swing.

"Why are you doing this?" nagtatakang tanong ko. I need answers. He's here with Wyeth and yet he's singing to me. O baka naman nananaginip lang ako.

"Irish, alam ko galit ka." umiling ako. What gave him that idea?


"I'm not.. I'm just you know, disappointed." mahinang sabi ko.

"I know that.." lumapit siya sa akin. "And i'm sorry. I wanted to look for you, but then Wyeth said that you can take care of yourself." napatingin ako sa kanya. Okay now it's official. I don't like the McNally girl.

"T-tama naman siya eh..." napapangiwing sabi ko. Bigla siyang lumuhod sa harapan ko. "James!"

"What?" nanlalaki ang mga mata niya,

"Stand up, huwag kag lumuhod?!" naeesakndalong sabi ko. He just smiled.

"Did Robi ever kneeled infront of you?" biglang tanong niya,.

"No.." tila nabigla naman siya sa sagot ko.

"Paano siya nag-propose?" takang taka siya.

"We were at the car, driving to Andalusia, then out of nowhere he said, le'ts get married. Then he gave me the ring."

"That's it?" he asked me.

"Yeah.. ow! Then we kissed.." I sighed at the memory. Napangiti ako, pero agad naman akong natigilan ng makita kong titig na titig si James sa mga labi ko.

"James!" muli ko siyang sinigawan.

"Sorry, I can't help it." nakakalokong sabi niya.

"Bati na tayo, huwag ka ng magalit sa akin ha?" hinawakan niya ang kamay ko.

"Oo na." mahinang sagot ko. Ayun na naman ang maliit na kuryenteng dumadaloy sa katawan ko sa tuwing hinahawakan niya ako.

"Sasamahan mo na akong maghanap kay Ian bukas?" natigilan muli ako. Siempre... hahanapin pa rin naman si Ian.

"O-oo na..."

"Good. Now let's go inside. parang lalong lumalamig." tumayo na siya. James has a point, parang biglang lumamig. Hindi pangkaraniwan ang lamig na iyon...

"Halika na..." for a while there I thought he said, halikan na... Ifelt stupid.

I stood up. Bigla ay may naramdaman akong kung anong malamig na bagay na dumapo sa ilong ko.

"What the?" I looked up and I realized that it was snowing.

"Snow..." James said.. he was smiling at me. Kahit ako ay napangiti. Minsan lang umulan ng snow sa Madrid. At sa tuwing nangyayari iyon, pakiramdam ko, something special is bound to happen.

"Iyong last snow na naganap dito noong Januwary, 2009.. Isang linggo yata ang snow noon. Tapos ngayon na lang ulit."

"Anong ginagawa mo noong umulan ng snow?" Napatingin ako saglit sa kanya. Ano nga bang ginagawa ko noon.

"I was..." I paused for a while. "I was busy building my world around Robi.."

Iyon ang totoo...

"Tara na.. baka hinahanap ka na ng date mo." nilagpasan ko si James. I was planning to go back at the hotel and enjoy my cold snowy night inside my pent house holding a cup of hot chocolate ----- alone.

But then, I knew my plan is going to change the moment he caught arm

"W-what?" I asked him. he didn't say anything. He was just staring at me. I couldn't see his eyes, but I knew that he was looking at me... and just when I was about to say his name.... that was when it happened.

His lips landed on mine...

For the first time in my life I felt James' lips.

And for the first time in my entire life, i felt hundreds of emotions swirling through me...

I was right, tonight, something extra-ordinary will happen.....

Mr. It's Complicated (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon