Last night

6 0 0
                                    

Ericka Jane Alfaro's Pov:

"Ekaaaa! Bangon na 10 oclock na, mag sh-shopping pa tayo remember!?" napamulat ang aking mga mata dahil sa lakas ng pagkasigaw at pagyugyog sakin nitong bestfriend ko.

"5 minutes pa dommy" bulong ko sa kanya at akmang magtatakip ng unan ng bigla nya akong niyugyog, ulit. Damn, masakit ang ulo't katawan ko.

"Dali na, maliligo ka pa eh! Ang bagal-bagal mo pa namang kumilos!" hinila nya ako patayo sa kama at tinulak sa loob ng banyo at lumabas sa kwarto.

"Bilisan mo girl!" hiyaw pa nito at nagsimula na akong magtanggal ng saplot.

Ang sakit talaga ng ulo ko, hang over siguro dahil galing kaming bar kagabi, yeah naging party goer ako dahil kay dominique.

Pagtanggal ko ng underwear ko, may nakita akong kaunting dugo.

"eh, Meron ba 'ko? 15 palang, 27 pa ako magkakaroon ah?" kaunti lang naman pero dugo parin, di naman ako umiihi ng dugo kaya siguro napaaga ang mens ko.

Pinagmasdan ko ang aking sarili sa salaming nasa banyo, meron akong mahaba at tuwid na buhok, natural ito. Maayos ang kilay ko, hindi to inahitan dahil hindi ako marunong non. Medyo singkit ang aking mga mata, may maliit at pointed nose ako, manipis at kulay pulang mga labi, maliit lang ang aking mukha at hindi ako mapisngi. Maganda ang aking leeg, hindi to maiksi at hindi kahabaan, eto talaga yung number one asset ko, medyo payat ako pero mayroon akong malulusog na hinaharap. Maliit ang aking tyan, kabaliktaran naman ito ng aking bewang, 5'6 ang height ko, at may katamtamang kulay.

Binuksan ko na ang shower at hinayaang bumaba ang tubig sa aking katawan.

"eka matagal pa ba yan, mag-iisang oras kana dyan hello?" katok ni dominique bautista.

"nagbibihis na" sagot ko ngunit ang totoo'y palabas palang ako ng banyo.

Parehas kaming 21 years old, hanggang baba ng balikat nya ang buhok nyang wavy at natural na kulay kayumanggi, wala namang lahi itong kaibigan ko, tulad nya brown naman ang mga mata ko, maputi ito't talagang maganda mula ulo hanggang paa, chinita sya at may height na 5'5.

Magkasama kami sa iisang condo, actually meron din syang sariling condo pero matatakutin to, kaya lumipat sya dito ng walang permiso ko.

Binlower ko ang aking buhok at tsaka inipitan ng clip na may perlas na disenyo, nag dress ako ng kulay blue, offshoulder ito at pinaresan ko ng silver na sandals na may 3 inches na heels at naglipstick lang ako at face powder at heto tapos na.

Lumabas ako ng kwarto at pinuntahan si dommy sa salas na kung saan ay nanonood at nakacrossed legs, naka tube sya na hanggang taas ng tuhod, nang mapansin nya na nandito ako sa gilid nya ay pinatay nya ang tv at tumayo.

Dahil sa suot nya ay mas mapapansin mo ang pinagpala nyang hinaharap at ang maumbok nyang pwetan, nakabracelet ito at kwintas.

Hindi magpapahuli ang hikaw nyang mahaba at ang pak na pak nyang kilay, pilikmatang natural na mahahaba, Maputi sya kaya kahit walang blush on ay mapula parin ang kanyang pisngi.

Nakaheels din sya ngunit mas mataas ito kaya.

"Let's go" ani nito pagkatapos nyang isabit ang kanyang maliit na shoulder bag.

"Anong uunahin natin? Nailpolish, shopping or sine muna?" tanong nito habang palingalinga.

"kumain muna tayo, di pa ako nagbebreakfast at tanghali na" sagot ko.

"oh, oo nga pala sige san tayo kakain?"

Inginuso ko naman ang jollibee, nasa sm kami ngayon at nag c-crave ako sa sundae, fries at jolly spag.

Love At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon