Instant Fiancé

4 0 0
                                    

Ericka's POV:

Nang makarating kami sa unit ko ay dali-dali akong pumasok sa kwarto.

"Eka! Oy girl, may sakit kaba ha?" tanong ni dommy mula sa pinto ng kwarto ko.

"W-wala inaantok lang ako, kumatok ka nalang pag dinner na" sagot ko.

"Okay!"

Itinaas ko ang kumot ko mula sa brown kong bed sheet para ikumpirma kung totoo ba ang naaalala ko o hindi.

"Sana wala, oh god sana wala"

At nakita ko, nakita kong m-may mantsa. Oh my, oh noes! I'm just dreaming, it's just a nightmare! No, a-anong ginawa ko.

Napaupo ako sa sahig, nanlambot ako sa natuklasan ko.

Ilang taon kong iningatan yon tapos makukuha lang ng lalaking hindi ko kilala at ka-ano ano? Fuck damnit! Napasabunot ako sa sarili ko, nakakainis!

Pagkatapos kong sisihin ang aking sarili ay tinanggal ko ang bed sheet at pinalitan iyon, pati ang kumot at punda ng unan dahil ngayon ko lang napansin na nag amoy lalaki itong kwarto ko, akmang ilalabas ko na ang basurahan ko sa loob ng kwarto ng may napansin ako doon, t-tissue? Wipes lang ang meron ako dito, bat may tissue? Tinaas ko pa iyon at ew! Omg, sperm? S-speeeerm!!!! Inamoy ko pa! Nababaliw na ako! Pero bat ganon yung amoy? Zonrox? Ew.

Nawalan tuloy ako ng gana magtapon ng basura at sa halip ay nahiga nalang ako sa kama.

Inilapag ko sa gilid ang cellphone ko at ipinikit ang mata.

*knock knock/

Hmmm... -_0
0_-
o_o ano ba yan!

Tumayo ako sa kama at hinanap ko ang slippers ko, pagkatapos ay  pinagbuksan si dommy, dinner na ba bat parang ang bilis kong nakatulog, yaaaawn!

"bakit dommy ? dinner---" nanlaki ang mata ko ng hindi si dommy ang nakita ko, sya yung lalaki kanina, sya yung----

"AAAAAAAHHHHH!!!" hinampas hampas ko sya "BAT KA NANDITO PANO KA NAKAPASOK DITO!" sigaw na tanong ko sa kanya

Imbes na sagutin ako ay napalunok ito at napatingin sa dibdib ko.

0_0!!!!
Nakasando nga lang pala ako at wala akong bra!

Sa sobrang gulat at hiya ay itinulak ko sya at pinagsarhan ng pinto, anong ginagawa nya rito!

Oh my god, bat sya nandito. Sya yung nakaano sakin, oo natandaan ko ang itsura nya pero hindi lahat ng nangyari ay naalala ko.

Dali-dali akong lumabas at tsaka sya hinarap.

"Sino ka ba ha at bat ka naririto sa unit ko!" bungad kong tanong, kailangan kong magmatapang kasi baka nandito sya para iblockmail ako at sabihing umisa pa sya sakin, hindi ako makakapayag!

Bigla namang lumabas sa kusina si dommy at napatawa sakin.

"oy girl bat ka sumigaw kanina ha? Pinapasok ko na to sabi nya kase friend mo daw sya at letse ka bat pinagsabi mo passcode nitong unit mo, ganon ba kayo ka close" sabay irap nito at nilapag ang juice at pizza. Hindi lang close. Naging super duper close pa nga e.

"at tsaka bat ka naman lumabas ng ganyan, malamig ba? Bat nakakulong ka dyan sa kumot mo aber?" dagdag na tanong nito, tama lang naman ito at pinoprotektahan ko lang ang sarili ko sa mga mata ng lalaking ito!

Binalingan ko ng tingin tong si mr-who-the-hell-you-are, aba ang kapal feeling close, tumatawa?

"Anong tinatawa-tawa mo dyan?"

Umiling lang ito at ngumiti, hindi ko maitatangging gwapo ito makalaglag panty pero sorry sya at bago ang panty ko ngayon kaya hindi malalaglag!

"umupo ka nga muna eka" sabat ni dommy, sumunot naman ako at nag indian seat.

Love At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon