Prologo

85 4 26
                                    

"MAHAL mo 'ko? Fuck me, then."

Naguguluhang napatitig siya sa akin. "A-are you sure?"

"Sigurado 'ko. Fuck me and I'll ride you hard."

Napalunok siya ng laway. Ilang sandali na rin ang lumilipas at naiinip na ako. "Well?" taas-kilay na tanong ko.

Para siyang naestatwa sa kinatatayuan niya. Sa huli, tinawid niya ang distansya sa pagitan namin at nagsimulang angkinin ang mga labi ko. Sa una'y mabagal, pero naging mapusok ako. Sinasagot ko ang bawat kibot ng labi niya sa paraang mas magpapaalab pa ng sitwasyon. Parang anumang oras ay pareho na kaming bibigay sa nakaliliyong sensasyon.

Mukhang bata ito na nasisiyahan sa ginagawa ko. Gustong kumawala ng munting anas sa bibig ko, pero napigilan iyon ng ipasok niya ng dila niya sa loob nito. Parang sundalo ang dila niya na handang pulbusin ang kaaway—ang dila ko.

***

Mahal mo ba siya?

Hindi. Yata? Ewan. Baka. Siguro.

Mali ang tanong. Teka, babaguhin ko.

Mahal ka ba niya?

***

Gaano kahirap maging babae?

Sabi nila, kung babae ka, dapat ganito, dapat ganiyan. Dapat doon lang, hindi pwedeng dito. Dapat hindi ikaw ang papasok, dapat ikaw lang ang tatanggap. Dapat walang hirap, dapat puro lang sarap.

Puro kaewanan. Puro kaputahan.

Kapag babae ka kasi, bawal kang gumawa nang ganito o ganyan. Bawal kang magsabi ng mga salitang masakit at mabantot sa pandinig. Bawal kang kumilos nang magaslaw, dapat mahinhin ka raw.

Tingin ko, isang malaking kagaguhan iyan lalo na sa panahon ngayon. Dahil kung totoo iyan, e di sana, wala ng mga nagagahasa. E di sana, wala ng mga babaeng nagpuputa para kumita ng pera. E di sana, hindi na nanganganak ang populasyon ng mga babaeng mabababa ang lipad na ang tanging ikinabubuhay lamang ay ang pagbebenta ng kanilang mga sariwa't 'di na gaanong sariwang mga laman.

Ang pinaka-masaklap pa, mahigpit na ipinagbabawal ang panliligaw ng mga kababaihan. Dahil ayon sa ginintuang kredo, lalaki dapat ang unang nagsasabi't nagpapahayag ng kanilang mga nararamdaman, at diumano, sila rin daw dapat ang unang lalabasan.

Ows?

Parang 'di naman kapani-paniwala.

Sampu ng mga kakilala ko, nagbuhay-mongha dahil nabiktima ng tapeteng pag-ibig. Olats, dahil sila ang unang umamin. At nang walang mapala sa pagmamarunong, ayon nagbuhay-manang ang mga tinamaan ng magagaling.

Nakakatakot pala talagang umibig, ano? Mas marami ang tanong kaysa sagot. Mas maraming pangamba kaysa seguridad. Mas maraming bagay na walang kasiguraduhan kaysa mga bagay na alam mong tiyak at batid mo nang tuwiran.

Ang galing kong magsalita. Nakakasuka. Puta.

Ako si Arbie... at dito ay matutunghayan mo ang buhay pag-ibig, este magulong kwento ng buhay ko.

Iyon ay kung matatawag nga'ng buhay pag-ibig 'to. Punyeta.


-----X

Manigong Bagong Taon sa lahat!

Ang istoryang ito ay naisulat ko na noong 2013, pero binura ko rin dahil ang gulo ni Arbie. Nirevise ko ang plot ngayon at mas matitindi ang mga eksenang nandito. Sana.

Date started: 1st January 2020

Date finished: 

BerdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon