I

69 4 45
                                    


"When a man gives his opinion, he's a man. When a woman gives her opinion, she's a bitch."
Bette Davis

SIYA si Jarvis. Ang lalaking mula pa second year college ay kasa-kasama ko na. 'Di ko na matandaan kung paanong eksaktong nag-umpisa, pero nagising na lang ako isang araw ng buhay ko na nalilibugan na ako sa kanya. Matinding pagnanasa kung tutuosin, pero 'di ko naman kasi akalain na bigla na lang siyang magrerehistro sa radar ko. 'Di ko naman talaga tipo ang isang 'to. Huh! Kung 'di dahil sa sex appeal niya ay nunca na magustuhan ko 'to.

Tinitingnan ko lang ang gago habang nakangiting naglalakad. Mula sa malayo ay kitang-kita ko kung paanong malaglag ang panty ng mga babaeng nakakasalubong niya. Trust Jarvis to know how to make a woman swoon, trust Jarvis to know how to make a woman come.

Kasalukuyan akong nakatambay sa gazebo sa labas ng building namin. Nagpapalipas lang ako ng oras habang naghihintay sa susunod na klase, na siyang paborito ko. May kung ano sa Literary Criticism na nagtutulak sa akin para pakinggan ang bawat sasabihin ng propesor namin, kahit pa tigang na matandang dalaga ito.

"Lalim na naman ng iniisip mo." sabi niya sa akin. Umupo siya sa tapat ko at tinanggal ang headset na nakapasak sa tainga niya.

"Bored ako. Ang tagal mo." nakasimangot na tugon ko naman sa kanya.

Imbis na magpunta sa kung saan-saan, nakagawian ko nang magpalipas ng oras sa gazebo o kahit saang tahimik na lugar sa university. Minsan, kapag sinaniban kami ng masamang espiritu, pareho kaming magyayaya ng galaan at minsan pa, wala ng balikan.

"May problema ako." Taas-kilay na sambit nito, "Iniisip ko kung saan ideal makipag-sex doon sa bagong girlfriend ko."

As usual, typical Jarvis. Kapag tawag talaga ng kalibugan, mabilis pa sa alas kwarto ang isang 'to.

"Si Jen? 'Di ba, natira mo na 'yun? As far as I remember—"

"H'wag kang maingay. Ang alam pa naman dito, star student 'yun."

"Yeah, right. Malamang ay marami siyang nakitang stars habang nagrarambulan kayong dalawa sa kama." paismid na sagot ko.

Ilang babae na ba ang binutas niya? Ilang babae na ba ang tahasang dinala niya sa langit? Ah, punyeta. 'Di ko na yata mabilang. At 'di ko rin alam kung ano ang eksaktong dahilan at ganito ang asal ni Jarvis.

Ayon sa propesor namin sa Psychology, meron daw abandonment o posibleng intimacy issues ang isang lalaki o babae kapag nagresort ito sa unusual sexual activities tulad ng one night stands o affairs. Resulta ito ng paghahanap ng affection o care ng isang tao, na siyang 'di niya nakuha o naranasan sa mga taong dapat ay nagparanas nito. Nagreresurface ang mga bagay na ito dala ng unresolved issues ng isang bata sa magulang niya. Sa kaso ni Jarvis, mukhang sa tatay niya 'to nakuha.

Si Jarvis ang tipo ng lalaki na hindi nanliligaw. Magaling mambola ang hudas, at base sa kilos at sinasabi nito sa akin, mukhang legit namang magaling din ito sa kama. Landi rito, landi roon. Halik dito, yakap doon. Literal na pasok dito, labas doon. Iyan ang style niya.

Ang lalo ko pang hindi maintindihan ay ang reaksyon ng tinamaan ng magaling na 'to sa akin. Babae rin naman ako, pero mukhang 'di yata alam ng hudas na 'to na may mga butas din naman ako. Karamihan ng lalaki ay kulang na lang tumulo ang laway kapag nakikita ako, pero mukhang dito kay Jarvis, walang epekto ang boobs at puwet ko.

"Natameme ka na. Tigang ka, 'no?" pang-aasar nito sa akin.

"Gago. Iniisip ko lang kung nasaan na naman siya." Nagpakawala ako ng buntong-hininga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BerdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon