Chapter 40

7 0 0
                                    

Chapter 40 - Her POV

Yvette's POV

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko sa labas ng kwarto ko. Inilibot ko agad yung paningin ko hanggang sa nakita ko yung mga machines sa tabi ng kama ko. Don ko lang naramdaman na marami palang nakakabit sa katawan ko.

Gusto kong magsalita pero parang wala akong lakas para gawin yon.

Naalala ko na naman yung mga sinabi ni Kuya Asher sa akin kahapon kaya hindi ko na napigilang umiyak uli. Naramdaman kong kumirot yung puso ko at kasabay non yung pagtunog ng machine sa tabi ko.

Biglang bumukas yung pinto at dali-daling pumasok sina Mommy na alalang-alala.

"Yvette, baby, good thing you're now awake." Umiiyak na sabi ni Mommy at niyakap ako. Napatingin naman ako kay Daddy at nakitang umiiyak din siya.

Ngayon gulong-gulo na ako. Hindi ko alam kung paano kikilos sa harap nilang dalawa dahil hindi pa rin ako naliliwanagan.

"M-mommy." Kahit hirap na hirap ako ay pinilit kong magsalita.

"Yes, baby?" Hinawakan niya yung kamay ko habang nakatingin lang sa akin at inaabangan kung anong sasabihin ko.

"Siya po ba ang Daddy ko?" Naluluhang tanong ko. Nakita ko namang napapikit si Mommy at mas lalo pa siyang umiyak kaya naman kinabahan ako sa sasabihin niya.

Nakita ko namang lumapit si Daddy sa amin at hinawakan niya rin yung kamay ko.

"Yes, Yvette, I'm your Daddy." Naramdaman kong lumuwag yung pakiramdam ko dahil doon. Pero bumalik uli yung bigat nito nung maalala ko si Kuya Asher.

"A-anak po ba ako sa l-labas?"

Nagkatinginan naman silang dalawa at alam kong labag sa loob nila pero pinaliwanag nila yung buong pangyayari. Ingat na ingat silang magkwento dahil alam nilang hindi maganda ang kondisyon ko ngayon.

Nang matapos silang magkwento ay imbes na gumaan yung pakiramdam ko ay mas lalo lang itong bumigat. Naging maliwanag na ang lahat para sa akin.

Ibig sabihin ako yung dahilan ng lahat ng ito.

Tama nga si Kuya Asher. Ako naman talaga yung dapat na anak sa labas. Napatingin ako kay Daddy at nakita ko yung pagod at sakit na nararamdaman niya.

Kasalanan ko lahat ng ito. Kasalanan ko kung bakit nahiwalay si Daddy sa totoo niyang pamilya.

Hindi na muna nagsalita ulit sina Mommy at hinayaan na lang muna nila ako makapagpahinga.

Ilang araw din ako lumipas at nandito pa rin ako sa hospital dahil sabi ni Mommy kailangan pa raw akong alagaan ng mga doctor.

At sa mga nakalipas na araw ay hindi ko maiwasang magisip-isip.

Sabi nga nila i'm too matured for my age. Para raw akong matanda kung magisip minsan. Kaya naman naiintindihan ko na kung anong nangyayari ngayon sa paligid ko.

Napatingin ako sa pintuan nung bumakas yon at pumasok si Mommy.Nakangiti siya pero kita ko rin yung lungkot at pagod sa mga mata niya. Sumunod naman sa kanya ay pumasok na rin si Daddy. Galing kasi sila sa pakikipag-usap sa doctor kaya naiwan ako mag-isa.

Pumwesto silang dalawa sa may tabi ko hinawakan agad ni Mommy yung kamay ko. Pakiramdam ko alam ko na kung anong sasabihin nila.

"Baby, you have to listen to me, okay." Naluluhang sabi niya. "We need to go back to Canada now to continue your medication. You will be needing to undergo a surgery." Nahihirapan na siya pero pilit niyang nilalakasan yung loob niya. "Sandali lang naman yon, baby. Tapos after non wala na. Check up na lang yung gagawin natin kasi pagkatapos non magaling ka na."

Dearest AngelWhere stories live. Discover now