XIV

9.9K 306 145
                                    

Io Justice Zendejas

December 29, 2018, 9:21 a.m.

Hey, I remember
May video ka ba ni Jet the other night?

Alin?
Yung umiiyak o yung kumakanta? Haha

Wth!
Don't tell me you have both?

Syempre naman ako pa?

Did you let him see that?

Oo
Dahil mabait akong tropa, ginawan ko pa siya ng slideshow. 😌

What did he say?

Ayun, muntik lang naman ako sapakin
Tapos namanata siyang di na iinom at maglalasing
Kala naman niya matutupad niya yun sus 🤣

Ang sama mo hahaha

Mas masama ka pinaiyak mo siya
Susumbong na talaga kita eh

Wow, bakit ako?
Kung hindi naman niya ako pinagpalit dun sa volleyball player dati maayos sana kami ngayon
Crush na crush ko pa naman siya before :(

Oo na kasalanan na uli niya
Pero ngayon ba di mo na crush?

You Jet will always be Jet
Nabawasan lang crush points niya sa akin nung pinagpalit niya ako

Himala hindi ubos?

Okay I'm going to ask you something really corny

Sige ano yan?

How do you "unlove" someone?
Once you learn to love them with all your heart, how do you teach yourself not to recognize those feelings anymore? Yung investment din ng time, trust, faithfulness, and loyalty, how do you let go of those things? Kasi sabi nila time heals. Well, it's been a year. And considering our distance, I should've moved on easily. But I didn't. I kept on wondering what's wrong with me. Ako na yung niloko tapos sinaktan, pero may part pa rin sa akin na gusto ko siya. And I'm so ashamed of myself for feeling this despite him cheating on me. It's so stupid.

Wait, teka
Yung utak ko loading haha

I swear, Zendejas...
Kapag hindi mo ako binigyan ng matinong sagot forfeited lahat ng pasalubong mo sa akin

Hala grabe siya :(
Wait nga lang nag-iisip pa ako

Sige I'll wait for you

9:42 a.m.

As an ispiring inhinyero (wow engr) naniniwala ako sa kasabihang...

Zendejas, sinasabi ko talaga sayo! 😡

Chill! Ganito kasi yan haha
Let's base it sa thermodynamics para mas maganda

Pasasakitin mo ba ulo ko sa umaga?
Quarter to 10 pa lang dito ha

Bahala ka, sabi mo matinong sagot eh

Okay fine!
Continue na

Sige ganito
Sa thermodynamics kasi may reversible process at may irreversible process na tinatawag. Ang sabi nila mas ideal daw ang reversible process.

What are you trying to imply?

Ang sabi sa lecture, reversible process never occurs pero para sa kanila yun ang ideal. Pero ang irreversible process ay tinatawag na natural process. Mas nag o-occur siya sa surrounding at sa system. Kumbaga, idealism vs realism.

So, what you're trying to say is my feelings are irreversible? I can't "unlove" him?

Oo, hindi.
Kasi kapag may bagay kang natutunan, hindi mo naman nalilimutan yun
Unless may mag didisprove doon sa natutunan mo
In that case, yun nga yung panloloko niya sayo

Pero bakit ganun?
Why do I still feel these things?

Gradual process naman kasi ang lahat, Canary.
Yung value naman ng feelings mo sa kanya ngayon, hindi na katulad ng dati.

Well... I guess that part is true
I don't love him like before

Diba? Cut yourself some slack
Wag kang mainip sa sarili mo
Wag mong pilitin
You're healing, hindi naka depende sa kahit ano kung gaano ka katagal maghihilom. Sarili mo lang ang makakapagdikta niyan. Take it easy

Nagtataka kasi talaga ako
Bakit yung ibang tao kapag galit na, galit talaga? They're not wavering like I do.
But maybe you're right

Wag kang kakapit sa galit, Canary
Hindi para kay Jet, pero para sayo
Mapapagod ka lang kung magagalit ka
Pero hindi ko naman sinasabing patawarin mo siya sa ginawa niya. Basta ilayo mo lang sarili mo sa pakiramdam na yun. Nakakapagod kasi, ikaw lang din magdudusa sa huli kung parati kang magagalit

I know, I get what you mean 😔
Thanks, Justice

Welcome!
Di na forfeited mga pasalubong ko ha?
Hehe 🤣

Oo na!

Aureate KissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon