CXLIV

7.8K 342 527
                                    

Dominic Paul Ynares

July 6, 2019, 8:35 p.m.

I'm just really curious why
For sure naman there are other girls who like(s) you too
And perhaps they're all better than me

Siguro nga may mas higit sayo
Siguro rin may ibang nagkakagusto sa akin

Right?
Kaya bakit hindi na lang sila?
That was nine years... paano kung nag-aaksaya ka lang pala ng panahon mo sa akin? What if the right person for you already came? Tapos hindi mo siya na-meet dahil sa akin?

Ano ngayon? Hindi naman sila ikaw
Hindi ako interesado

Pero bakit nga ako?

Marami akong puwedeng sabihin
Kaso baka isipin mo nang-uuto lang ako

Go ahead paul
I'll listen

Naalala mo ba nung second quarter nung grade 8 tayo?

Not really pero refresh mo ako please
Baka maalala ko

PE yun, tapos 3 days akong absent dahil nagkasakit ako
May practical exam tayo na by group
Salsa pa nga ata sayaw natin nun eh

Oh yes!
I remember na, partner tayo dun diba?

Oo, ang tiyaga mong turuan ako nun
Kahit pwede naman akong magpa-excuse kay Ma'am
Kaso sabi mo mas maigi na sumayaw ng kasama kayo
Kaysa mag-isa lang ako sa special exam niya

Hahahaha!
But honestly, kung hindi kita kinulit, ready ka sumayaw mag-isa?

Syempre hindi
Pasalamat talaga ako kinulit mo ako nun

That was so long ago
Tandang tanda mo pa?

Paano ko makakalimutan?

Right...

Yun din yung unang araw na binigyan kita ng candy

The strawberry candies?

Oo, pang thank you haha
Nasa canteen kasi ako nun tapos nakita ko strawberry
Naalala ko kasi na may ballpen ka na strawberry yung print
Tapos may isang notebook ka rin na strawberry yung cover kaya naalala kita dun. Bumili ako para sayo
Iaabot ko sana yun kaso pagpasok ko sa room, wala ka pa kaya nilagay ko na lang sa desk mo

Yes 🥺
Akala ko nga nun baka sa iba pala
Nakipatong lang sa desk ko

Oo natatawa nga ako pinamimigay mo pa eh

Bawal kasi ako sa candy
Pinagagalitan ako ni mama kaya medyo takot ako nun
Pinamimigay ko :(

Ayos lang
Kinain mo pa rin naman

Kasi curious ako!
Kaya nung natikman ko yung isa, di ko na pinamigay yung iba kahit himihingi si Zendejas sa akin nun

Ang cute mong panoorin nun
Tuwang tuwa ka dun sa candy kahit candy lang naman yun, piso lang sa canteen

Kasi nga pinagbabawalan ako sa candy
Baka raw masira ngipin ko tapos hanap-hanapin ko yung matamis. Pero thank you ha?
I really liked that candy

Alam ko naman
Napansin ko ngang inaabangan mo yun parati kaya binibigyan talaga kita haha

That was the only candy I have ever eaten, I'm not kidding
Even now. Pwede naman na akong kumain na hindi pinagagalitan kaso tumatak sa akin yung sermon before ni mommy kaya nasanay ako na wag na lang. Except for your strawberry candy. My favorite 🥺
Thank you

You're welcome

Pero lumayo na tayo sa usapan
You... liked me back then?

Hindi agad
Nauna akong matuwa sayo
Ang bilis mo kasing ngumiti

Yun lang?

Hindi pa ako tapos haha

Sorry! 😹

Pero simula nun naging magkaibigan tayo
Kami na parati mong kasama ni justice
Tapos tuwing nahihirapan ka sa math, samin ka rin lumalapit para magpaturo kahit wala rin akong alam

Walang alam?
But you were so good at it!
Pareho kayo ni justice!

Akala mo lang yun
Inaaral ko kasi talaga para kapag magtatanong ka, may maituturo ako tapos di ka na lalapit sa iba. Tapos para sa susunod na may hindi ka ulit alam, sa akin ka ulit lalapit

PAUL!!!

Totoo yun
Siguro dun din ako natuto kaya naging madali sakin yung subject, pero yun yung dahilan

And I'm proud
I have two future engineers 🥺

Hindi
Ako lang

Ha?
Diba si justice din?

Oo
Pero gusto ko ako lang

What 😹
Hahahahaha

8:46 p.m.

Canary

Hmm?

Ngayong alam mo na, sana hindi mo ako iwasan
O palayuin

Why would I do that?

Naisip ko lang
Baka kasi ayaw mo pala

Why would you think that way :(
Iiwas naman ako agad kapag ayaw ko

Ganun ba? Hahaha
Thank you kinakausap mo pa rin ako

Paul...
Didn't it occur to you that I'm giving us a chance?

Aureate KissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon