Chapter III: Nightmare
Elise's POV
Pansin ko wala na yung wedding gown sa kama ko.
Umiling iling ako, at inisip ko nalang na kinuha siguro ni mama yung gown at linagay nya sa kwarto nila papa.
Ng nakapag linis-linis na ko ng katawan, humiga na ako sa kama ko at isinara ang ilaw ng lampshade na katabi ko. Pinikit ko ang aking mga mata at natulog.
{Guys yung mga sinaunang tao na tumira sa linipatan ng pamilya ni Elise ay mga Koreans, pero don't worry tratranslate ko naman :)))}
"Ani! Dangsin-eun igeos-eul hal su eobseubnida!"
[Translation: "No! You can't do this!"]Nagising ako dahil sa lakas ng pananalita ng aking naririnig... Teka? Nasaan ako? Iba itong kwarto ng aking tinutulugan?
"Dangsin-eun! Geugeos-e daehae amugeosdo hal su eobs-seubnida! Geuge nae seontaeg iya!"
[Translation: "you can't do anything about it! It's my choice!"]Boses naman ng lalaki ang aking naririnig, mabilis akong bumangon at dahan-dahan na bumaba sa hagdan, at hanggang sa nakita ko yung dalawang tao na nagsasagutan.
Lalaki at babae na halata kakagaling sa kasal, teka? Yung gown na suot ng babae.. Yan ang gown na nakita ko na nawala sa kama ko ah, tyaka yung mga mata nila'y singkit. Muka silang may lahi.
"Geuleona naneun dangsin eul salanghabnida!"
[Translation: "but I love you!"]Sigaw ng babae sa lalaki na mukang iritable na, at iniwasan nya ng tingin yung babae. Hindi ko sila naiintindihan dahil iba ang kanilang lengguahe, pero mukang maghihiwalay ata sila.
"Neoui nawi yuilhan seontaeg."
[Translation: "Your just my second choice."]Matapos bitawan ang mga huling salitang iyon, lumuhod yung babae at patuloy na umiyak, at dahan-dahan sya lumingon sakin na ikina-atras ko,
Dugo..
Dugo ang lumalabas na nag sisilbing luha sa kanyang mga mata.
Bigla sya sumigaw at dun ako nagising.
Mabilis ako napaupo sa ikinahihiga ko, lumingon-lingon ako at nasa sariling kwarto na ako.
Panaginip lang pala... Ramdam ko rin ang pawis na tumutulo sa aking noo pababa sa aking leeg dahil sa takot na dala ng aking panaginip.
A nightmare...
Tumayo ako at lumabas ng kwarto para kumuha ng tubig sa kusina.
Ng nasa kusina na ako, binuksan ko ang ilaw at kumuha ng baso at malamig na tubig galing sa refrigerator.
The silence... It's so loud.
Ang naririnig ko lamang ang mga lagok na ginagawa ng aking lalamunan galing sa pag-inom ng tubig.
Ng matapos na ko, ibabalik ko na sana yung baso ko, pero may nakita akong damit na puti na mahaba ng hindi medyo kalayuan sa dilim.
"S-Sino ka?", nauutal kong tanong.
Pa-ika ika naglalakad ito papunta sa liwanag...
Ang wedding gown na ngayon duguan.
Nahulog ko yung baso na hawak ko, dahilan ng pagkabasag nito, at ramdam ko ang pagtaas ng aking balahibo.
Mabilis na tumakbo ako at hinabol naman ako ng gown na pa-ika ika naman na tumatakbo para habulin ako.
Ng nasa may hagdan na ko, nakikita ko parin sya sa dilim na tumatakbo papunta sa akin.
Mabilis naman ako umakyat kahit na hingal na hingal na ako.
Nananaginip nanaman ba ako!? Elise! Gumising ka!
Nadapa ako bigla ng makaabot na ako sa itaas dahil may naka-bunggo ako.
"Anak? Alastres palang ng umaga... Bakit gising kana?", tanong sa akin ni mama at lumingon ako sa baba kung nandun parin yung gown pero... Wala na.
Am I halucinating?
"At bakit pawis na pawis ka? At hinihingal ka pa.", dagdag ni mama at tumayo naman ako.
"M-May ipis po kasi, at hinabol po ako.", pagsisinungaling ko.
"Ah eh.. Bakit nasa baba ka?", tanong nya pa.
"Nauuhaw po kasi ako ng magising ako, kaya bumaba po ako para uminom ng tubig.", sagot ko at inayos ni mama ang buhok ko.
"Oh sya, sya. Sige na bumalik ka na sa kwarto mo at matulog kana ulit.", utos nya sakin at tumango nalang ako kahit ayoko naman talaga bumalik sa pag tulog.
Minumulto ba ko? Ano ba nangyayari? Simula nung lumipat na kami dito.
BINABASA MO ANG
Yug Street
HorrorYug Street, "Yug" ay isang numero, at yun ay number six(6). Maraming naniniwala na ang numero anim ay numero ng demonyo. Si Elise Travers at ang kanyang pamilya ay lumipat ng bahay at yun ay sa Yug Street, sa street na iyon iisa lang ang bahay at yu...