Chapter II: Pakiramdam
Elise's POV
Sino ba ito? Sya ba may ari ng gown?
"Elise!"
Nahulog ko yung litrato sa gulat at nilingon yung tao na nanggulat sakin, si Bianca lang pala na nakangiti ng nakakaloko dahil natuwa sya sa panggugulat sakin.
"Ano ba? Kahit kelan ka talaga!", sigaw ko sakanya at pumalakpak pa sya sa kalokohan nya, tss this girl talaga.
"Hahaha! Ano ba kasi pinaggagawa mo? Kanina pa kami nakadating ni Dad.", sabi nya sakin at habang ako pinulot yung litrato ng babae kanina na nahulog ko.
"Nag aayos kasi ako ng mga gamit."
"Nag aayos daw, eh wala ka pa nga nasisimulan. Ano ba yan? Patingin nga ako nyan."
Sa puntong yon kinuha sakin ni Bianca yung litrato ng babae at nakita ko sa mukha nya ang pag babago ng expresyon nito.
"Bakit nagkaganyan mukha mo? Kilala mo ba sya?", tanong ko sakanya at liningon nya ko.
"San mo nakuha ito?", tanong nya saakin. Teka? Bakit linagpasan nya ata yung tanong ko sakanya?
"Dyan, sa loob ng kabinet kasama yung wedding gown na ito. Pagkakuha ko kasi ng gown na ito nahulog yang litrato na iyan.", pagpapaliwanag ko at mas lalo nag bago yung expresyon ng mukha nya. Parang may alam ata sya na hindi ko alam.
"Ahh.. Okay.", sabi nya at binalik sakin yung litrato at kinuha ko naman.
"May-", naputol ko yung sasabihin ko kasi bigla dumating si Tito Alastar, ang tatay ni Bianca.
"Oh girls.. Ano pa ginagawa nyo dyan? Tara na at magsisimula na yung hapunan.", sabi ni Tito Alastar at lumapit naman si Bianca sakanya.
"Tara na EL.", sabi sakin ni Bianca na may matamis na ngiti.
"Susunod ako.", sabi ko at sa puntong yon bumaba na sila pareho.
Habang ako nag iisip kung bakit ganon ang pagbabago ng expresyon ng mukha ni Bianca, kilala nya ba yung babae na nasa litratong ito?
Umiling-iling ako at nilagay ang litrato sa loob ng drawer, pagkatapos non binaba ko muna yung wedding gown sa kama na hawak-hawak ko kanina pa nung nag uusap kami ni Bianca.
Pagkatapos ko mag ayos bumaba na rin ako ng hagdan para sa hapunan.
"Sa ngalan ng Ama,Anak at Espirito Santo, Amen. Panginoon.. Salamat para sa panibagong grasya na naka-handa sa lamesa at salamat rin sa araw-araw rin na biyaya na binibigay nyo po saamin. Protektahan nyo rin po ang isa sa amin, sa ngalan ni Hesus... Amen."
Pagkatapos mag dasal ni Mama lahat kami naglagay ng kanin at ulam sa aming plato.
"Oh Alastar, kamusta ka naman at ng iyong pamilya?", pagbabasag ng katahimikan ni Papa.
"Ayos naman, tyaka ganon parin.. Actually na promote nga ako sa pinagtra-trabahunan ko.", sagot naman ni Tito Alastar na may halong tuwa.
"Oh!, dapat pala nag celebrate tayo! Congrats!", sabi ni Papa kay Tito Alastar at ganun din kami nila Mama.
"Salamat salamat."
"Oo nga pala, bakit hindi nyo kasama si Lola Ophelia?", tanong ni Mama at nagkatinginan ang mag ama.
"Ah.. May sakit po kasi sya Tita eh.", sagot ni Bianca kay Mama.
"Ah ganon ba?.. Sige pagbalot nyo nalang sya ng pagkain mamaya ha? Bago kayo umalis.", sabi ni Mama kay Bianca.
"Opo Tita salamat po.", sagot naman nya kay Mama.
Habang nag uusap sila, merong isang kakaibang hugis ang kumuha ng atensyon ko.
Tao sya...
Babae...
Nakasilip sa bintana sa hindi kalayuan...
"Oh Elise at Luuk, bakit ang tahimik nyo?", tanong ni Tito Alastar sa amin na ikinatawa namin ni Luuk ng konti.
"Saan na ba kayo mag aaral?", tanong naman ni Tito Alastar.
"Sa Oakwood Academy po.", sagot ko naman.
"Tamang tama pala dun din mag aaral si Bianca.", nakangiting sabi ni Tito Alastar.
Nagkatinginan kami ni Bianca at ngumiti sa isa't-isa at nagka-apiran pa kami at tumawa.
"Aral na aral na nga po ako Tito eh.. Makakakita nanaman ako ng chix.", sa puntong nasabi iyon ni Luuk nabatukan sya ni Mama at nagtawanan naman kaming lahat.
Pero nilingon ko ulit yung hugis babae na nakita ko kanina pero wala na sya doon.
Mga ilang oras na din at napag-pasyahan na ni Tito Alastar na umuwi dahil malalim na ang gabi at lahat kami nagpaalam sa isa't-isa.
Habang kami naman ni Bianca nagyakapan pero meron syang ibinulong sa aking tenga.
"EL... Mag iingat ka.", bulong nya saakin at sabay kaming kumalas sa pagyayakap. Pero bakit parang iba ang dating sakin nun?
"Mag ingat ka rin at ng iyong Ama sa pag uwi.", sabi ko at nginitian namin ang isa't-isa.
"Anak tara na.", sabi ni Tito Alastar na naka-ngiti din sakin.
Ng maka-uwi na sila lahat kami nag ayos para matulog.
Pagka-akyat ko sa kwarto ko at pagka-bukas ko ng pintuan...
Pansin ko wala na yung wedding gown sa kama ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/204626695-288-k994889.jpg)
BINABASA MO ANG
Yug Street
رعبYug Street, "Yug" ay isang numero, at yun ay number six(6). Maraming naniniwala na ang numero anim ay numero ng demonyo. Si Elise Travers at ang kanyang pamilya ay lumipat ng bahay at yun ay sa Yug Street, sa street na iyon iisa lang ang bahay at yu...