Chapter I: New HomeElise's POV
Ako si Elise Travers, 17 at ang panganay sa pamilya. Isa lang naman ang kapatid ko na lalaki si Luuk.
Ang aking pamilya na si Hanson at Alene Travers na parehong business manager sa isang kompanya, oo mayaman, pero hindi naman mahalaga sakin ang pera. Ang mahalaga buo kami,nagtutulungan at nagmamahalan, ganun din sila mama,papa at si Luuk.
"Excited na ba kayo?", masiglang tanong ni papa habang nag da-drive. Lilipat na kasi kami sa panibagong bahay, dahil malapit daw dito ang Academy na papasukan namin ni Luuk para mag aral.
"Pa... Malapit na ba tayo? Nangangalay na po ako dito sa pag-uupo e.", sabi ni Luuk na hindi na makapag-hintay.
"Anak mag hintay ka.. Oo malapit na tayo.", sabi ni mama na nasa passenger's seat.
"Oo nga pala anak, si Bianca ang iyong bestfriend malapit lang sila sa lilipatan natin na bahay, dadalaw daw sya kasama ang kanyang ama mamaya para sa hapunan.", sabi ni mama at napatingin ako sa cellphone ko na tumunog dahil sa isang text message.
["EL mamayang hapunan nandyan kami ni dad"]~Bianca.
"Okay po ma, sabi nya rin sakin sa text nya.", sagot ko kay Mama na ngumiti nalang saakin.
Mga ilang minuto lumiko ang sasakyan at pumasok sa isang village, nandito na siguro kami.
Maya-maya puro mga puno nalang ang nakikita ko, bakit wala ng bahay?
"Hanson... Sigurado ka ba na dito ang daan? Mukhang naliligaw na ata tayo.", sabi ni Mama kay Papa na muka naman kampante at alam kung saan nya dinadaan ang sasakyan.
"Alene.. Kumalma ka, oo alam ko dito yon. Hanapin nalang daw natin ang street sign na nakalagay 'Yug Street'.", sabi ni Papa kay Mama at tumango tango nalang siya kay Papa.
Yug Street? Parang bago at kakaiba naman ang tawag nila sa street na iyon.
"Pa! Ayun oh! May street sign.", sabi ni Luuk kay Papa at tama nga sya, merong street sign na nakalagay 'Yug Street'.
Lumiko kami dun at isa lang ang bahay na nakita namin at wala ng iba kundi ang malaking bahay lang at ang malalim at madilim na gubat sa likod nito. Kakaiba...
Bumaba kami lahat at nagtulung-tulungan mag hakot ng mga gamit.
Pag punta ko sa likod ng aming kotse para buksan ang likod nito at kunin ang mga gamit, may nakita akong matandang babae sa hindi kalayuan. Bakit nya ko tinitignan na para bang may hindi mangyayaring maganda?
"Anak."
Napa-atras ako sa gulat at buti nalang nahawakan ako ni Papa.
"Okay ka lang ba?", tanong sakin ni Papa at tumingin ako sa direksyon kung saan ko nakita yung matandang babae pero wala na sya doon.
Tumingin ulit ako kay Papa at pumilit na ngumiti, "opo pa, nahilo lang."
"Oh.. Kaya mo pa ba tumulong?", tanong sakin ni Papa na may halong pag-aalala.
"Opo." Sagot ko at ngumiti nalang sakin si Papa.
Hindi ko alam kung guni-guni ko lang yon pero hindi eh... Mukha syang totoo, sino ba sya? Bakit nya kami tinitignan?
Nag buhat na kami lahat ng gamit at dumiretso sa bahay, padilim na rin ang gabi.
Kinuha ni Mama yung susi ng bahay sa kanyang bulsa at habang ako pinag-mamasdan yung mga puno na matatangkad na hinahangin, bakit parang hindi maganda ang aking kutob nung lumipat kami dito.
"Welcome home!", masiglang sabi ni Mama at binuksan ang pinto ng bahay.
Pagbukas ng pinto, kita sa loob ang lawak at ang ganda, tyaka ang linis na din.
Pumasok na kami lahat pero habang ako nag lalakad papasok, malamig na hangin ang bumalot sa aking buong katawan, nanginig ako ng konti at nakaramdam ng hindi paggiging komportable, namamahay lang siguro ako.
Pagkatapos namin ayusin lahat ng gamit pumunta kami ni Luuk sa mga kwarto namin sa itaas.
"Ate... Hindi ka ba nakakaramdam ng kahit ano na kakaiba?", tanong ni Luuk sakin habang pa-akyat na kami ng hagdanan.
"Huh? Anong ibig mong sabihin?", tanong ko kay Luuk na hindi makatingin sakin ng maayos.
"Wala, wala."
"Hay nako Luuk, namamahay ka lang siguro. Sige na mag ayos kana sa kwarto mo at may mga bisita pa tayo mamaya.", sabi ko kay Luuk na tumango-tango nalang.
Pumasok na ko sa kwarto ko at inilapag ang gamit ko para sa kwarto ko.
Umupo muna ako sa kama ko at ang sakit na ng likod ko.
"Elise.."
Bigla ako lumingon sa aking likod dahil sa malamig na pagbanggit ng aking pangalan, pero wala naman ako nakita kundi ang kurtina na hinahangin lamang.
Tumayo ako at umiling-iling, namamahay lang talaga ako.
Sinarado ko yung bintana dahil sa kurtina na hinahangin.
Pagkatapos nun, tinignan ko ang aking kabinet at binuksan ito. Pagka-bukas ko, may nakita akong isang wedding gown. Bakit naiwan ito? Kanino ba ito?
Kinuha ko ang gown at sa puntong yon may nahulog na isang litrato.
Pinulot ko ito at isang babae ang nakita ko, singkit sya at maganda, muka syang may lahing Koreana. Tyaka muka ng luma dahil naka black and white pa ito.
Sino ba ito? Sya ba may ari ng gown?

BINABASA MO ANG
Yug Street
TerrorYug Street, "Yug" ay isang numero, at yun ay number six(6). Maraming naniniwala na ang numero anim ay numero ng demonyo. Si Elise Travers at ang kanyang pamilya ay lumipat ng bahay at yun ay sa Yug Street, sa street na iyon iisa lang ang bahay at yu...