PROLOGUE

10 2 0
                                    


"Habang buhay kayo titira dito!", sigaw sakin ng demonyo na may halong tawa na alam mo na punong-puno ng kadiliman.

Nanghihina na ako at hindi na ako maka-hinga ng maayos dahil sa kapal ng usok na dinadala ng apoy sa loob ng bahay.

"Elise!" Sigaw sakin ni Levi na naka higa sa lapag at may tama ng saksak sa kanyang gilid.

"Alalahanin mo yung pangalan na nakasulat sa patay na puno sa gubat!", dagdag ni Levi na umuubo dahil sa usok at sa sakit ng kanyang tama.

Nanlaki ang mata ko at liningon ulit ang demonyo dahil naalala ko nung naglalakad kami sa gubat para makakuha ng mga sagot. Ang pangalan ng demonyo na nasa harapan ko.

"Sabay sabay kayo mamatay dito! At ng pamilya mo!", sigaw sakin ng demonyo na nag aapoy.

Tumayo ako kahit sobrang sakit na ng katawan ko.

"Hindi ako! O kami ang mamatay dito! Ikaw lang at ikaw lang ang matitira dito sa impyernong ito! Eligos!"

Yug StreetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon