Chapter 33

1.4K 63 2
                                    

Iniwan ko si Dominic pagkatapos kong kumain ng almusal. Kailangan kong makita si Miguel. Magkikita kami sa mall na malapit lang sa condo ni Dominic

Inihatid ako ni Mr. Kim sa mall. Anong oras na din yun mga 10 na din. Minsan talagang naiisip ko kung dapat ba talaga ako sa posisyong ito kasi kung tutuusin isang walang binatbat na prinsesa lang ako. Hindi ko hiniling na maging ganito dahil wala naman sa pangarap ko. Makatulong at mapasaya lang ang mama ko ayos na ako eh.

Nakarating na ako sa mall. Sa entrance ko nakita si Miguel bumaba na ako ng kotse para imeet sya.

"Salamat po Mr.Kim" ngumiti lang sya at umalis.

Pinuntahan ko si Miguel at niyakap ko sya. Sana hindi kasama si Miguel sa nangyari. Sana wala syang kinalaman

"Bakla, Saan ka napunta kagabi? di ba sabi ko wag kang aalis sa paningin ko?" sabi nya sa akin humiwalay sya sa akin para tignan ako

Huh!? Thank God. Sana totoong wala syang alam. Pumasok na kami sa loob at pumunta sa isang 85's Dining Resto. Masarap ang mga seafoods dun. Umorder na din kami.

"Bakla? Nasaan ka kagabi?" tanong nya.

"Miggy. . Uhm. ."

"Uhm?"

"Kasi . . Teka Teka! Ikaw ang nasaan?" Tanong ko.

Ang hirap sabihin sa kanya kasi alam kong mahal nya si Jan at nagtitiwala sya dito.

"Bakla sabi ni Jan na inihatid ka na ni Zoe, Ayaw ko pa nga pumayag kasi hindi ako nagtitiwala dun tapos pinasakay ako ni Jan sa Taxi pauwi. Nakakatampo nga eh. Hindi na kasi sya nagtext"

Napapaluha ako sa mga nasabi ni Miguel. Thank God at totoo pala syang kaibigan. Thank you Lord, Thank you!

"Bakla bakit? Bakit ka naiiyak?" tanong ni Miguel

"miggy masaya lang ako. Pagkatapos natin kumain may pupuntahan tayo."

"Bakla? Saan?"

"Miggy kumain muna tayo"

naghintay kami ng order namin. Hindi ko maisip kung tama ba na pumunta kami dun.

(Angelica's POV)

"kamahalan, Nahuli po si Jan at Mr. Nicholas." sabi sa akin ni Butler Lee

"Paano?"

"kamahalan, Nakita po sila ni Prince Dominic papasok ng Motel. Hindi din po namin nakita yung cam. hindi po namin nakita yung mga pictures. Patawad po kamahalan"

Natanggal yung dugo ko sa Buong katawan ko. Paano kung? Dominic, sana maintindihan mo na nagawa ko lang ito para sayo para sa pagmamahal ko sayo.

"nasaan sila?"

"kamahalan nasa pulisya po sila. Kailangan nila ng pang piyansa"

"Bigyan sila ng abugado at piyansahan sila. Siguraduhin niyong hindi ako madadamay"

"Opo kamahalan"

Lumabas si Butler Lee. Bakit lagi na lang siya swerte? Ganun na lang ba protektahan ni Dominic? Bibigyan ko sya ng magandang laban. Siya yung kontrabida sa buhay ko.

Hindi ko namalayang nabasag ko na pala yung vase katabi ko. Naiinis ako, naiinis ako kay Rhian.

(Rhian's POV)

Dinala ko si Miguel sa Presinto ng walang kaalam alam sa nangyayari

"Anong ganap bakla? Anong meron? ipapakulong mo na ba ako?"

"Miggy naman! Shempre hindi. May ipapakita lang ako sayo"

Pumasok na kami sa loob.

"Jan Notarte and Nicholas" Sabi ko

My Royal Boy (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon