Chapter 40

2.4K 66 7
                                    

(Rhian's POV)

Nakarating na kami sa Baguio. Napakalamig ng klima dun ngayon at nakikita ko na ang usok na lumalabas kapag nagsasalita kami. May isang town house na sumalubong sa pagdating namin. May mga fences kulay brown at ang bahay ay puti at brown din. May mga tanim na halaman at bulaklak. Bumaba na kami bitbit ang Baby Honey Bee namin.

"Wow! Ang ganda!" sabi ko at pumasok sa bahay.

Bubungad sayo ang Living Room at Sa likod nun ang Kitchen. Binaba ko na si Royal Star para tumakbo takbo sa paligid.

"Kagabi ko lang binili ito" sabi ni Dominic

"WHAT?" gulat kong sabi.

Maganda kasi talaga sya at mukhang may nakatira na dito. Hinawakan nya ang kamay ko at umakyat kami sa taas. May isang hallway na bubungad sayo. May dalawang Kwarto na halos magkatapat lang na nakukulayan ng pink sa isa at sa isa ay blue at sa gitna nila ay daan patungong terrace. Sa terrace ako pumunta, ang ganda ng paligid. Tahimik at malamig ang paligid. Naramdaman kong niyakap ako ni Dominic

"Nagustuhan mo ba?"

Tumango ako, hindi dahil sa bahay kundi nagustuhan ko talaga ang paligid. Ang ganda, Lahat ng Gawa ng Diyos naappreciate ko sa oras na ito.

"Tara na! May pupuntahan pa tayo" sabi nya.

Sinundan ko naman sya. Pumasok sya sa kulay asul na pinto means sa pink akong pinto. Papasok na sana ako pero sumilip si Dominic.

"Honey, Kung maliligo ka may heater jan ha?" sabi nya at ngumiti

"Okay Bee!" sabi ko at pumasok na

Sa loob ng kwartong iyon ay may Queen Size na Bed at halos lahat ay Pink. Wow! Ang ganda pa din kahit dito sa loob dahil nakikita ko ang mga pine trees na hinahangin mula sa bintana ko. Pumasok na ako sa Banyo at Wow talaga! May bathtub pa at shower. Sa cabinet ay may blower, Bathrobe at mga towel parang nasa hotel ako. Binuksan ko ang tubig sa bathtub at sinet ito sa Warm, naglagay din ako ng liquid bath soap sa bathtub. Habang hinihintay ko mapuno ang bathtub ay tignan ko ang closet ko sa labas. Lahat ng damit na nakikita ko ay bago. Hindi ko na sya mapipigilan sa gawain nyang ganun. . Dinadaan nya lahat sa yaman. Bumalik na ako sa banyo at nakita kong papuno na ang tubig, pinatay ko ito at Naghubad ako. Lumusong na ako sa maligamgam na tubig at dinama ang tubig.

(Stephen's POV)

Nasa cafeteria na kami ni Angelica.

"Where's Dominic? Hindi pa sya pumasok eh"

Hindi ko masabi sa kanya na magkasama sila. Ayaw ko magselos sya eh.

"O? Stephen! Natahimik ka?" Pambasag ni Angelica sa katahimikan ko

"Uhm. . Wa. . Wala.. Ano nga uli sinasabi mo?"

"Hmm.... Wala yun! Halika na nga! Sabay na tayo pumasok" Tumayo sya at kinuha ang bag nya. Sinundan ko naman sya. Ano na kaya nangyayari kay Rhian ngayon?

(Rhian's POV)

Bumaba na ako pagkatapos ko maligo. Medyo nawala na ang lamig na nararamdaman ko. Nakita ko si Dominic na nagbabasa ng libro. Tinakpan ko ang mga mata nya.

"Rhian! Kahit anong takip yang gawin mo mahuhulaan ko yan kasi ikaw lang kasama ko dito" sabi nya at tinanggal ang mga kamay ko.

"Oo na!" sabi ko. Tumayo sya at hinawakan ang kamay ko.

"Halika na! Maglalakad pa tayo"

Lumabas na kami ng Bahay. HHPSSP ang peg namin. Malaya kami sa mga kritiko namin at magkasama kami. KAMI lang..

My Royal Boy (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon