PROLOGUE

14 1 0
                                    


Mag-isa akong naghihintay sa parking lot ng kompanyang pinagtatrabahuhan nya. Hinihintay syang dumating upang makausap man lang. Nagbabakasakali na ako'y pakinggan nya. Kahit alam kong malabo.

"Anong kailangan mo?" pamilyar na boses nang lalaking ngayo'y nasa aking harapan na.

Sa pagkabigla ay napaayos ako ng tayo sabay tingin dito ng diretso.

"Dave pwede ba tayong mag-usap?" malumanay na tanong ko rito habang nakayuko't nahihiya, hinihintay ang maaari nitong isagot.

"Go on, sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin, dahil importante ang oras ko" seryoso at may diin ang bawat salitang sambit nito.

"Sorry," yan ang unang salita na lumabas saking bibig.

"Sorry for what?" nakakunot noo na tanong nito.

"Dave patawarin mo na ako dun sa nagawa ko. Balik ka na sakin." pagmamakaawa ko sakanya kasabay nang pagpatak ng mga luha saking mata na kanina ko pa pinipigilang pumatak.

"Wag mong hingin sakin yung hindi mo nagawang ibigay sakin noon... at heto lang ang sasabihin ko sayo para malinawan ka na HINDI NA TAYO BABALIK PA SA DATI!" galit na galit na turan ni Dave.

Napapikit nalang ako ng mariin at hinigpitan ang paghawak sa sling ng aking bag.

Nag-iba na yung lalaking minahal ko. Yung Dave na makulit at palabiro. Kasi yung Dave na nasa harapan ko ngayon ay kabaligtaran na ng Dave na nakilala ko.

Nagmamalabis ang mga luha na pumatak mula saking mga mata.

"D-Dave kalimutan na natin yun....bumalik na tayo sa dati p-please" pagmamakaawa ko sakanya.

Sinubukang hawakan ang kanyang kamay ngunit iniwas nya ito.

"Alam mong hindi na mangyayari yun," may pinalidad na sagot nito sabay talikod at mabilis na tumungo sa sasakyan nito.

Gusto ko syang habulin pero hindi ko magawa. Pawang natulos na ang aking mga paa saking kinatatayuan habang patuloy ang pag-agos ng mga luha saking mga mata at ang pagpigil saking mga hikbi.

Naiwan akong nakatayo sa parking lot at mukang tanga na umiiyak.

"Ang tanga mo talaga Sofia." paninisi ko saking sarili.

Nagsisisi na ako sa nagawa kong pag-iwan sa lalaking walang ginawa kundi ang intindihin ako at mahalin.

Nagsisisi dahil napakatanga ko at nagawa kong saktan ang lalaking ibinibigay lahat ng naisin ko.

Ngayon ay parang unti-unti nang nawawala yung lalaking nagparamdam sakin ng sobrang pagmamahal na sinayang ko. Nawala na.

...

Lost in LoveWhere stories live. Discover now