CHAPTER 2

3 1 0
                                    

•DAVE'S POV•

Pagkaalis ko sa bar ay nagtext na ako kay Sofia kung saan kami magkikita.

"Jaysen Resto, 8:00 pm," text ko sa girlfriend ko.

Habang nagmamaneho di ko maiwasang mapaisip sa sitwasyon namin ni Sofia.

Hindi lingid sa aking kaalaman na tutol ang pamilya ni Sofia sa relasyon namin. Nagmula si Sofia sa mayamang angkan at nag-iisa lamang syang anak ng mga Mercado kaya hindi ko masisisi ang kanyang mga magulang kung bakit ayaw nila sa katulad kong walang kinagisnang pamilya at wala pang napapatunayan bilang isang abogado sa di kalakihang law firm sa lungsod.

Tuwing miyerkules at sabado ng hapon lang kami nagkikita upang kumain sa labas. Dahil ayaw ng pamilya nya sakin ay tinago namin ang mag-iisang taon na naming relasyon. Patago kung magkita, text, chat, at tawag ang nagsilbi naming komunikasyon sa isa't isa.

Natigil ako saking pagbabalik tanaw ng may kumatok sa bintana ng aking sasakyan.

Agad ko itong binuksan, at bumungad sakin ang magandang mukha ng aking kasintahan.

"Uyy babe, k-kanina ka pa ba?" Tanong ko sakanya habang inaalis ang seatbelt ko. At bumaba ng sasakyan.

"Hm hindi pa naman," parang walang gana na turan nito. At nauna na sa loob ng restaurant.

Hinabol ko sya ng lakad upang magkasabay kami sa pagpasok at nang mapagbuksan ko sya ng pinto.

Sinalubong kaagad kami ng waiter "Any reservation, sir?" Magalang na tanong nito.

"Yes, reservation for Mr. Dave Saavedra." sagot ko rito.

"This way ma'am, sir." Turo samin nito sa pangdalawahang mesa na malapit sa bintana kung saan lagi kaming nakaupo kapag kumakain kami dito.

Pinaghugot ko sya ng upuan.

"Thank you," pabulong na pasasalamat nito na sapat na upang marinig ko.

Umupo na rin ako sa katapat na upuan.

"So, kamusta sa school? Magkwento ka naman." panimula ko sakanya.

"As usual, ganun pa rin," she sighs heavily, "A lot of paper works and presentation, then some discussions... and a little bit tiring but its okay," kwento nito na mahahalata mo sa kanyang boses ang pagod at sa mukha nito.

Inabot ko ang kamay nito at pinisil ko.

"Kailangan pala na magpahinga ka, kasi andami nyo palang ginagawa sa school...tsaka kaya mo yan ikaw pa HAHAHAHA ang galing mo kaya tsaka antalino pa." masaya kong sabi at pagkumbinsi sakanya.

"Nuh, I'm not good enough and I'll never be." seryoso nitong sabi habang nakatingin sa mga mata ko at biglang yuko.

Umupo ako sa tabi nya at pinilit syang tumingin sakin.

"Babe, look into my eyes."

"Para sakin ikaw ang pinakamagaling, wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao kaya wag kang mag isip ng ganyan hmm." sinsero kong sabi sabay tayo at yakap sakanya.

Ramdam ko ang pag alog ng kanyang balikat at ang pagtulo ng kanyang luha saking balikat. "Dave, s-sorry sa lahat d-dahil hindi ako yung g-girlfriend na bagay sayo," turan nya habang umiiyak.

"Ssshhhhh wag mong sabihin yan, kahit ano pang ugali ang meron ka mamahalin pa rin kita," pag-aalo ko sakanya sabay halik sa kanyang noo.

There are days, I wake up and I pinch myself you're with me not someone else~

Napuno ng musika ang buong lugar.

"Babe, can I take this dance with you?" Pabulong na tanong ko sakanya. At inilahad ko ang aking kamay sakanyang harapan.

"Ofcourse, babe." sagot nya habang nakatingin saking mga mata.

I placed my hand on her waist and start to dance. Di ko maiwasan na mapangiti.

"Why'd you smile like an idiot Mr. Saavedra?" Tanong nya sakin habang nakataas ang kilay at naghihintay saking sagot.

I chuckled "Ms. Mercado, nakangiti ako kasi may naalala lang ako."

"Ano yung naalala mo? Babae mo?" Mapagbintang na sambit nito.

At dahil dun kaya napatawa ako ng malakas "HAHAHHAHAHA you're funny," dahilan para mapatingin samin ang mga tao.

"Walang nakakatawa," seryosong sabi nito at inalis ang mga kamay sa balikat ko. Dumiretso saming mesa at kinuha ang bag at akmang aalis na sa restaurant.

"Wait!" Turan ko habang hinahabol sya sa paglabas. Nang naabutan ko na sya ay hinawakan ko ang braso nya at niyakap sya ng mahigpit.

"Uyy babe, di naman kasi yun ang iniisip ko." pabulong ko sakanyang sabi habang nakayakap ako sakanya mula sa likuran.

"So what's the reason behind your smile then?" puno ng pagtataka nitong tanong.

"Hmm yung babaeng mahal na mahal ko," sagot ko sakanya ng may nakakalokong ngiti saking mga labi.

"Walang hiya ka may kabet ka!!" she said angrily sabay hampas saking braso.

Dahilan upang tumawa pa ako ng malakas "Wait babe, wala akong kabet." sabi ko rito habang sinasangga ang mga hampas nya.

"Liar. Eh ano yung nginingiti-ngiti mo kanina hah" galit nitong tanong at tumigil na sa paghampas saking braso.

"Naalala ko kasi yung time na crush na crush mo 'ko," sabi ko dito habang pinipigilan ang pagtawa.

Masamang tingin ang binigay sakin nito at nagsimula ng maglakad.

"Hatid na kita Ms. Mercado HAHAHHAHAHA" sigaw ko dito habang nagmamadaling pumunta saking sasakyan.

Lost in LoveWhere stories live. Discover now