CHAPTER 7

0 1 0
                                    

•SOFIA'S POV•

Habang nakahiga saking kama ay ipinikit ko ang aking mga mata at biglang napangiti nang maalala ang paghatid sakin ni Dave.

Ang amoy nya na para bang nakakapit na saking katawan, at ang ngiti nya na di mawala saking isipan.

"Ano bang nangyayari sayo Sofia," bulong ko saking sarili at iminulat ang mga mata.

"Five years ang gap namin," pag-iisip ko.

"Pero di naman yun mahalaga," dagdag ko pa.

Nagkakagusto na ba ako sakanya? Hayst. Halos isang linggo ko palang syang kilala nagkakaganito na ako. Mukha naman syang mabait pero may pagkapalabiro nga lang. Pero di ko pala natanong kung meron na syang girlfriend. Panu kung meron? Edi nganga ako. Pero kapag wala, may pag-asa ba ako?. Di ko rin alam.

Di ko alam kung crush ko na ba sya. Ang gulo. Hayss.

Sa pag-iisip ay napagpasyahan ko nalang na matulog dahil may pasok pa ako bukas.

...

Sa mga nakalipas na araw ay lubos ko pang nakilala si Dave. Palagi syang kasama ng pinsan kong si Mike.

Masaya syang kasama at masasabi kong mabait syang tao. Kahit naman siguro sino ay gugustuhin ang isang katulad nya. At aaminin kong unti-unti ko na syang nagugustuhan, natatakot ako na baka sa huli pagsisihan ko na nahulog ako sa kanya.

"Uyy anlalim yata ng iniisip mo ah," pagpukaw sakin ni Lily.

Nandito kami ngayon sa isang coffee shop malapit sa university. Napagkasunduan naming magkita para na rin makapagkwentuhan.

"Ah wala naman akong iniisip bes," sagot ko nalamang rito.

"Sus wala daw, eh it seems like something bothering you. Care to share it?" Nakatitig lang ito at naghihintay saking sasabihin.

Huminga ako ng malalim, "It's about Dave." Maikli kong turan dito.

"Ohh the chinito guy na madalas mong ikwento, anong problema sakanya?" Tanong nito.

"I'm falling." Mahina kong sambit.

Nanlaki ang mata nito na para bang gulat na gulat sa narinig nyang sinabi ko.

"Mygad Sofia bakit sakanya pa?" Naguguluhang tanong nito.

"I don't know, Lily." Kibit balikat kong sagot.

"Diba he's way too old for you? You're 17 and he's what?" ani Lily.

"He's 24 at wala akong nakikitang mali roon, and I'm not yet sure if our feelings are mutual kaya wag kang assuming dyan," litanya ko rito.

"Okay, pero balitaan mo ako kung anong update sa relasyon nyo ah," pangungulit pa nito.

Wala na akong nagawa roon, she's my bestfriend at siguro di nya rin inaakala na ganun kay Dave ang tipo ko sa isang lalaki.

Pero sa ngayon pagtutuonan ko muna ng pansin ay ang aking pag-aaral, makakapaghintay naman ang love.

And I'm still young for that stuff, I might hurt when I take it seriously. Maybe my feelings for him is just infatuation. I hope so.

...

Pabalik ako ng aking classroom nang makita kong nakasandal si Dave sa pader malapit rito na may hawak na notes na sa tingin ko ay pinag-aaralan nya.

Nagtataka akong lumapit sakanyang kinatatayuan.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko rito.

Mukang nagulat ito at napaayos nang tayo.

"Ahmm si Mrs. Cruz kasi humingi nang favor na bantayan ko itong class nya and di ko naman alam na kasama ka pala dun." Paliwanag nito.

"Oh nice," sabi ko nalang.

"Time na, pasok na tayo sa loob." Pagyayaya nito sakin.

Nauna akong pumasok sakanya. Nagsitahimikan ang mga kaklase ko nang makitang nakatayo si Dave sa harapan.

Dumiretso ako saking upuan sa bandang likod at umayos nang upo bago ituon sakanya ang aking tingin.

He cleared his throat, "So, for now ako muna ang magbabantay sainyo habang busy si Mrs. Cruz." saan dito sabay ngiti.

Nagbulong bulungan ang mga lalaki kong kaklase samantalang ang mga babae naman ay kulang nalang tumili sa kilig habang nagsasalita si Dave.

Nagtaas ng kamay ang isa sa mga kaklase kong babae na nakapwesto saking harapan.

"Yes?" Tanong ni Dave dito.

"Sir, single po ba kayo?" Tanong nito dahilan upang lalong maghiyawan ang mga kaklase ko.

Ngumiti lang si Dave, "Yes I'm single, gusto mo bang mag-apply?"

Nakabibinging ingay ang naging sagot ng mga haliparot kong kaklase.

He laughed, "Just kidding"

Naging maayos ang pagdidiscuss nya at may pinagawa rin syang activity regarding sa topic.

Buong period ng subject na yun ay nakayuko lang ako at nagsusulat.

Tahimik lang akong nagsusulat ng mga importanteng detalye sa ipinapaliwanag ni Dave

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lost in LoveWhere stories live. Discover now