CHAPTER 4

0 1 0
                                    

Pagkagaling sa school niyaya ako ni Lily na mag-shopping. Its 5 in the afternoon, kaya medyo marami na ang tao sa mall.

"What we're going to buy, bes?" Tanong ko kay Lily

"Mag-window shop muna tayo bes then kapag may nagustuhan then we gonna buy it," sabi nya habang iniikot ang mata sa mga stall na nadaraanan namin.

Habang naglalakad kami sa mall ay naagaw ng pansin ko yung lalaking nakaupo sa food court ng mall na para bang may hinihintay. Lumingon ng bahagya ang lalaki kaya namukaan ko... it's Dave, yung bestfriend ni Mike my cousin.

May biglang lumapit na babae dito na siguro ay kasing edad lang nito. Maganda at sexy. Bagay sila. Yan ang nasa isipan ko habang nakatingin sakanila mula sa malayo. Girlfriend nya kaya yun? Or kaibigan lang? Mga katanungan saking isipan.

Malayo kumpara sakin na seventeen years old palang, may pagka isip bata at hindi ganun kamature hayss...bakit ba ikinukumpara ko sarili ko dun sa babaeng yun. As if naman na may gusto ako kay Dave. Wait. Ako? May gusto? Kay Dave? WTF.

"Bessss, ano ba tinitignan mo dyan huh kanina pa ako salita ng salita tapos wala naman pala akong kausap...kainis ka!" Litanya ni Lily na mababakas mo sakanyang boses ang pagkairita.

"Ahmm wala naman bes, tara na." sabi ko nalamang sabay hawak sa braso nya at hinila sya palayo dun.

...

Matapos namin mamili ni Lily ng ilang damit sa mall ay nagpasundo na ako saming driver. "Mukang uulan pa yata," bulong ko saking sarili habang nakatingin sa medyo madilim nang kalangitan.

"Yup, mukang uulan nga," bigla akong napalingon sa nagsalitang lalaki na nasa bandang likuran ko.

"D-dave," nauutal kong bigkas sa pangalan ng lalaking nagsalita.

"Hmm natandaan mo pa pala name ko HAHAHAHA," parang masaya 'to dahil tanda ko pa ang pangalan nya.

"Di naman kasi ako makakalimutin," sagot ko.

"So, sino hinihintay mo?" tanong nito.

"Yung driver namin." maikli Kong sagot.

"Ah akala ko boyfriend mo," dahil sa sinabi nya napatingin ako sakanya.

"I don't have a boyfriend." sambit ko para malinawan sya na wala talaga akong boyfriend.

Tumingin ito sa orasan nitong pambisig "It's getting late, hatid na kita kung gusto mo." offer nito sakin.

"May sasakyan ka?" tanong ko sakanya.

"Ahmm motorcycle" sagot nito na para bang nahihiya pa.

Napaisip ako na kung sasabay ako sakanya ay mapapaaga ako ng uwi. "Sige" pagpayag ko sa alok nya na paghatid sakin.

Lost in LoveWhere stories live. Discover now