CHAPTER 1

8 1 0
                                    

•DAVE'S POV•

Lakad takbo ang ginawa ko para makapunta kaagad ako sa paaralan nila Sofia. Nagbabakasakali na maabutan ito sa pag-uwi.

Pamilyar na mga mukha ng kanyang mga kaklase ang bumungad sakin habang palapit ako sa silid aralan nila.

"Babeeeee!" Sigaw ko ng malakas kay Sofia.
Napahinto sya sa paglalakad at napalingon saking direksyon.

Isang malapad na ngiti ang isinalubong ko rito.

"Dave?" Bigkas nya sa pangalan ko na para bang hindi siya nasisiyahang makita ako.

Kinuha ko ang mga librong bitbit nito sa kanyang mga braso at sinabayan sa paglalakad.

"Ahmm babe ah pwede ba tayo mag date mamaya?" May pagbabakasakaling tanong ko sakanya.

Huminto ito at humarap sakin, walang emosyon ang mga mata.

"Pwede naman," sagot nito at biglang talikod mula sakin, pinagpatuloy ang kanyang paglalakad.

"Text nalang kita mamaya babe!!" Sigaw ko ulit sakanya nang maihatid ko sya sa parking lot at makasakay na sa servicenitong kotse.

"Hayss," isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan.

Nagbago na sya. Di na sya yung kilala kong Sofia na malambing, masiyahin, at maunawain.

Di ko alam kung bakit. Ginawa ko naman ang lahat bilang boyfriend niya pero bakit ang lamig ng pakikitungo nya sakin netong mga nagdaang araw.

Parang hindi na sya yung dating minahal kong babae...

....

Laki ako sa isang bahay ampunan, at doon ko na nabuo ang pangarap ko na maging abogado balang araw. Nakilala ko si Sofia dahil sa pinsan nito na kaklase ko dati sa law school. Di man ako mayaman pero matalino namn ako kaya't nakakakuha ako ng mga scholarship na nagagamit ko sa aking pag-aaral noong nasa kolehiyo palamang ako. At isa ang pinsan ni Sofia na si Mike sa mga naging matalik kong kaibigan, hindi sya tulad ng ilan naming mga kamag-aral na matapobre, mabait sya at walng pinipiling kaibiganin.

Dahil kay Mike nagkakilala kami ni Sofia, una ko palang na kita kay Sofia noon ay nabighani na ako sa maalon nyang mga buhok, sa kulay gatas nyang kutis na para talagang alagang-alaga, ang kanyang magagandang mga mata, labi nyang mapupula na ani mo'y nang-aakit, at sa edad nya noon na labing pito ay mapapahanga ka na dahil hubog na ang kanyang katawan. Magmula nung araw nayon ay nagkagusto na ako sakanya, at sa paglipas ng mga araw na nakakasama ko sya ay unti unti na akong nahuhulog sakanya.

Lumipas ang ilang taon at nakapagtapos na ako ng abogasya sa edad na bente sais, naghanap kaagad ako ng trabaho para makatulong sa bahay ampunan at para na rin makaipon para saking sariling mga pangangailangan.

Magkaibigan parin kami ni Mike at sya ang naging tulay upang ligawan ko si Sofia. Na di nagtagal ay naging kami rin.

...

Sa aking pag iisip napagpasyahan ko nalng pumunta sa bar.

Sinalubong ako ng napaka ingay na kapaligiran, mga nagsasayawang tao, at ng nakakasilaw na mga ilaw.

Lumapit ako sa bar counter, umupo sa stool at nag order ng beer.

"Dave?! Ikaw ba yan dude?"

Napalingon ako sa nagsalitang lalaki saking likuran.

"Ohh Leo! HAHAHHA ako nga 'to dude... si Dave yung classmate mo nung college" nagagalak kong pakilala rito.

Umupo sya sa tabi ko at nag order ng maiinom.

"So what's  up dude," pangangamusta nya

"Hmm okay naman," sabi ko sabay tungga saking beer.

"HAHAHAHA okay daw, fuck dude hindi ganyan ang nakilala kong Dave.. yung dating Dave na matinik sa chixx at happy go lucky lang," parang di makapaniwalng turan ni Leo sa aking sagot.

"Nagbago na sya," may lungkot sa aking boses at napayuko, pinipigilan ang mga luha sa pagpatak.

"Huh?" may pagkalitong tanong ni Leo.

"Si Sofia," sagot ko.

"Ahh...nag-away ba kayo dude?" tanong nya.

"No, wala akong maalala na pinag awayan namin kasi binibigay ko naman sakanya yung mga bagay na gusto nya...di ko maintindihan kung ano ang nagawa kong mali para manlamig sya ng ganun." paliwanag ko sakanya.

"Dude, intindihin mo nalang yang girlfriend mo kasi ganyan talaga yang mga babae di mo maintindihan paminsan-minsan HAHAHHAHAHA magiging okay din kayo." mahabang litanya nito sabay tapik sa braso ko at umalis na.

Lost in LoveWhere stories live. Discover now