ONE

5 0 0
                                    

#WSRAWFirstWriCon
#TheGiftOfGivingLove
Title:My Unexpected gifts
Author: lightmorena

Ako si Trisanne Gesmundo...walang kaibigan dahil hindi kase ako malapit sa mga tao ewan ko ba,walang pamilya na malapitan kase hindi naman daw ako tunay na anak so iniwan nila ako dito sa Pilipinas,walang jowa or boyfriend kase nga diba kaibigan na nga lang wala ako boyfriend pa kaya...in short I'm alone in my whole life.

Kung sana lang kasing sexy ako ni Ivana Alawi at kasing charming ni Kathryn Bernardo at kasing bangis ni Maja Salvador baka may kasama na ko...21 year-old na ko pero para pa rin akong bata na naghahanap ng pamilya na kung tutuusin kaya ko naman mag isa.
Naging pulubi ako sa lahat ng bagay. Nanlilimos ng kung ano ano...like pag mamahal, opportunities at trabaho.

Naging batang kalsada ako dahil 10 year-old palang ako iniwan na ako ng mga tinuturing kong magulang. Dalawa kaming magkapatid kaso ampon lang ako kaya they left me behind. Nanlimos ako para may pagkain ako at makabili ng sariling damit and at the age of 15 sumama ako sa isang babaeng may cancer nagpaalaga sya sakin ng mga 2 months and binigyan nya ako ng pera at bago sya mamatay inihabilin nya ako sa isang paaralan na binayaran nya para mag-aral ako. Nag rent ako sa apartment after that gamit ang perang ibinigay nya sakin.

I have some of good people around me that sometimes they are helping me in my very poor situation pero di pa rin nila mapunan ang pagkukulang sakin na magkaroon ng buong pamilya besides they are not responsible to do that thing.
Marami man ang tumutulong sakin it's just like that i can't consider them as my family not even my friends.

At ngayon nagtatrabaho ako sa isang boutique.

"Ano tatanga ka nalang ba dyan Trisanne? You know what you're a kind of pesticides here! If not for my mom? I will kick you out of our stall!!!"Sya si Erie masungit na anak ng may ari ng boutique na pinagtatrabahuan ko. Hindi naman talaga ako dapat nagta trabaho dito ngayon. Pansamantala lang naman ang trabaho kong ito habang naghihintay ako sa bagong trabaho ko bilang Secretary.

Lahat ng pangarap ko matutupad ko na pero iba talaga yung pangarap na magkaroon ng buong pamilya.

Malapit na ang pasko gusto ko sanang matanggap na ko sa trabaho at tulad ng dati ko pang hinihiling sana naman mabuo na ang pamilya ko sana bumalik na sila sakin. Sana kahit ngayong pasko lang.

"Oh hija kakauwi mo lang ba kamusta may trabaho ka na ba?" Tanong ni manang linda. Sya ang matandang nag mamay-ari ng apartment na tinutuluyan ko ngayon
"Uhm meron na naman po pero di pa po dumarating yung permanent job ko po.."sabi ko sa kanya habang nilalapitan sya at iniabot sa kanya ang upa ko sa apartment.
"Nako salamat ha! Pasensya ka na kailangan kase ng anak ko "sabi nya at pumasok sa bahay nila. Binabati nya lang ako pagka ganon nga na hihingin na nya ang upa ko sa loob ng isang buwan.

Bago ako matulog nag pray muna ako na sana...maging masaya ang pasko ko sana hindi ako mag-isa sa pasko dahil sa totoo lang ang hirap hirap mag-isa... oo may pagkain naman ako kompleto ang materyal na kailangan ko pero diba nga family is love...pag walang love hindi masaya. Alam ko na andyan ang panginoon para pakinggan ako para kahit mag-isa ako iniingatan nya ako.

December 23...malapit na nga talaga ang pasko. Alam kong ilang taon at ilang pasko ko nang hinihiling to pero ngayon susubukan ko ulit.

"Kung hindi man bumalik ang pamilya ko sana may dumating na kahit isang tao man lang na kaya akong pasayahin na kanyang maging kapamilya ko kahit kamukha pa sya ni xander ford ok lang sobrang desperada na talaga ako na mag karoon ng makakasama sa darating na pasko..." madamdaming sabi ko at may narinig akong hagikgik sa labas ng bintana ko.

ONESHOT STORIESWhere stories live. Discover now